Raia Sultan Manzor. UTOS ng hari nuong Miercoles, Noviembre 27, 1521, sa lahat ng may clovas na dalhin ito sa aming mga barko, at buong maghapon, at kinabukasan din, nakipagkalakal kami ng clovas sa lahat ng dumating. Sumunod na Viernes ng gabi, dumating ang governador ng Macchian (Makian), maraming kasama, sakay sa mga parao, subalit ayaw niyang bumaba sa lupa sapagkat nanduon (sa Tidor) ang kanyang ama, at isa sa mga kapatid niyang lalaki, na kapwa niya ipinatapon mula sa Makian at nakatira nuon duon (sa Tidor). Kinabukasan, sinamahan ng hari ang governador, kasama ang kanyang pamangking lalaki, sa aming barko. Wala na kaming tela kaya nagpakuha ang hari at ibinigay sa amin ang 3 cubit (1½ metro) ng tela, at ito at iba pang mga gamit ang hinandog namin sa governador. Pag-alis nila, nagpaputok kami ng maraming cañon bilang pagpugay. Pagkatapos, nagpadala ang hari ng 6 cubit (3 metro) ng pulang tela para sa governador, at agad naming ipinadala ito. Natuwa ang governador at ipinangako na padadalhan niya kami ng maraming clovas. Ang pangalan ng governador ay Humar at siya ay 25 taon gulang. Pagkaraan ng 3 araw, nuong Linggo, ang unang araw ng Deciembre, umuwi na ang governador matapos sabihin sa amin na hinandugan siya ng hari (si Sultan Manzor) ng mga telang sutla (seda, silk) at mga gong upang maging maagap ang pagpapadala niya ng mga clovas sa amin. Nuong sumunod na Miercoles ng umaga, pinaputok namin ang lahat ng mga cañon dahil fiesta nuon ni Sancta Barbara (Saint Barbara’s day, patnubay (patron) ng mga taga-cañon) at dahil dumalaw sa amin ang hari.
|
![]() ![]() FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE: Ang Unang Pag-ikot sa Mondo Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
|
|
na lumapit sa 2 barko. Pagtagal-tagal, naubusan na kami ng mga gamit pangkalakal, kaya nagbigay lahat kami ng tig-isang cap, camiseta (shirt), balabal (cloak) at iba pang damit, upang lumago ang aming bahagi sa kalakal (quintaladas, shares).
Nuong Sabado, dumating sa aming mga barko ang 3 anak at 3 asawa ng hari ng Tarenate (Ternate), kasama ang mga anak na babae ng hari (ng Tidor), at si Pedro Afonso, ang Portuguese. Binigyan namin ang bawat isa ng 2 inuman na may palamuting ginto (vasos dorado, gilt glasses), at para sa mga babae, mga gunting (scissors) at iba pang mga bagay. Nagpaputok kami ng mga cañon bilang pagpugay sa pag-alis nila. Nagpadala kami ng iba’t ibang handog sa kabayanan para sa anak na babae ng hari (Sultan Manzor) na asawa ng hari ng Tarenate dahil hindi siya sumama sa mga nagpunta sa aming barko. Lahat ng mga tao, babae at lalaki, ay laging nakayapak (unshod). Kinabukasan, Linggo, Deciembre 8, 1521, nagpaputok kami ng mga cañon, palaso at bombang kuwitis (rockets) dahil fiesta ng pagkabuntis ng mahal na Virjen (day of Our Lady’s Conception). Dumalaw ang hari kinabukasan ng gabi, Lunes, kasama ng 3 babae na nagbitbit ng maraming bunga, tinawag na betel (nga-nga). Ang mga hari lamang ang maaaring magsama ng babae duon. Dumating din ang hari ng Giailolo (Gilolo), na nais manood uli habang kami ay nagpapakita ng labanan. Pagkaraan ng ilang araw, sinabi sa amin ng hari (Sultan Manzor) na siya ay tulad |
ng isang musmos (like a child) na sumuso at kilala ang kanyang ina na aalis at iiwanan siyang nag-iisa. Lalo daw siyang nalulungkot dahil nakaibigan na niya kami at natikman na niya ang mga bagay ng España.
Matagal daw bago kami makabalik kaya hiling niya na mag-iwan kami ng mga hackbut (arquebus, baril na de-sabog) at culverin (maliit na cañon) upang pangtanggol niya. Ipinayo niya na pag-alis namin, huwag kaming maglayag kundi kung araw sapagkat maraming batuhan (corals) sa mga pulo duon subalit sinabi naming kailangan kaming maglayag araw at gabi upang makabalik sa España. Ipagdarasal daw niya araw-araw sa kanyang dios (Allah) na iligtas kami sa panganib. Tapos, sinabi niya na darating ang hari ng Bacchian (Bacan) dahil ikakasal ang isang kapatid niyang lalaki sa isa sa mga anak na babae ng hari (Sultan Manzor). Humiling siya na magpakita kami ng kasayahan saliw sa pagdiriwang subalit huwag daw naming paputukin ang mga cañon dahil baka masira ang aming mga barko na punong-puno na ng mga kiandi (clovas). Nuong mga araw na iyon dumating si Pedro Afonso, ang Portuguese, kasama ang kanyang asawa at dala lahat ng ari-arian at sumama sa aming barko. At pagkaraan ng 2 araw, dumating naman si Checchili de Roix, ang anak ng hari ng Tarenate (Ternate), sakay sa magandang parao. Tinawag niya si Afonso at bumaba raw sandali sa kanyang parao. Sumagot si Afonso na hindi siya bababa sapagkat sasama siya sa amin papuntang España. Aakyat sana sa barko si Checchili subalit pinigil namin. Matalik niyang kaibigan ang Portuguese na capitan ng Malacca at nais niyang hulihin at bihagin si Afonso. Nagsisigaw siya, pinagalitan ang mga tauhan niya dahil pinayagang umalis si Afonso nang wala niyang pahintulot. |
|
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Susunod na kabanata |