Raia Calambu.

MAY mga mina ng ginto sa pulo ng hari na nagpunta sa barko (ang kapatid ng hari ng Limasawa) at ang gintong nahuhukay sa lupa ay mga piraso na kasing laki ng itlog. At lahat ng gamit niya ay gawa sa ginto, pati na ang baha-bahagi ng bahay niya na maganda kung ihahambing sa mga bahay duon.

At siya ang pinakamakisig na lalaking nakita ko sa mga tagapulo. Itim na itim ang kanyang buhok na abot hanggang balikat at nakatali ang isang telang sutla (seda, silk) sa kanyang noo. Malaki ang 2 gintong hikaw na nakasabit sa kanyang tenga. Telang hawi sa bulak (cotton) na may bordang sutla ang suot niya mula sa baywang hanggang tuhod. Sa tagiliran niya ay isang balaraw (knife) na may mahabang hawakan na ginto, sa suksukan na gawa ng inukit na kahoy Pintura (carved wood). Sa bawat ipin ay may 3 ukit ng ginto, kaya animo nakatali ng ginto ang kanyang mga ngipin. Sa buong katawan niya ay may pabango ng storax (dagta ng halaman, amoy vanilla) at benzoin (dagta na amoy laurel). Kayumanggi siya at pintado ang buong katawan.

Ang pulo niya ay tinawag na Butuan at Calaghan (Butuan at Caraga sa Mindanao, Agusan at Davao ngayon). At tuwing dadalaw ang 2 hari, nagtutungo sila sa pulo na tinigilan namin (Limasawa) upang mangahoy (hunting). Sa 2 hari, ang pintado ay tinawag na Raia Calambu, at ang isa pa ay si Raia Siaiu.

( Si Ka Lambo, ang pinuno ng Limasawa, at ang kanyang kapatid, si Agu ng Butuan, ay kapwa maharlika at tinanghal na ‘radiya’ ngunit hindi sila ‘hari.’ Si Lambo ay datu ng baranggay sa Limasawa at sa Mindanao. Si Agu ay malamang hindi pinuno sapagkat gawi nuon at sa mga sumunod na taon na hindi umaalis ang pinuno mula sa kanyang baranggay upang ‘magbakasyon’ o mag-aliw sa sarili, o kahit sa anumang dahilan maliban sa makipagdigmaan.)

Nuong huling araw ng Marso, 1521, Linggo ng pagkabuhay (Domingo de Pascua, Easter Sunday), pinapunta ng capitan ang pari sa pulo upang magmisa. Sumama ang tagapagsalita

Pigafetta Ferdinand Magellan

FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas

Primo viaggio intorno al mondo
ni Antonio Pigafetta

(interpreter) upang sabihin sa hari na lumapag kami upang magsimba lamang at hindi kami sasalo sa kanya sa pagkain. Nang marinig ito, nagpadala ang hari ng 2 patay na baboy. Bumaba sa dalampasigan ang capitan at 50 kasamahan, walang suot na bakal ngunit nakasandata lahat at nakasuot ng pinaka-magandang damit nila. Bago dumaong ang mga bangka, nagpaputok ng 6 cañon bilang pahiwatig ng payapa.

Sumalubong ang 2 hari at magana ang pagbati nila at pinagitna nila ang capitan papunta sa puok ng misa, na hindi naman malayo sa dalampasigan. Bago magmisa, binasbasan ng capitan ang 2 hari ng maramingtubig ng rosas (rose muscat water). Nang umabot na sa pag-aalay (offertory) sa misa, humalik din ang 2 hari sa cross gaya namin subalit wala silang ibinigay. Nang itanghal na ang hostia (consecration of the holy eucharist), nagpaputok ng baril sa dalampasigan upang ipahiwatig sa mga nasa barko, at pinaputok nila ang mga cañon. Lumuhod din ang 2 hari gaya namin at sumamba nang nakatikom ang mga kamay. Pagkatapos, lahat ay nag-communion.

Pagka-misa, nagpalabas ang capitan, pinag-espada ang mga tauhan, na ikinagalak ng 2 hari. Ipinakuha niya ang cross, pati ang mga pako at corona, at nagbigay galang ang mga hari. Ipinasabi ng capitan sa kanila na ang mga ito ay sagisag ng emperador na kanyang panginoon, at nag-utos sa kanyang itayo ito sa lahat ng puok na marating niya. Sinabi niya na nais niyang itanim itong cross sa pulo para sa ikabubuti ng mga tagapulo.

