Mandarambong. PAALIS sa Burne, bumalik kami sa silangang-hilaga ng baybayin (northeast coast) ng Borneo sa paghanap ng mainam na pook kumpunihin ang aming mga barko, pinapasok na ng tubig ang isa. Hindi kasi nag-ingat ang aming piloto at sumayad ang ilalim ng barko sa mga batuhan ng pulo na tinawag na Bibalon (hindi na kilalang pook, malamang batu-batuhan na lamang ngayon sa gilid ng Brunei), ngunit sa awa ng Dios, nasagip namin ang barko. Pagkatapos, may tinambang (ambushed) kaming parao, punung-puno ng mga niyog, na patungo sa Burne. Tumakas ang mga sakay na lalaki nang lumusob kami. Tatlo pang parao, nang matiktikan ang paglusob namin, ay nagkubli sa iba’t ibang pulo sa paligid. Sa timog ng Borneo, sa tabi ng isa pang pulo na tinawag na Cimbombom (Sempang Mangayau |
![]() ![]() FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE: Ang Unang Pag-ikot sa Mondo Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas
|
|
ang tawag ngayon), may isang daungan na may kumpunihan ng mga barko at duon kami pumasok (kung hindi pulo ng Banggi, maaaring pulo ng
![]() |
Balembangan). At dahil maraming kinakailangan kumpunihan sa aming mga barko, nagtagal kami ng 42 araw duon (Agosto 15 - Septiembre 27, 1521). Sa mga araw na iyon, abalang abala kaming lahat sa dami ng trabajo. Ngunit ang pinakamabigat na gawain ay ang paghanap at pagputol ng mga punong-kahoy sa gubat, wala pa naman kaming mga zapatos. Sa pulo na iyon, may mga baboy damo, nakapatay kami ng isa na lumalangoy sa dagat nang madaanan namin habang namamangka papunta sa kabilang pulo. Kulang-kulang isang metro ang haba ng ulo, ang laki ng mga pangil! May mga dambuhalang buaya (crocodiles) rin, sa dagat at sa lupa; may mga tulya at iba’t ibang kabibi (seashells). May 2 kaming nakuha, ang laman ng una ay mahigit 11 kilo, samantalang iyong isa ay 20 kilo. Nakahuli kami ng maliit na isda, hawig sa baboy ang ulo, may 2 sungay pa, parang balot ng buto ang buong katawan, may sakayan (saddle) pa sa likuran (malamang isang uri ng seahorse ito).
May mga punong-kahoy na natagpuan namin, ang mga dahon, kapag nalagas ay nabubuhay at lumalakad. Kasing laki ng dahon ng mulberry, may 2 paa sa magkabilang tagiliran malapit sa buntot na maigsi at patulis. Walang dugo, kapag nahipo, tumatakbo ang mga dahon. Ikinulong ko ang isa nang 9 araw, at nang buksan ko, kumarimot ito. Sa tingin ko, nabubuhay ito sa paghinga ng hangin lamang. (Hindi dahon kundi hanip o insecto na anyong dahon, tawag ay Phyllium orthoptera.) |
|
SEPTIEMBRE 27, 1521 na nang umalis kami sa daungan. Nuon din inalis sa pagka-pinuno si Joao Carvalho at ibinalik sa pagiging punong
Sa tabi ng pulo ng Pulaoan (Buliluyan, sa dulong timog ng Palawan), may nasalubong kaming dyong |
galing sa Burne, sakay ang governador ng Pulaoan (Palawan), at sinenyasan naming tumigil. Ayaw magpapigil kaya sinugod namin at dinambong (pillaged) nang husto. Pantubos (ransom) sa kanyang kalayaan, nangako ang governador na magbibigay sa loob ng 7 araw ng 400 sukat ng bigas, 20 baboy, 20 kambing at 150 manok.
Tapos, hinandog sa amin ang mga dala niyang buko, tubo ng azucar, ilang tapayan (jars) na puno ng uraca (alak) at marami pang iba. Nang makita namin kung gaanong ka-galante niya, isinauli namin ang ilan sa kanyang mga patalim at mga arquebus (baril na de-sabog), binigyan pa namin ng watawat, makapal na bata (robe) na dilaw at 5 cubit (2.5 metro) ng tela.
Binigyan din namin ang kanyang kapatid na lalaki ng isa pang bata (robe) na kulay luntian (verde, green), at sa kanyang anak na lalaki, isang bughaw na balabal (blue cloak). At magkakaibigan kami nang naghiwa-hiwalay. |
|
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Susunod na kabanata |