2/17/2006
hello, pwede po ba akong tulungan about the names & their alias ng ating mga bayani...(phil. heroes like rizal, bonifacio). maraming salamat po....
glenda ...

2/19/06
magandang araw sa iyo, glenda! sana’y mahusay ang kalagayan mo. marami sa ating mga bayani ang gumamit ng “alias” - karamihan ay limot na ngayon - dahil tuntunin sa pagsali sa katipunan upang hindi mabisto ng mga español. ang mga kilala pa ngayong “alias” ng mga katipuneros ay “agapito bagum-bayan” ni andres bonifacio, “dimas ilaw” ni emilio jacinto, “madlang away” ni pio valenzuela, “vibora” ni artemio ricarte, “general apoy” ni mariano alvarez, “dimabunggo” at “maestro serbio” ni eusebio viola.

bago nuon, nag-“alias” din ang mga manunulat laban sa español. pinaka-bantog ang “dimasalang” at “laon laan” ni jose rizal, “taga ilog” ni antonio luna, “jomapa” ni jose maria panganiban, “naning,” “kalipulako” at “tikbalang” ni mariano ponce, “catulo” at “isagani” ni cecilio apostol. pinaka-maraming “alias” si marcelo del pilar -

EMAIL:  Mga Tanong at Kuro ng mga Bumasa
<== Nakaraan           1   2   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12         Susunod ==>

“plaridel,” “siling labuyo,” “piping dilat,” “dolores manapat,” “kupang,” “haitalaga,” “patos,” “carmelo d.a. murgas” at “l.o. crame.” pati si wenceslao e. retana, ang kalaban ni rizal, ay nag-“alias” ng “desengaños” pagsulat niya sa ‘la solidaridad.’

sana’y makatulong ito sa iyo. sumulat ka uli!

02/19/06
Hi, am glad u find time to answer my email...actually ito po assignment ng anak sa Ateneo De Davao, we find it hard to research.. this is a great help and i aprreciate it very much.....

thank u very much & more power.....
glenda

02/17/06

Hello,
This is really a beautiful website. Unfortunately I don’t understand Tagalog. Any chance that you might consider an English translation ?

Congratulations for the nice work!
Patrick Wens
Belgium

Hi, Patrick! I’m pleased, and touched, by your compliment, thank you.

Unfortunately, I still have many pieces to write and load (all in Tagalog and all more than 2, maybe even 3, generations late, to judge by response from students, teachers and plain fans of Philippine history) so it’d be a while before I find time to rewrite any in English. However, hundreds of books and online histories about the Philippines,

3/3/2006
mayroon po b kayong (alam) tungkol sa igorot revolt noong 1601?
joel

3/14/06
kamusta, joel! ang mga unang revolt mula nuong 1587 ay nasa “Mga Aklasan Ng Charismatic Pinoys” sa website ding ito. mayruon tungkol sa mga taga-Cordillera.

sana’y makatulong ito sa iyo. sumulat ka sana uli!

most of them in English, have similar content, I assure you. So you can learn about the country’s past readily.

Again, thanks for the compliment, and the email!
Ernesto J. Laput
New York

3/10/2006
Papano po nag ebolosyon ang tatto dito sa pilipinas?? san po nagsimula? sa mga igorot po ba?? please give me some reference... project ko poh kasi sa filipino art...

salamat po,
anne maryze

3/15/06
sorry, anne, pero walang evolution ng tattoo sa pinas. paniwala ngayon, walang katibayan, na dala ang gawi ng mga dumayo mula indonesia, malaysia, vietnam at burma. wala ring katibayan na nag-evolve ang tattoo duon. malamang napulot sa mga taga-timog india, pinaka-matanda ang mga ulat ng pag-tattoo duon, related daw sa kanilang religions. subalit baka napulot din nila mula sa mga taga-europe na dumayo, nakipag-kalakal at sumakop sa iba’t ibang bahagi ng india sa iba’t ibang panahon mula nuong libu-libong taon sa nakaraan.

