Java. SINABI sa amin na kasing layo ng isang araw na paglayag sa pagitan ng kanluran at kanlurang hilaga (west by northwest), matatagpuan namin ang isang pulo na tinutubuan ng maraming kayumanis (canela, cinnamon). Tinawag ang pulo na Ende (Flores ang tawag ngayon, sa Indonesia). Ang mga tao duon ay pagano at wala silang hari, at sa ganoon ding landas ay maraming sunod-sunod na pulo, abot sa Kalakihang Java (Java the Great) at sa Cabo de Malacca (Cape of Malacca). Ang pangalan ng mga pulo ay Ende, Tanabuntin, Crevo, Chili, Bimacore, Aranaran, Moin, Zzunbava, Lomboch, Chorun at Kalakihang Java. Ang tawag ng mga tao duon ay Jaoa, hindi Java. At ang pinaka-malalaking kabayanan sa Java ay ang Maggephaer (Majapahit) na nuong buhay pa ang hari duon ay siyang pinaka-makapangyarihan sa lahat ng mga pulo at tinawag na Raia Patiunus, at ang kabayanan ng Sunda (malamang kanlurang Java na tahanan ng maraming taga-Sunda) na tinutubuan ng maraming pimiento (pepper, malamang sili). Ang iba pang mga kabayanan ay Daha (sa silangang Java), Dama (Demak), Gaggiamada, Minutaranghan, Cipara (Japara), Sidaiu, Tuban, Cressi (Geresik), Cirubaia (Surabaya) at Balli (Bali). Sinabi rin sa amin na ang pulo ng Munting Java (Java the Little) na kalahating legua (3 kilometro) ang layo sa Kalakihang Java, ay ang pulo ng |
FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE: Ang Unang Pag-ikot sa Mondo
Ang Unang Español Primo viaggio intorno al mondo
|
Madura (Sumatra ang tawag ngayon). ( Si Marco Polo ang unang tumawag sa Java ng Kalakihan, upang itangi sa katabing Sumatra na tinawag niyang Munting Java. Sa katunayan, mas malaki pa nang kaunti ang Sumatra bagaman at daig mas maraming tao sa Java.) |
|
Pagsunog Sa Patay, Viuda. Kapag namatay ang isang pinuno sa Kalakihang Java, sinusunog ang kanyang bangkay, at ang kanyang pangunahing asawa, may maraming kuwintas na bulaklak, ay pinapasan ng 3 o 4 lalaki sa buong kabayanan sa isang upuan (silla, chair). Tumatawa siya at nakikiramay sa kanyang mga kamag-anak na iyak nang iyak at nagdadalamhati, sinasabing, ‘Huwag kayong umiyak at ako ay makakasalo ngayong gabi ng aking mahal na asawa.’ |
![]() |
Alamat Ng Garuda. Naghayag ang pinakamatanda sa aming mga gabay (pilots, navigators) na sa pulo ng Ocoloro na nasa ibaba ng Kalakihang Java (baka ang pulo na tinawag ngayong Enggano, malapit sa kanlurang timog o southwest ng Sumatra), mga babae lamang ang nakatira at sila ay nabubuntis ng hangin. At kung nanganak sila ng lalaki, pinapatay nila ang sanggol. Mga babae lamang ang inaalagaan nila. At kung may lalaki na nagpunta sa kanilang pulo, pilit nilang malalaking ibon, tinawag na garuda
Sinabi rin sa amin ng mga gabay na sa ibaba ng Kalakihang Java, sa hilaga ng tinawag na lawa ng China (gulf of China) na tinawag nuong unang panahon na Sino Magno (Great China, mula sa Sinus Magnus ni Ptolemy), may isang matayog na punong-kahoy na pinamamahayan ng |
