EMAIL:  Mga Tanong at Kuro ng mga Bumasa
1   2   3   4   5   6   7   8   9   10   11   12         Susunod na pilas ==>

3/18/2003
Although I have not yet absorbed its entirety, I just want to thank you for creating your PINAS: Munting Kasaysayan ng Pira-pirasong Bayan. Based on a half-day reading of the contents, I truly think this is one of the most comprehensive and revealing of Philippine history. Nais ko ding ipahiwating ang hiling na sana ay may magsa-libro ng mga nilalaman ng pahinang nilikha mo. Tiyak na ikaw lang ang may karapatang gawin iyon! Mabuhay ang Pinas!
Emmanuel G. Ramos, Ph. D. Deputy Director,
Philippine Institute of Volcanology and Seismology

7/30/2003
I would like you to know that I am very please to see ur page about philippine history from which all the details were written in most comprehensive manner (Tagalog Version). Once again, Thank you and Best Regards
Catherine C. Guanzon

9/24/2003
bakit walang kasaysayan tungkol sa mga Potuges? marami pa akong nalalaman tungkol sa kanila ngunit, hindi pa sapat iyon para sa aking pagpapahayag na aking gagawin. Sana’y matulungan mo ako....
Florence

2/4/2004
Patawad, napakatagal bago ko natapos ang ulat tungkol sa mga Portuguese. Nasa website na, 2 kabatana - Kagagawan Ng Mga Portuguese tungkol sa pagtuklas nila sa Pilipinas nuong 1512, at sa Sumalakay Ang Mga Portuguese nang salakayin nila sina Legazpi sa Cebu.

Sana’y magamit mo ang mga ito. Kung may kailangan pa, pakisabi at ipadadala ko ang mga pinutol - tungkol sa Malacca, Formosa, Macao at Deshima (sa Japan) at mga nangyari si Portugal mismo pagkatapos ng 1640 - dahil wala nang connection sa Pilipinas. Salamat po.
Ernesto

1/17/2004
Matagal na po akong nag hahanap ng tagalog na pagkasalin ng talambuhay ni Trinidad Tecson pero malimit po ay sa Banyangan salita ito nakasalin. Maari po ba ako humiling ng kopya nito.
salamat po,
cesar

Inilagay na sa Trinidad Tecson: Ang Inang sa Biac-na-Bato sa website ding ito. Salamat sa iyong email.

3/23/2004
Magandang araw sa iyo kaibigan. Ako po ay napadaan sa iyong website....at binabati kita sa isang napakagandang pahina. Hangang sa muli...God Bless!!!
Bing

1/27/2004
Hi, Hope you can help me. I need the picture and talambuhay ni Pedro Ladia. Thanks.
Regards,
Aleth

January 30, 2004
Sorry, but wala nang nakitang picture or stories about Pedro Ladia maliban sa naisulat sa Mga Unang Aklasan sa website ding ito. i attached a longer version dito, with more details and background, para maunawaan kung paano at bakit naganap ang pag-martir kay Ladia who (I suspect) nagsamantala sa hawig ng pangalan niya sa pangalan ni Rajah Laja (binigkas na Laya ng mga Espanyol kaya naging malabo). I hope makatulong itong story. Salamat po!

Walong taon matapos nilang agawin ang Manila mula kay Rajah Soliman at Rajah Matanda, pinasok ng mga Espanyol nuong 1580 ang munting nayon ng Li Han, pinalitan ng ‘Malolos’ ang pangalan, at sinakop ang mahigit 4,000 mamamayan duon. Sa mga sumunod na taon, marami at madalas ang aklasan ng mga tao laban sa

pagsakop ng mga Espanyol sa pali-paligid ng magiging lalawigan ng Bulacan subalit tahimik at nanatiling masunurin ang mga taga-Malolos hanggang nuong 1643. Naligalig ang mga taga-Malolos sa pag-amuki ng isang taga-Borneo, si Pedro Ladia, na itiwalag ng mga tao ang mga Espanyol. Ipinagmalaki ni Ladia na ka-angkan at tagapagmana siya ni Rajah Laja, ang tinawag na Rajah Matanda, at siya ang dapat maghari sa mga Tagalog. Masugid at lihim na hinikayat ni Ladia ang mga tao, sinaliwan ng pag-inom ng alak at pananalangin sa mga anyito at mga dating diwata ng mga katutubo.

