Taksil! MATAPOS maghapunan, ang haring nabinyagan na (si Humabon) ay nagpasabi, sinang-ayunan namin, sa mga taga-Mattan (Mactan) na kung ibibigay nila sa amin ang mga bangkay ng capitan at ng iba pang napatay, bibigyan namin sila ng kalakal at ari-arian hanggang gusto nila. Sumagot ang mga ito na hindi nila isusuko ang isang lalaking tulad niya, gaya ng inaaasahan namin, na hindi nila ipagpapalit kahit na sa pinakamalaking kayamanan sa buong daigdig, at itatanghal nila bilang paalaala (memorial) hanggang katapusan ng mondo. Pagkamatay na pagkamatay ng capitan, agad pinasakay sa mga barko ang lahat ng ari-arian namin ng 4 kasama naming nagpaiwan sa kabayanan upang magkalakal. Tapos, nagpulong kami at pumili ng 2 pinuno. Isa si Duarte Barbosa, isang Portuguese, at bayaw ng capitan (kapatid ng asawa ni Magellan); ang isa pa ay si Joao Serrao, na Español (sa katunayan, isang Portuguese din, at kapatid ng kaibigan ni Magellan, si Francisco Serrao na tumira sa Ternate, sa Maluku, mula nuong 1513 hanggang mamatay nuong 1521). Ang aming tagapagsalita, si Enrique, dahil siya ay nasugatan nang bahagya, ay tumigil na sa pagdaong at paggawa sa mga dating tungkulin, at lagi na lamang nagtalukbong ng kumot. Sinigawan siya ni Duarte Barbosa, pinuno na ng barkong capitana (flagship, ang Trinidad), na kahit patay na ang capitan na panginoon niya, siya ay hindi pa malaya at, pagbalik sa España, mananatili siyang alipin ni Ginang Beatrix, ang viuda (widow) ng capitan-general. At binalaan niya si Enrique na itataboy siya kapag hindi siya bumaba ng barko at nag-trabaho. Pagkarinig nito, agad tumayo ang alipin at, walang sabi-sabi, nagpunta sa kabayanan at hinayag sa hari (Humabon) na nagmamadali kaming umalis subalit kung aayon siya sa payo, maaaring makuha ang lahat ng aming mga barko at mga ari-arian. At nagsapakat sila. Tapos, nagbalik sa barko ang alipin at naging maayos na ang kanyang mga kilos. Nuong Miercoles, Mayo 1, 1521 nagpasabi ang hari sa lahat ng aming pinuno na hinahanda niya ng mga handog at alahas na ipinangako niyang ibibigay sa hari ng España. Ipinakiusap niya na sumalo kaming lahat sa kanyang almusal nuong |
![]() ![]() FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE: Ang Unang Pag-ikot sa Mondo Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas Primo viaggio intorno al mondo
|
|
umagang iyon, at ibibigay niya ang kanyang mga handog. Ang aming manghuhula (astrologer), si San Martin de Sevilla, at 24 pang kasamahan namin ang nagpunta. Hindi ako nakadalo dahil namamaga ang aking sugat sa noo, tinamaan ng palaso na may lason (poisoned arrow).
Nagbalik si Joao Carvalho, kasama ang pulis (constable), si Gonzalo Gomez de Espinosa, at ibinalita sa amin na nakita niya ang lalaking napagaling ng himala (ang kapatid ni Humabon) na pinapasok ang pari (ang matandang babaing babaylan sa bahay niya. Dahil dito, naghinala sila na may masamang mangyayari at umalis na silang dalawa. Katatapos pa lamang nilang nagbalita nang narinig namin ang sigawan at hiyawan. Mabilis naming itinaas ang angkla (anchor) at pinagkakanyon namin ang mga bahay habang papalapit kami sa pampang. Habang nagpapaputok kami, namataan namin si Joao Serrao, nakatali at duguan, at sumisigaw na itigil namin ang pagkanyon at mapapatay namin siya, o papatayin siya ng mga tao duon. Itinanong namin kung patay na lahat ang mga kasama niya. Patay na lahat maliban sa tagapagsalita, sagot ni Serrao, at nagmakaawa siyang tubusin namin siya ng aming mga ari-arian. Ngunit tumanggi ang kanyang kaibigan, si Joao Carvalho, at ayaw
|
din ng iba naming kasama na magtungo sa dalampasigan sa takot na madaig sila.
Kaya umiiyak si Joao Serrao nang isigaw niyang papatayin siya pag-alis na pag-alis namin. At isinigaw niya na dalangin niya sa Dios na sa katapusan ng mondo (day of last judgment) hihingin niya ang kaluluwa ng kaibigan niyang si Joao Carvalho. Agad kaming tumakas nuon. At hindi ko alam kung buhay pa o patay na si Joao Serrao na iniwan namin.
Ang pulo na iyon ay may mga aso, pusa, palay, dawa (millet), luya (ginger), dalanhita (naranjita), kalamansi, tubo ng azucar (sugarcane), niyog at buko, iba’t ibang carne, uraca (alak) at ginto. Malaki ang pulo at mainam ang daungan, 2 ang pasukan, isa sa silangan (east) at isa sa silangang hilaga (northeast). Ito ay nasa ika-10 guhit at 11 sandali pahilaga at sa ika-164 guhit pahaba mula sa Pinaghatian (demarcation line). At ang pulong iyon ay tinawag na Zzubu (Cebu). Bago pa napatay ang capitan, nabalitaan na namin ang mga pulo-pulo ng Maluku (Moluccas, spice islands, na lalawigan ngayon ng Indonesia). Nagpapatugtog daw ang mga tagaroon ng mga violin na may mga pising tanso (copper strings). ( Malamang kudyapi ang violin na tinukoy, at sa Maluku ang tangkang tungo nina Pigafetta..Wala sa kanilang may alam kung saan ito, maliban sa kailangan silang magtungo sa bandang kanlurang timog southwest.) |
|
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Susunod na kabanata |