Mga Hiwaga, At Luya. BARIL ang handog namin nuong Martes sa aming hari (our king, si Sultan Manzor), mga sandata gaya ng arquebuses (baril na de-sabog) at 4 barilis (barrels) ng pulvura (gunpowder). Nag-carga kami sa bawat barko ng tubig sa 80 butts (casks, mga barilis na naglalaman ng 500 litro ang bawat isa). Nuong nakaraang 5 araw, pinapunta ng hari ang 100 tao niya upang pumutol ng mga kahoy sa pulo ng Mare para sa amin, na dadaanan namin paalis. At ngayon, dumalaw ang hari ng pulo ng Bacchian (Bacan), kasama ang marami sa kanyang mga tao, upang makipagpayapa sa amin. Nauna sa kanya naglakad ang 4 lalaking may hawak na mga sibat o kampilan (straight swords). Sa harap ng aming hari at lahat ng tao, hinayag niya na habang panahon siyang magsisilbi sa hari ng España, at itatago niya at ipagtatanggol ang mga kiandi (clovas, cloves) na naiwan ng mga Portuguese hanggang sa pagbalik ng mga barko ng Español, hindi niya raw ibibigay kahit kanino nang walang pahintulot mula sa amin. Bilang handog niya sa hari ng España, ibinigay ng hari ng Batjan ang isang alipin (slave) at 10 bahar (2,040 kilo) ng clovas,subalit punung-puno na ang mga barko namin at 2 bahar na lamang (408 kilo) ang nai-carga namin. Naghandog din siya ng 2 patay na ibon, na kasing laki ng kalapati (rock doves), maliit ang ulo at mahaba ang tuka (beak), isang dangkal ang haba ng mga paa at kasing payat ng yantok (reed). Sa halip ng pakpak, may mga mahabang balahibo na kasing haba ng pluma (plumes) at iba’t iba ang kulay. Kayumanggi ang kulay ng ibang bahagi ng ibon, at ang buntot ay kasing haba rin ng buntot ng |
![]() ![]() FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE: Ang Unang Pag-ikot sa Mondo Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
|
|
![]() ( Karaniwang kalakal nuon ang balat at balahibo ng mga ibon. Tinawag na diwata ang ibon dahil paniwala nuon na hindi napapatay sa digmaan ang may suot ng balahibo nito. Nag-uwi ng 5 ibon ang mga Español, hiningi ni Pigafetta ang isa mula kay Sebastian del Cano at hinandog sa arsobispo ng Salzburg (bahagi ng Austria ngayon) pagkarating sa Europa.) Ang lahat ng hari sa Maluku ay sumulat sa hari ng España na hangad nilang maging tunay na tagapagsilbi niya habang-panahon (forever). Ang hari ng Bacchian (Bacan) ay 60 - 70 taon ang tanda, at gawi niya kapag may labanan o mahalagang gawain, na ipasubok muna ito nang ilang ulit sa mga tauhan o utusan na ginagamit niya para lamang gawin ito. Minsan, ipinasabi ng aming hari (Sultan Manzor) sa mga kasama naming nagbabantay sa bahay ng kalakal na huwag silang lalabas sa gabi |
dahil may mga tao duon na naglipana sa gabi, walang ulo at may ‘galing’. Kapag nakatagpo daw ng ibang tao, hinihipo sa kamay at kinukulam, nagkakasakit agad ang tao at namamatay sa loob ng 3 - 4 araw. Kapag isang pangkat ng 4 - 5 tao ang nakatagpo, hindi pinagkakasakit ngunit ginagamitan ng hiwaga (magic) at kulam (sorcery) at ang mga tao ay nawawalan ng malay. Marami na raw ganitong mga tao (mangkukulam) ang ipinabitay ng hari. Kapag nagtayo ng bagong bahay ang mga tao sa pulo, bago sila pumasok, nagsisiga (bonfire) muna sila sa paligid at nagkakainan sa labas. Tapos, itinali nila sa gilid ng bubong ng bagong bahay ang maliliit na uri ng lahat ng natatagpuan sa pulo, upang hindi magkulang sa kahit na ano ang mga nakatira sa bahay. Tumutubo ang luya (ginger) sa lahat ng panig ng pulo, kinain namin ng hilaw (green) parang tinapay. Ang luya ay hindi punong-kahoy kundi maliit na halaman na tumutubo sa ibabaw ng lupa na parang mga usbong o mga tubo (pipes) na isang dangkal ang haba, kahawig ng mga buho (reeds), pati na ang mga dahon, mas maigsi lamang at mas makitid.
Walang pakinabang sa mga usbong na ito, ngunit ang ugat ay luya, na hindi masyadong matapang kung hilaw pa (green) kaysa kapag natuyo na. At pinatutuyo ng mga tao sa loob ng malalaking banga (jars) na may apog (lime) at kung hindi, nabubulok. |
|
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Susunod na kabanata |