Dumami ang mga nakinig kay Ladia at nagsimula siyang kumilos at tawagin ang sarili ng ‘Rajah ng mga Tagalog.’ Natunugan ng pari sa Malolos, si Cristobal Enriquez, isang frayleng Augustinian, ang sanhi ng pagkabalisa sa nayon nang magsumbong ang ilang taga-Malolos sa kumpisalan ng simbahan tungkol sa mga pakana ni Ladia. Katulong ang mga Espanyol at mga katutubong ‘guardias’ sa nayon, lihim niyang ipinadakip si Ladia. Dinala nila sa Manila at duon binitay si Ladia. Tahimik na muli ang Malolos pagbalik duon ni Fray Enriquez.

[ Isinampa ko na itong mahabang version sa website - Pedro Ladia: Ang Rajah ng mga Tagalog - para magamit ng ibang interesado.]

3/3/2004
Request po sana ng summary - SUCESOS DE LAS ISLAS FILIPINAS ni Rizal. (English or Tagalog) Salamat ng marami!
  @yahoo.com

3/3/2004
Mayroon nang English version, with Rizal’s annotations, ang summary ay nasa PREFACE sa unahan, medyo mahaba pero completo. I-click lang ito (kung hindi umobra, i-type lang ang e-address sa GO o GOTO box sa iyong webpage) www.nalanda.nitc.ac.in/resources/english/etext-project/history/ philippine/chapter1.html

Sana ay makatulong ito. Ang Tagalog version naman, wala pa akong nakita o narinig. Isasalin ko sa Tagalog kasama sa iniipon ko ngayong ‘Ninuno Mo, Ninuno Ko’. Uunahin ko pero matatagalan at mahaba ang aklat ni Morga. Paciencia sana, at salamat sa iyong pagdalaw sa website.

5/25/2004
hi, I’ve stumbled across your website in one of my searches about prehispanic pampanga. it was such a pleasant surprise. No one has done this before. It’s nice to see all the works of different peole on the Philippines compiled and translated to Filipino. It is very comprehensive and helpful for filipinos and researchers alike. Truly, a treasure trove of information.
I would like to purchase the book. But i’d like a revised edition with your new works included. Thank you for doing this.
 @yahoo.com

3/3/2004
Ito na po yung hinahanap ko. A MILLION THANKS!
  @yahoo.com

6/1/2004
Ako po ay isang Pilipinong dito na naninirahan sa Maryland, USA. Nais ko po sanang humingi ng pahintulot na magamit sa website ko ang larawan ng isang negrito na natagpuan ko sa alltheweb.com at nakaugnay naman sa elaput.org
Ito po ay gagamitin ko bilang pangsarili lamang at hindi upang ipangalakal o anuman. Gumagawa po lamang ako ng isang website na tungkol sa kahit anong may kaugnayan sa Pilipino at sa Pilipinas. Salamat po anuman ang maging tugon ninyo.
Gumagalang,
Tim de la Paz

Maaaring gamitin ang anuman sa website nang walang bayad; huwag lamang ipagbili sana, - ipamigay o ipabasa rin nang libre. Marami ring mga larawan ng Pilipinas sa Austrian-Philippine Homepage, sa SIRIS Image Gallery, sa US Library of Congress, sa SEASite ng Northern Illinois University, at marami pang iba na mahahanap kung gagamitan ng www.google.com

Salamat sa iyong email,
Ernesto J. Laput

6/18/2004
My name is Dominique, I am a french writer. I prepar a work about philippina history, concerning the ‘conquest’ by Magellan. I would like to know if there is a book which relates the story of the european arrival in the island and the first meeting with Philipino people. Do you know a chronical, a novel or poetry about this? In spanish or better : tagalog would be wonderful. I would like to have the philipino point of vue.
Thanks a lot
dominique

