Binyagan. 40 LAHAT-LAHAT kaming nagtungo sa kabayanan, sa harap ay 2 sandatahan, dala ang watawat na sagisag ng aming emperador nuong Linggo ng umaga, Abril 14, 1521. Sa pagdaong namin, nagpaputok ang mga barko ng lahat naming kanyon. Nagulat ang mga tao na sunod-sunod sa amin kahit saan kami pumunta.
Nagtagpo at nagyakap ang capitan at ang hari. Sinabi ng capitan na ang karaniwang gawi namin ay 50 tauhan dapat ang mga guardia kapag inilaladlad ang sagisag ng emperador, na may 2 sandatahan sa harap at 50 may dalang mga hackbut(arquebus, baril na de-sabog nuon) gaya ng ginawa namin, ngunit dahil sa pagmamahal niya sa hari, dinala niya ang sagisag kahit 40 lamang kami. Masaya kaming umakyat ng entablado (platform) at naupo ang hari at ang capitan sa 2 upuan (silla, chairs) na may takip na pelus (velvet), ang isa ay pula, ang pang-2 ay kulay lila (violet). Ang mga pinuno ay naupo sa mga unan (cushions) at ang mga iba ay nakasalampak sa mga banig (<>palm leaves mats), gaya ng gawi duon. Upang pasimulan ang pagsamba ng hari sa Iesu Christo, nagtalumpati ang capitan, na isinalin ng tagapagsalita (interpreter). Nagpasalamat siya |
![]() ![]() FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE: Ang Unang Pag-ikot sa Mondo Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas Primo viaggio intorno al mondo
|
|
sa Dios na naibigan ng hari na maging catholico. Gagapiin daw niya (ng hari) ang lahat ng kanyang mga kaaway nang higit pa kaysa nakaraan. Sumagot ang hari na ibig niyang maging catholico subalit ang mga ibang pinuno ay ayaw sumunod sa kanya, dahil magkakapantay lamang daw sila. Ipinatawag ng capitan ang lahat ng mga pinuno at hinayag na kung ayaw nilang sumunod sa hari, gaya ng pagsunod namin, silang lahat ay papatayin at lahat ng ari-arian nila ay ibibigay sa hari. Sumagot lahat sila na susunod na sila sa hari.
Sinabi ng capitan na pagpunta niya sa España, magsasama siya pabalik ng maraming sundalo at ang hari ang magiging pinaka-makapangyarihan sa buong kapuluan, sapagkat siya ang pinaka-unang naging catholico. At ang hari, taas ang 2 kamay sa langit, ay nagpasalamat at humiling na mag-iwan ang capitan ng ilang tauhan upang turuan siya at ang mga tao tungkol sa pagsamba ng catholico. Pumayag ang capitan, at sinabing dadalhin naman niya ang 2 anak ng mga pinaka-mataas na pinuno duon, upang maturuan ng aming wika. Pagbalik nila, maituturo naman nila ang mga natutunan sa España. Matapos ng mga talu-talumpati, nagtayo ang capitan ng isang malaking cross sa gitna ng liwasan (plaza). Kung nais ng hari na maging mabuting catholico gaya ng sinabi niya kahapon, hayag ng capitan, dapat niyang sunugin lahat ng luma at huwad na dios (idols) duon at palitan ng cross, na dapat sambahin nang nakaluhod ng lahat ng tao, nakatikom sa langit ang mga kamay. At ipinakita ng capitan kung paano |
mag-cross sa dibdib (sign of the cross) na dapat ay gawin araw-araw. At tuwing umaga dapat silang lumuhod at sumamba sa cross at pagtibayin ng mga mabuting gawain ang kanilang mga panata at panalangin.