Kapag may dumating na barko mula España, malalaman nila na nakarating na kami dito at dahil dito, hindi sila gagawa ng anumang pinsala sa mga tao. Kahit na raw may dinukot silang tao, kapag ipinakita itong sagisag, pawawalan ang mga tao. Saka, sabi ng capitan, kailangang itayo ang cross sa pinakamataas na bundok sa pulo upang makita at sambahin ng lahat araw-araw, nang sa gayon, walang panganib ng bagyo, kulog o kidlat na

pipinsala sa kanila. Nagpasalamat ang mga hari sa narinig at sinabing sang-ayon sila. Nang tanungin kung sila ay Moro (tawag ng Español sa Muslim) o pagano (heathen) at kung kanino sila sumasamba, sinabi Pintado nilang wala silang sinasamba subalit, padasal ang kanilang mga kamay, tumingala sila sa langit at nanawagan kay Aba, ang kanilang dios. Nagalak ang capitan at nang nakita ito ng unang hari, nagpugay uli siya sa langit at hinayag kung maaari, nais niyang ipakita ang pagmamahal niya sa capitan.

Nang tanungin ng tagapagsalita kung bakit walang pagkain sa pulo, sumagot ang hari (si Agu) na hindi siya nagtutungo rito kung hindi upang mangahoy (hunting) o dumalaw sa kanyang kapatid (si Ka Lambo) lamang, at sa ibang pulo siya nakatira, kasama ng kanyang familia.

Tinanong ng capitan kung may mga kaaway siya na dumidigma sa kanya at lulusubin niya ng kanyang mga barko at mga cañon upang wasakin at pasukuin sa hari. Sinagot ng hari na may 2 pulo na kaaway niya subalit hindi pa panahon upang lusubin sila. Sabi ng capitan, kung makakabalik siya duon sa awa ng Dios, magdadala siya ng maraming sundalo at pipilitin ang mga kaaway na Tattoo sumuko sa hari. Tapos, nagpaalam na kami upang kumain ng pananghalian at pagkatapos, babalik kami upang itanim ang cross sa tuktok ng bundok. Nasiyahan ang 2 hari at niyakap ang capitan at sabay-sabay kaming nag-alisan.

Visaya PAGKAKAIN, bumalik kaming lahat, suot-suot na ang mga damit na bakal (doublets) at, kasama ang 2 hari, nagtungo kami sa tuktok ng pinakamataas na bundok Mangingisda na nakita namin at duon itinanim ang cross. Tapos, nagpahinga sila at habang nag-uusap, tinanong ng capitan kung saan ang pinaka-mainam na daungan upang makakuha ng pagkain. Sa Zzubu (Cebu, sa kanluran ng Limasawa), sa Ceylon (pulo ng Panauan, sa silangan ng Limasawa) at sa Calaghan (Caraga, sa silagang Mindanao, sa tinatawag ngayong Davao Oriental), ang sagot ng 2 hari, subalit ang Zzubu daw ang pinaka-malaki at duon pinaka-mainam na magkalakal.

Nag-alok ang mga hari ng mga gabay (pilots) paglayag papunta duon. Nagpasalamat ang capitan at nagpasiya na magtutungo kami duon. Sapagkat ito ang kanyang mapait na tadhana. Naitanim na ang cross at kaming lahat, pati ang 2 hari, ay nagdasal ng isang Pater Noster (Our Father) at Ave Maria (Hail Mary). Tapos, bumaba na kami at nagpakuha ang mga hari ng mga buko (cochi, coconuts) pang-merienda namin.

Nais ng capitan na maglayag na kinabukasan at hiniling niya sa hari ang mga gabay (pilots) sa paglayag, at ipinangako niya na ituturing niya nang mahusay tulad sa sarili niya, at mag-iiwan siya ng isang tao bilang panagot (hostage). Sinabi nila na payag sila, ngunit kinagabihan, nag-iba ang isip ng unang hari. Kaya nang handa na kaming umalis

kinabukasan nang umaga, nagpasabi ang hari na dahil sa pagkalinga niya sa capitan, nais niyang siya na mismo ang sasamang gabay sa amin sa paglayag ngunit kailangang maghintay ng 2 araw habang inaani ang kanyang palay at tinatapos ang iba pang gawain niya. Humiling pa siya sa capitan na magpadala ng mga tauhan upang makatulong, at tumulong naman ng ilang kasama namin.

Subalit sobra-sobra ang kain at inom ng mga hari at nakatulog sila buong araw. Ang sabi-sabi sa amin, bilang pagtatakip, nagkasakit daw. Kaya wala kaming ginawa buong araw, ngunit sa sumunod na 2 araw, nag-trabajo kaming maigi.