6/18/2004
Hello, Dominique! Thanks for your e-mail. Your question, discarding misconceptions common to most non-Pilipino historians, are in 4 parts:

1. Ferdinand Magellan’s voyage to the Philippines, celebrated because it was the first circumnavigation of the world by sea. (Error: He did not conquer; in fact, he was slain in battle in the islands in 1521.) The most authoritative account is by his companion, Antonio Pigafetta, who wrote an account of the whole voyage in both Italian (‘Il viaggio fatto da gli Spagniuoli a torno a’l mondo,’ Venice, 1536) and French (‘Le voyage et nauigation faict par les Espaignolz es Isles de Mollucques,’ Paris, 1526) . I used the English translation by R.A. Skelton, Magellan’s Voyage, A Narrative Account of the First Circumnavigation, Dover Publications, Inc., New York, 1994, when I translated the whole book into Tagalog, Ang Unang Español (‘The First Spaniard’), in my website, available readily and for free.

I also published a book of Philippine history in Tagalog, PINAS: Munting Kasaysayan ng Pira-pirasong Bayan (‘Philippines: A Concise History of a Country of Islands’), available for US$20 plus shipping. It can also be read on this website for free, and carries a summary of Magellan’s arrival.

2. The conquest of the Philippines was started 44 years and 4 Spanish expeditions later, all failures except the one in 1565, by a Spanish bureaucrat in Mexico, Miguel Lopez de Legazpi. His and his companion’s accounts of the voyage and the islands are available in the English translation by Emma Helen Blair and James A. Robertson, The Philippine Islands, 1493-1898, Manila, 1903-1906. The 52-volume history is available on CD on the Internet at www.libros.com.ph.

3. The first European arrival in the islands was in 1512, 9 years before Magellan, by his friend and fellow Portuguese soldier, Francisco Serrao (Serrano in Spanish), who discovered a route to the Moluccas, the spice islands, via the southern Philippines islands a year after the Portuguese under Albuquerque conquered Malacca. Serrano wrote no account and little attention is given to this due mainly to Portugal’s lack on interest in the Philippines which had no spices except for cinnamon. Though Portugal claimed to ‘own’ the islands (by virtue of the treaty of Tordesillas), it never claimed ‘discovery’ of the Philippines. Spain did, to bolster its counter-claim that it ‘owned’ the Philippines. Serrano’s ‘discovery’ of the Moluccas and the Philippines is in The Concise History of Southeast Asia by Charles Kimball, 2000, and in Spanish accounts in Blair & Robertson’s The Philippine Islands of Portuguese crossing the Philippines as a regular route to the Moluccas.

4. The Filipino reaction to the Europeans’ intrusions had never been documented except in Spanish accounts of native resistance and defeat of Magellan and the next 3 Spanish expeditions. The villagers’ battles against Legazpi’s conquistadors and the feud of the Basilan islanders versus the Portuguese are also documented in Blair & Robertson’s The Philippine Islands, as well as the natives’ disparate reactions, some meekly accepting subjugation, many actually helping the Spaniards conquer most of the country by battle and subterfuge.

All of these are translated into Tagalog on my website under the collective title Mga Conquistador Ng Pinas (‘Conquerors of the Philippines’) - chronicling the Dutch, Chinese attempts to penetrate the islands, in addition to the Portuguese and the Spaniards. In 1763, the English also conquered the capital, Manila, as part of the European 7-Year War. French explorers also spied on the islands before their conquests of Indochina in the 18th century.

I hope this e-mail helps you, and good luck on your project! Don’t hesitate to write me on any question you might have. Thanks!
____

6/19/2004
Hi, Dominique! Don’t feel too bad about ignorance about geography and foreign countries. Many of my fellow Pilipinos think Magellan conquered the Philippines even though they know he was killed in battle here. Many more don’t care one way or the other. Some even joke Magellan was killed because he brought no gifts - it is a custom here when visiting for long to bring gifts for the hosts.