ang pag-tattoo sa mga pulo sa pacific ocean, including hawaii, guam, etc. ay galing din sa mga dumayo duon, supposedly. ang nasa history lamang natin ay tinawag na

pintados ang mga bisaya (cebuanos, waray-warays, etc.) dahil sa dami ng tattoo sa katawan nuong dumating si miguel lopez de legazpi (1565), nakasulat sa Bisaya: Ang Mga ‘Pintado’ ni pedro chirino.

mas maaga, nuong 1521, nakita ni ferdinand magellan na may tattoo sa buong katawan si rajah humabon, datu ng cebu. nasa Raia Humabon ng Ang Unang Español ni antonio pigafetta.

pinaka-maaga, nuong 1225, ang mga datu ng mindanao at sulu na nagpunta sa china upang magbigay-pugay sa emperador ay nagpa-tattoo mula ulo hanggang paa sa lungsod ng chuan-chou (guangzhou ang tawag ngayon) malapit sa canton at hongkong, bago sila umuwi. mababasa sa Nagpa-tattoo Sa Chuan-chou ni chao ju-kua. lahat ng ito ay nasa website ding ito.

baka makatulong sa iyo, may iba pang website tungkol sa tattoo sa pinas - http://www.vanishingtattoo.com/philippines.htm, http://www.apat-na-alon-tribe.com/history.html, http://www.needled.com/archives/2005/08/filipino_tribal.php.

good luck sa project mo, anne, sumulat ka uli!

03/15/06
i mean to poh ung mga kahulugan? diba po ang tattoo dati sa mga tribu tribu may kahulugan? pag nakapatay ng baboy o isang tusong hayop nilalagyan sila ng tatoo bilang simbolo ng katapangan?

maraming salamat poh sa pagreply sa aking mga katanungan.
anne maryze

maigi at sumulat ka uli, anne!
una, walang tribu-tribu sa pinas. mahabang paksa ito, huwag na tayong magtungo duon. pang-2, ang tattoo ay body decoration muna at kailan man. sa ilang puok sa mindanao, nag-tattoo sa kamay ang mga babae upang ipahiwatig na may-asawa na. malinaw na gaya ito sa lumang gawi sa india. sa ilang bundok sa cordillera, sa hilagang luzon, at sa silangang mindanao, may mga pangkat na nagpahiwatig ng tapang at giting sa pamamagitan ng tattoo. subalit mas maraming nagpahiwatig duon ng ganuon sa pagsuot ng pulang salawal (pantalones rojo, red pants) o pulang putong (bigkis sa ulo, red turban).

maituturing na kayabangan lamang ito, tulad ng pagpapa-tattoo. nuong unang panahon, kailangang pumugot ng ulo ng kaaway ang isang binata sa cordillera bago makapag-asawa. walang ugnay sa tattoo nila. dapat pumatay ng 7 tao bago maging pinuno ng baranggay ang taga-bundok sa mindanao. hindi rin kaugnay sa kanilang tattoo.

ang tanging pahiwatig ng tattoo sa pinas nuong unang panahon ay tanda at yaman. hindi tina-tattoo ang mga bata pa dahil masyadong masakit. wala ring tattoo ang mga alipin at dukha sapagkat lubhang mahal ang bayad. katiting lamang, kung mayruon man, ang ugnay ng tattoo sa tapang at giting.

una, kahit ngayon, ang mga babaing agta sa cagayan valley, maging dalagita o buntis, ay nagha-hunting ng baboy damo. karaniwang gawain ang pumatay ng ligaw na hayop na makakain at hindi pinag-aaksayahan ng tattoo. pang-2, pakitang tao ng pagka-maharlika lamang ang tattoo, lalo na sa mga pinuno. walang pinatay na baboy damo o mandirigma si humabon upang matakpan ng tattoo ang buong katawan niya.

sana’y mapawi nito ang modern misconceptions tungkol sa mga unang pinoys. salamat sa email mo, anne!

