Trinidad and Victoria

Paalam! Deciembre 21, 1521

SABIK na kaming umalis nuong Miercoles ng umaga at sinamahan kami ng hari ng Tadore (Tidor), ng hari ng Giailolo (Gilolo) at ng hari ng Bacchian (Bacan), pati ang anak na lalaki ng hari ng Tarenate (Ternate), at ihahatid sana kami sa pulo ng Mare. Nagladlad ng mga layag ang barkong Victoria at umusad nang bahagya, hinintay ang barkong Trinidad subalit bago nakapaglayag ito, nagkaroon ng butas sa ilalim at unti-unting pinasok ng tubig.

Mabilis bumalik ang Victoriaat dumaong sa tabi at masipag naming inilipat ang mga carga ng Trinidad upang gumaang ito at nang makita namin kung makukumpuni ito. Narinig naming pumupuslit ang tubig parang nasa tubo (through a pipe) subalit hindi namin makita kung nasaan ang butas. Buong maghapon at kinabukasan din, ginamit namin ang gaud (bomba, water pump) subalit walang nangyari.

Nang makita ito ng aming hari (si Sultan Manzor), lumapit agad sa barko at hinanap kung saan pumapasok ang tubig. Inutusan pa ang 5 tauhan niya na sumisid sa dagat at hanapin sa labas ng barko ang butas o siwang. Mahigit kalahating oras sumisid ang mga lalaki ngunit wala silang natagpuan. Nakita ng aming hari na hindi makumpuni ang barko at tumataas ang tubig sa loob at halos maiyak siya, ipinasundo mula sa cabo (cape) ng pulo ang 3 lalaki na marunong sumisid nang matagal sa ilalim ng dagat.

Maaga nuong Viernes, dumating ang hari kasama ang 3 lalaki na pinasisid niya agad nang nakaladlad ang mga buhok nilang mahaba at dala ang kanilang mga gamit upang hanapin

Pigafetta Ferdinand Magellan

FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
Primo viaggio intorno al mondo
ni Antonio Pigafetta

ang butas na pinapasukan ng tubig. Isang oras silang sumisid sa dagat, subalit hindi pa rin nakita ang sira.

Napaiyak na ang hari at sinabi, ‘Sino ngayon ang pupunta sa España upang magbalita sa hari tungkol sa akin?

Sumagot kami na tutungo ang barkong Victoria habang mainam pa ang ihip ng hangin (mula sa silangan o east wind) na nagsisimulang lumakas, at ang barkong Trinidad, pagkatapos makumpuni, ay maghihintay ng hangin mula sa kanluran (west wind) at maglalayag papuntang Darien na nasa kabilang panig ng dagat, sa lupa ng Yucatan (sa Mexico.

Dito nahayag na buo na ang pasiya ng mga Español na maghiwalay - ang Victoria ay magpapatuloy papuntang kanluran (west), at tatawid ng Indian Ocean at ng Africa pabalik sa España. Ang Trinidad, kung matakpan ang butas, ay maglalayag papuntang silangan (east), tatawirin uli ang Pacific Ocean, ang America at ang Atlantic Ocean pabalik sa España).

Sinabi ng hari na mayroon siyang 225 tauhan na marunong gumawa ng sasakyang dagat (shipwrights) na kukumpuni sa Trinidad, at ang mga tauhan nito na maiiwan ay ituturing niyang gaya ng mga anak niya at hindi sila kailangang magpakahirap, iutos lamang sa mga tauhan niya kung ano ang dapat gawin upang makumpuni ang barko. Makabagabag damdamin ang pagsasalita ng hari, kaming lahat ay napaiyak.

Natakot kami na mawatak ang barkong Victoria dahil sobra-sobra ang carga, kaya binawasan namin ng 60 quintal (6,000 kilo) ng kiandi (clovas). Dinala namin sa bahay

kalakal na ginamit namin sa kabayanan, at itinabi duon kasama ng mga carga ng barkong Trinidad. Nagpaiwan ang ibang mga kasama namin duon sa pulo, sinabing natakot sila na hindi makatagal ang Victoria (at lumubog bago makabalik sa España). Subalit ang tunay na takot nila ay mamatay ng gutom sa dagat.

Fiesta ni Santo Tomas (Saint Thomas day) nuong Sabado, Deciembre 21, 1521 nang umakyat uli sa barko ang aming hari (our king) kasama ang 2 gabay (pilots) na binayaran namin upang ihatid kami palabas sa mga pulo. Sinabi sa amin ng mga ito na mainam ang panahong maglayag subalit sumusulat pa ng liham ang mga kasama namin na maiiwan kaya tanghali na kami nakatuloy. Oras Ternate na, at nagpaputok ng mga cañon ang 2 barko, nagpaalam sa isa’t isa, at parang namimighati sa huling pagkikita. Ang mga tauhan namin na maiiwan ay sumabay nang bahagya sa kanilang mga bangka at matapos magyapos (embrace) at lumuha, naghiwalay na kami.

Sinamahan kami ng governador hanggang sa pulo ng Mare, kung saan namin binili at tinanggap ang mga kahoy na dala ng 4 parao, ang mga kahoy na ipinaputol duon ng aming hari (Sultan Manzor) ilang araw sa nakaraan. Pagkatapos ng kulang-kulang isang oras na pag-carga ng kahoy, naglayag kami patungong kanlurang timog (southwest).

Naiwan duon si Joao Carvalho at 53 kasama namin. Sa Victoria, may kasama kaming 13 indio (mga taga-Maluku) at 47 na lamang kami nang lumisan.

Nakaraang kabanata       Ulitin mula itaas       Tahanan ng mga kasaysayan       Lista ng mga kabanata       Susunod na kabanata