By the way, Pierre Sonnerat wrote about the Philippines in his account of his voyage through the Orient in 1774-1781, Voyage aux Indes orientales et à la Chine, ...... depuis 1774 jusqu’en 1781: dans lequel on traite de moeurs, de la religion, des sciences & des arts des Indiens, ... les Philippines & les Moluques, & de recherches sur l’histoire naturelle de ces pays. An English translation is available online at the Austrian-Philippine Homepage (just click on this address to get the article). He recommended conquering the Philippines from the Spaniards.

Thanks, Dominique, and keep writing!

6/21/2004
aking nabasa at naunawan ang mga pangyayari sa unang kasaysayan... sa aking palagay dapat ipaunawa sa lahat ang mga ito, hindi lamang sa mga bata pati na rin sa matanda. mas makakabuti kung sa wikang filipino (tagalog) nakasulat ang buong kasaysayan. mabuhay ang pilipinas... mabuhay ang pilipino!
  @yahoo.ca

6/23/2004
Nais kong bumili ng libro. Dito sa Japan ang address ko, pareho din ba ang presyo ng libro?
  @nifty.com

Oo, pareho din. Huwag lang kalilimutan isama ang pangalan at address para mai-mail ang libro agad. Maraming salamat sa pagtangkilik mo!

6/25/2004
gusto ko pong malaman kung kailan at bakit po binago ang surian ng wikang pambansa sa linangan ng wikang pambansa.
  @yahoo.com

6/28/2004
Wala akong mahanap kung kailan exactly pinalitan ang “Surian” ng “Linangan” maliban sa pagtanghal ng Constitution nuong 1987 (ang tinawag na Constitution ni Cory Aquino) na “Filipino” na ang pangalan ng wikang pambansa, sa halip na “Pilipino” (hanggang ngayon ay pinag-aawayan pa itong pangalan). Ang pagpalit ay sa pangalan lamang. Ngayon, ang “Linangan” ay tinatawag nang Komisyon sa Wikang Pilipino, batay sa batas na Republic Act 7104, nairal nuong Aug 14, 1991, na nagtatag ng Commission on the Filipino Language.

Tungkol naman sa “kung bakit” napalitan, wala ring mga pahayag subalit masisilip sa labanan ng mga pinuno at kung sinu-sino pa sa pamahalaan, nahahati sa 3 pangkat -
1. ang puristang (purists sa English) Tagalog,
2. ang mapaghiram (sa ibang wika) na Tagalog, at
3. ang mga hindi Tagalog na Pilipino.

Ilang bakas sa kanilang bakbakan: Nuong 1959, inulit ng “Surian” ang pahayag (ni Manuel Quezon nuong 1935) na Tagalog ang magiging batayan ng wikang Pambansa (nanalo ang mga purista!). Nuong 1973, iniral ni Ferdinand Marcos ang kanyang Constitution, ginawang Filipino sa halip ng Pilipino ang wikang pambansa (nanaig ang mga mapaghiram!). Sinundan ito ng pahayag nuong 1987 na bilinggual (English at Filipino) ang official languages sa Pilipinas (nakahabol ang mga hindi Tagalog!) at hindi na official ang Español (lumalaban pa rin ang mga nagka-Castila hanggang ngayon).

Ang hangarin ng Linangan, at ng Komisyon ngayon, sabi da, ay palawakin hindi lamang ang Tagalog kundi pati na ang ibang mga wika sa Pilipinas, - Ilocano, Bisaya, Waray-Waray, atbp. Mababasa sa www.komfil.gov.ph/contact.htm kung interesado ka. Tandaan lamang na hindi sumusuko ang mga purista, mapaghiram at ang mga hindi Tagalog (kahit na ang mga nagka-Castila) - patuloy ang pukpukan nila. Pansinin na walang nagluksa sa paglaho ng Surian at ng Linangan. Sa matagal na panahon lamang lubusang malalaman kung ano man ang itsura at tunog ng wikang pambansa, - at malamang ang wikang ito ay mabubuo sa init ng labanan ng mga pangkat.

Sana ay makatulong ito sa iyo. Salamat sa iyong e-mail at pagtangkilik sa website.

Ulitin mula sa itaas                   Mag-email ng tanong at kuru-kuro                   Tahanan Ng Mga Kasaysayan ng Pilipinas                   Ipagpatuloy sa susunod