03/25/06
tungkol sa mga Hapon sa Pilipinas noong panahong Meiji. Mayroon ba kayong sinulat na tungkol doon? Salamat po.
J C

3/28/06
sorry, jc, wala akong ulat tungkol sa Hapon sa p’nas nuong Meiji Restoration (1868). may mga Hapon sa cagayan valley nuong unang pasok ng español around 1570s. nagkaruon pa ng japanese village sa tabi ng manila (intramuros) after a few years sa pakana ng mga frayle na magpalawak ng catholico sa japan. pero bandang 1590s, nakalaban nila ang mga español sa manila. ipinapatay pa sa japan lahat ng catholico at ipinagbawal ang pagpasok ng dayuhan at ang paglabas ng mga Hapon, kaya nawala ang mga Hapon nuong buong panahon ng español.

panahon na ng amerkano (1903) nang pumasok ang 3,000 Hapon, na-contrata na gumawa ng mga highway sa p’nas. sinundan sila ng maraming Hapon hanggang nuong 1930s, namahay sa davao city ang mahigit 20,000. mayruon pang 10,000 sa ibang bahagi ng p’nas, sa manila at sa bicol (sorsogon). sila ang nagpalawak ng industria ng pagtanim, pag-ani at pag-unlad ng abaca (manila hemp).

nasangkot silang lahat sa world war II, karamihan ay napatay o ipinatapon pagbalik ng mga amerkano. naiwan lamang ang mga bata, inampon ng mga p’noys (usually mga tagabundok sa mindanao) o pinalaki ng mga nanay nilang p’nays. karamihan ay nag-p’noy na, pati mga pangalan, pero may kaunti pang mga “jara” (“hara”) at iba pang apelyidong Hapon sa mga p’noy ngayon.

makatulong sana ito. good luck sa research mo!

03/14/06

Hi Mr Laput,
I am the publisher of Filipiniana.net, a startup historical database. We are about to put up free full-text historical documents that have been annotated and hyperlinked, it has a very similar purpose to your website. Pls visit out web site www.filipiniana.net, which is still under construction. In reviewing websites to link to, my Editor in Chief Carlos Madrid and I agreed that your site is one of the key sites that we would like to have a linkage with. Is it possible to do this?

Also as we are part of Vibal Publishing House, a leading scholastic publisher in the Philippines (see www.vibalpublishing.com), we would be interested in converting some of your web pages into possible books, among them the Hispanofilipino timeline of important people (amazing research and design), as well as the article on Tsinoys.

I am based most of the time in New York, but travel throughout the year between my offices in Madrid and Manila. I can be reached at 914 661

0116, my mobile, or via email at gvibal@vibalpublishing.com or gvibal@mac.com. I will be in New York till April 1, whence I travel to Manila to attend to the startup of Filipiniana.net

My regards,

GUS VIBAL
Publisher
Filipiniana.net

3/18/06
I am gratified you find my website informative. I’d be honored to have it linked by Filipiniana.net. Teachers and students visit my pages although more than half are p’noys in and out of p’nas just reviewing (some learning for the first time) our history. I have had a book printed, the PINAS history outline, and maybe will publish a couple more someday. One reader reported that cd’s of my web pages are being peddled in Manila. Mahal daw masyado. Thank you for writing, looking forward to hearing from you again. Good luck and Mabuhay to Filipiniana.net!

ernesto j laput
new york

3/19/2006

Hi Mr Laput,
great to hear from you, thank you for allowing us to link to your truly fascinating web site! Imagine that Pinoys are peddlings your web pages on the street, that is very interesting. I am pretty sure there is a market for publishing your books. Would you be interested in pursuing several book proposals with us, Filipiniana.net publishing your books? I am very interested in hearing from you again, as you know I am also in New York,

but I will be leaving for Manila in 2 weeks to attend to the launch of our historical database.

Looking forward to hearing from you,
GUS

3/20/06
thanks for writing back! yes, i’d be interested in publishing a couple of books. i’d like to hear the terms, whenever you have time. and good luck on your web launch!
ernesto

Balik sa nakaraan             Ulitin mula sa itaas             Mag-email ng tanong at kuru-kuro             Mga Kasaysayan ng Pilipinas             Ipagpatuloy sa susunod