at napakalaki, kaya nilang tumangay at maglipad ng kalabaw o elepante (elephant). Ang pulo na iyon ay tinawag na Puzzathaer. Ang tawag sa punong-kahoy ay Caiu Paugganghi at ang bunga nito ay tinawag na bua paugganghi na kasing laki ng patola (cucumber). Sinabi sa amin ng mga Moro na taga-Burne (Brunei, sa Borneo) na kasama namin sa barko na nakakita na sila ng ibong garuda dahil nagpadala ng 2 ang hari ng Siam (Thailand ang tawag ngayon) sa kanilang hari. ( Ito ay kahawig ng isang alamat ng mga Arabe sa Arabian Nights.) Wala raw bangka o dyong na nakakalapit sa pulo ng Puzzathaer dahil 3 o 4 leguas (19 - 25 kilometro) sa paligid nito, mapanganib ang magulo at ipo-ipong dagat duon. Unang nabatid ang tungkol sa puno ng Caiu Paugganghi nang napadpad ng bagyo at nawasak ang isang dyong sa batuhan sa dalampasigan ng pulo. Lahat ng sakay ay nalunod maliban sa isang munting batang lalaki. Nagpalutang siya sa isang pirasong kahoy at sa isang himala ay napadpad sa tabi ng puno. Umakyat siya sa puno at umupo sa hindi niya namalayang pakpak pala ng isang ibong garuda. Nakatakas lamang ang bata nang lumipad ang garuda at dumagit ng isang kalabaw. At nuon lamang nabalita ang tungkol sa puno, at nalaman ng mga tao na ang frutas na napupulot nila sa dalampasigan ay bunga ng puno ng Caiu Paugganghi. |
Rhubarb. Ang Cabo de Malacca (Cape of Malacca) ay nasa ika-1½ guhit pahilaga at sa silangan nito, nakahanay sa dalampasigan (coast) ang maraming kabayanan at lungsod, at ang pangalan ng ilan ay Cinghapola na nasa duluhan (cape), Pahan, Calantan, Patani, Braalun, Benan, Lagon, Chereggiegharan, Tumbon, Pihan, Cui, Brabri, Bangha, Iudia na lungsod na pinamahayan ng hari ng Siam na tinawag na Siri, tapos ay Zzacabedera, Jundibun, Langonpipha at Lauu. ( Marami sa mga pangalan na isinulat ni Pigafetta ay makikilala pa hanggang ngayon sa silangang baybayin ng Malay Peninsula o sa Gulf of Siam, gaya ng Cinghapola na Singapore ang tawag ngayon. Ang Iuda ay Yuthia o Ayutthaya na dating kaharian ng Siam (bigkas: SA-yam, bayang tinawag na Thailand ngayon.) Ang mga lungsod na iyon ay hawig sa atin at sakop ng hari ng Siam. Nasabi sa amin na sa tabi ng mga ilog ng kahariang iyon, nagpugad ang malalaking ibon na hindi kumakain ng mga patay na hayop na napapadpad duon hanggang hindi dumarating ang isa pang ibon na kumakain ng puso ng hayop. Tapos, saka lamang kakainin ng mga malalaking ibon ang patay na hayop. |
![]() ( Napatunayan na itong gawi ng mga buitre (vultures) na hintayin ang king vulture na mas matibay ang tuka, kayang butasin ang makapal na balat ng hayop, kaya unang kumakain ng laman-loob nito.) Paglagpas sa Siam, matatagpuan ang Camogia (Cambodia) na ang hari ay tinawag na Saret Zzacabedera, at ang Chiempa (Champa, kahariang bahagi ngayon ng Vietnam at Cambodia) na may hari na tinawag na Raia Brahaun Maitri. Duon tumutubo ang halamang ruibarbo (rhubarb), na natatagpuan sa ganitong paraan. Isang gabi, nagsasama-sama ang 20 - 25 lalaki at pumapasok sa gubat at duon, umaakyat sa taas ng mga punong-kahoy buong magdamag upang iwasan ang mga leon, elepante at iba pang mababangis na hayop, at upang
Pagsikat ng araw, sinusundan nila ang simoy ng hangin upang mahanap ang pinagmulan ng sangsang ng rhubarb. Malaki at bulok ang puno nito, kung hindi bulok, walang amoy ang rhubbarb. Ang mga ugat (roots) ay ginagamit na mahusay na gamot, subalit ang puno ang rhubarb ang niluluto at kinakain, at tinawag nilang calama. |
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Susunod na kabanata |