May isang tagapulo na lumapit sa amin, may dalang mangkok ng kanin at isang piling ng 8 - 9 saging upang ipagpalit sa isang patalim (cuchillo,

knife) na nagkakahalaga lamang ng 4 quattrini (mumurahing barya sa Italya na gawa sa tanso). Nang nakita ng capitan, tinawag niya at, dumukot sa kanyang pitaka (purse), inalok ang tagapulo ng isang real (salaping pilak sa España) kapalit ng pagkain, subalit tumanggi ang tao. Isang ducat (mas mahalagang salapi) naman ang inalok, ngunit lalong ayaw ng tao. Sa wakas, inalok siya ng 2 ducat, subalit cuchillo lamang ang nais ng tao at inutos ng capitan na ibigay ito.

Hindi nagtagal, isa sa mga kasama namin ang dumaong upang umigib ng tubig, at may lumapit na isang tagapulo na nag-alok ng malaking piraso ng ginto, palit sa 6 malaking piraso ng salamin. Ngunit ayaw pumayag ang capitan, upang malaman daw ng mga tagarito na mas mahalaga ang mga ari-arian namin kaysa sa mga ginto nila.

Nga-nga.

PAGANO ang mga tagapulo, hubad-hubad at mga pintado. Nagsusuot sila ng bahag na telang gawa sa punong-kahoy (tree bark) at malakas sila uminom. Ang mga babae ay nagta-tapis lamang ng tela na gawa sa talukap ng punong-kahoy (tree cloth) mula sa baywang pababa, at ang buhok nila ay itim at mahaba, abot sa lupa, at naghi-hikaw sila ng mga gintong sinsing.

Nguya sila nang nguya ng bungang-kahoy (frutas, fruits) na tinawag nilang areca (betel nut) na hawig sa peras (pear) at hinihiwa nila sa 4 at binabalot sa dahon ng puno nito na tinawag nilang betre (betel tree). Nguya-nguya nila ito kahalo ng kaunting apog (lime) nang matagal na matagal, tapos idudura nila at itatapon. Dahil dito, pulang-pula ang kanilang mga bibig. Ginagamit ito ng maraming tao dahil nakaka-ginhawa raw at, sa init ng araw, hindi sila nakakatagal nang walang nga-nga.

Duon sa pulo, maraming aso, pusa, baboy, manok at kambing. Marami ring palay, luya, niyog at

buko, saging, dalanghita (naranjita, orange), kalamansi (lemons), dawa (millet), pagkit (wax) at mga minahan ng ginto. Ang pulo ay nasa 9 2/3 guhit pahilaga at 162 guhit pahaba mula sa Pinaghatian (line of demarcation). At mula sa kabilang pulo na natuklasan naming may mga malinaw na tubig (ang pulo ng Homonhon), 25 leguas (160 kilometro) ang layo. At itong pulo ay tinawag na Mazzaua (Limasawa).

Tumigil kami ng 7 araw sa pulo, tapos naglayag kami patungong kanlurang timog (southwest) palampas sa 5 pulo, ang Ceylon (Panauan, sa timog ng Leyte), Bohol, Canighan (Canigao), Baibai (Baybay, sa gitna ng Leyte) at Gatighan.

( Hindi na kilala ang Gatighan, malamang nagbago ang pangalan. Bagaman at tinawag na pulo ni Pigafetta, maaaring ito ang dulong timog ng Leyte mismo, sa tinatawag ngayong Canigao channel, sa bandang kanlurang baybayin ng Leyte. Dahil madalian at hindi bihasa ang mapa ni Pigafetta, maaari ring ito ang pulo ng Lapinin sa silangang hilaga ng Bohol.)

Duon sa Gatighan, may isang uri ng ibon na tinawag na barbastigly (paniki o flying foxes) na

Nga-nga kasing laki ng lawin (hawk). Isa lamang ang napatay namin dahil gabi na, at nang kainin namin ay lasang manok. Mayroon pa roong mga kalapati (pigeons) at loro (parrots), at itim na ibon na may mahabang buntot at kasing laki ng gansa (goose) ang itlog na ibinabaon sa tumpok ng buhangin na hanggang tuhod ang taas. Masarap kainin ang itlog. May 20 leguas (128 kilometro) ang layo ng Gatighan sa Mazzaua.

Mula Gatighan, nagtungo kami sa kanluran (west) subalit naiwanan ang bangka ng hari ng Mazzaua kaya hinintay pa namin siya sa may tabi ng Polo (Poro), Ticobon (Pasijan) at Pozzon (Poson, sa kapuluan ng Camote (Camote Islands), sa kanluran ng Leyte).

Nang umabot ang hari, hanga siya sa (bilis ng) paglayag namin. Niyaya siya ng capital-general na sa barko na siya sumakay, pati na ang kanyang mga pinuno, at sila ay tuwang-tuwa. At nagpatuloy kami papunta sa Zzubu (Cebu), na 15 leguas (96 kilometro) ang layo sa Gatighan.

Nakaraang kabanata       Ulitin mula itaas       Tahanan ng mga kasaysayan       Lista ng mga kabanata       Susunod na kabanata