Hinayag ng capitan na nakasuot siya ng puti lahat upang ipakita ang walang bahid na pagmamahal niya sa kanila. Sumagot sila na hindi nila alam kung ano ang isasagot sa magagandang salita ng capitan. Sa ganuon, inakay ng capitan ang hari sa kamay at umakyat sila uli sa entablado at, nang binyagan siya, sinabi ng capitan na ang pangalan niya ay Dom Carlos (Don Carlos, taga-Portugal si Magellan at dom ang parangal duon sa halip ng don ng España), gaya ng pangalan ng emperador na panginoon namin. Ang tagapagmana (principe) ay bininyagan ng Dom Ferrand, pangalan ng kapatid ng emperador. Sa isang pinuno, ibinigay ang pangalan niya, Fernand (Ferdinand). Ang hari ng Mazzaua,ang ay tinawag na Juan (John). Ang Moro ay bininyagang Christoval (Christopher). At ganuon bininyagan, bago mag-misa, ang 50 lalaki. (sa ibang salaysay, 500 tao ang bininyagan). Pagkatapos ng misa, inimbita ng capitan ang hari at ang kanyang mga pinuno na magtanghalian, subalit nagdahilan ang mga ito at sinamahan na lamang kami hanggang sa dalampasigan. At pagdating namin duon, nagpaputok uli ang mga barko ng lahat ng aming cañon. Pagkatapos, nagyakapan sila at nag-alisan na. |
|
Ang Santo Niño. PAGKAKAIN ng tanghalian, ako, ang pari at ilang kasama ang nagpunta sa kabayanan upang binyagan ang reyna (regina, queen). At humarap siya, may kasamang 40 babae, at hinatid namin sila sa entablado. Naupo ang reyna at ang mga babae sa mga unan at, habang naghahanda ang pari, ipinakita namin sa reyna> ang isang kahoy na estatua ng mahal na Virjen at Santo Niño (Madonna and child) na maganda ang pagka-ukit, at ng isang cross. Nais ng reyna na maging catholico nang makita ito, at siya ay bininyagan sa pangalang Juana (Joanna), gaya ng nanay ng emperador. Ang anak ng reyna, asawa ng principe, ay bininyagang Catrina (Katherine). Ang asawa ng hari ng Mazzaua (Limasawa ang tawag ngayon) ay bininyagang Isabel (Ysabeau). Nuong araw na iyon, 800 tao ang bininyagan namin, lalaki, babae at mga paslit (children). Ang reyna ay bata at maganda, nakabalabal ng puti at itim na tela. Mapulang-mapula ang kanyang mga labi at mga kuko sa daliri, at may suot sa ulo na malaking sombrero, parang maliit na payong na hawi sa dahon ng punong niyog. May suot din sa ulo na corona ng mga dahon din, hawig sa corona ng Papa (pope). At hindi siya umaalis ng bahay na walang suot na corona. Hiniling niya na ibigay namin sa kanya ang estatua ng Virjen at Santo Niño upang ipalit sa mga dating dios |
(idols). Ibinigay namin at umalis na siya.
( Ang estatua ay gawa sa Flanders na lalawigan ngayon ng Belgium, sa hilagang Europa. Si Magellan ang naglagay ng mga cross. Natagpuan uli ang estatua ng Santo Niño sa Cebu pagkaraan ng 44 taon, nuong Abril 28, 1565, ni Miguel Lopez de Legazpi, ang conquistador ng Pilipinas. Buo pa, maliban sa inalis ang mga cross. Hanggang ngayon, ang estatua ay nasa simbahan ng mga frayleng Augustinian sa Cebu.) Kinagabihan, dumating sa dalampasigan ang hari at reyna, kasama ng mga tao. Inutos ng capitan na paputukin ang mga cañon, at tuwang-tuwa silang lahat. Kapatid (hermano) ang tawag ng capitan at ng hari sa isa’t isa. Ang hari dati ay tinawag na Raia Humabon. At mula nuon, bago nakaraan ang isang linggo, nabinyagan ang lahat ng tao sa pulo, at iba pa mula sa ibang pulo (sa ibang kasaysayan, hayag na mga 2,200 tao ang nabinyagan). Sa isang kalapit na pulo (Mactan), may sinunog kaming baranggay dahil ayaw sumunod sa hari o sa amin, at nagtayo kami ng cross duon sapagkat hindi sila binyagan. Kung Moro (Moors) sana sila, isang poste (column, malaking parangal o monumento sa mga Español ) ang dapat naitayo namin bilang pahiwatig ng mas malaking tagumpay dahil mas mahirap mapasuko ang mga Moro kaysa sa mga pagano (heathen). Nuong panahon na iyon, araw-araw nagpupunta ang capitan sa kabayanan upang magsimba, at |
![]() Isang araw, nagsimba ang reyna, dumating na may 3 dalaga sa unahan, may dalang sombrero ang bawat isa. Ang reyna ay nakadamit ng itim at puti, at sa ulo ay may maluwang na velo (veil) na may palamuting gintong sinulid, at abot sa kanyang balikat. Suot sa ibabaw ng velo ang kanyang sombrero. Kasunod niya ang ilang mga babae, nakayapak lahat at nakahubad maliban sa tapis sa baywang, tela na hawi sa puno ng niyog, at may maliliit na tela silang putong sa ulo at lugaygay (hanging down) ang kanilang buhok. Nagpugay ang reyna sa harap ng altar, tapos naupo sa unan na bordado ng sutla (seda, silk). At bago nagsimula ang misa, binasbasan ng capitan ang reyna at mga babae ng tubig ng rosas (rose muscat water) at sila ay tuwang-tuwa. Alam ng capitan na naibigan ng reyna ang estatua ng Santo Niño. Sinabi niya, dapat ito ang ariin ng reyna kaysa ang mga lumang dios (idols) sapagkat ito ay paala-ala at sagisag ng anak ng Dios. Nang marinig ito ng reyna, nagpasalamat siya nang maigi sa capitan. |
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Susunod na kabanata |