FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo Pigafetta Ferdinand Magellan

Ang Unang Español
Na Dumayo Sa Pilipinas

Primo viaggio intorno al mondo
ni Antonio Pigafetta

Misa sa Limasawa

barko. Maganang sinalubong ng capitan ang mga umakyat sa barko at binigyan ng maraming handog. Ipinabigay naman ng hari ang isang malaking piraso ng ginto at isang buslo (basket) ng luya. Ngunit tinanggihan ng capitan, bagama’t maraming pasalamat siyang binigkas. Madaling umalis ang hari pagbaba ng mga lalaki mula sa barko. At pagbaba ng araw, naglayag ang mga barko papunta sa bahay ng hari.

Kinabukasan, Viernes Santo (Good Friday), pinapunta ng capitan sa dalampasigan ang alipin (si Enrique) na tagapagsalita (interpreter) namin upang bumili (‘in return for his money’) sa hari ng mga pagkain, at sabihin na naparito kami upang makipagkaibigan at hindi makipag-away. Pagkarinig nito, dumating ang hari kasama ng 7 o 8 lalaki sa kanyang bangka at umakyat sa barko.

Niyakap niya ang capitan at nagbigay ng bigas (raw rice) sa loob ng 3 banga (jars) na porselana na may takip ng mga dahon, 2 malaking isda (orades) , at may iba pang handog. Binigyan ng capitan ang hari ng isang bata (robe) ng makapal na pula at dilaw na tela, at isang pulang cap (maliit na saklob sa ulo). Ang mga kasama ng hari ay binigyan ng mga balaraw (cuchillos, knives), at mga salamin (mirrors) ang ibinigay sa iba. Tapos, inutos ng capitan na silbihan sila ng merienda (collation).

Limasaua, Marso 28, 1521

DAHIL may naaninaw kaming apoy nuong nakaraang gabi, dumaong kami sa isang pulo (Limasawa, sa timog ng Leyte) nuong Jueves, Marso 28, 1521, at nakita namin ang 8 lalaki, sakay sa isang maliit na bangka na tinawag nilang boloto at lumapit sa barko ng capitan-general.

Tinawag sila ng alipin ng capitan (si Enrique) na taga-Zamatra (Sumatra, sa Indonesia), ang dating tinawag na Traprobana, at lumapit ang bangka subalit madaling lumayo uli at ayaw umakyat sa barko dahil walang tiwala sa amin. Ang ginawa ng capitan, ipinakita sa kanila ang isang pulang cap (munting taklob sa ulo) at iba pang bagay, itinali sa isang patpat at inabot sa bangka. Tuwang-tuwang kinuha ang mga ito ng mga lalaki at umalis upang ibalita sa kanilang hari.

Pagkaraan ng 2 oras, dumating ang 2 mahabang bangkang pandagat, na tinawag nilang ballanghai (baranggay), na punung-puno ng mga lalaki. Sa mas malaking bangka nakaupo ang kanilang hari sa ilalim ng tabing (awning) na gawa sa banig. Paglapit sa barko ng capitan, kinausap siya ng alipin at naunawaan ng hari dahil duon, mas maraming salita ang alam ng hari kaysa alam ng mga karaniwang tao.

Inutusan ng hari ang ilang mga kasama na pumanhik sa barko ng capitan samantalang maghihintay na lamang daw siya sa kanyang bangka sa tabi ng

Casi-Casi ni Magellan at Ka Lambu.

PINASABI ng capitan sa tagapagsalita na nais niyang makipag-casi-casi (blood compact) sa hari upang sila ay maging magkasing-dugo (blood brothers). Pumayag ang hari at sinabi na siya man ay nais makipagkapatid. ( Nakarating na si Magellan sa Malacca at Sumatra, kung saan niya inalipin si Enrique 11 taon sa nakaraan, kaya alam niya ang casi-casi.)

Ipinakita ng capitan sa hari ang aming mga ari-arian, mga iba’t ibang uri ng makukulay na tela at mga coralat marami pang iba. Inutos niyang paputukin ang ilang cañon upang maranasan ng hari, at malaki ang gulat nila nang marinig ang mga sabog. Tapos, pinagsuot ng bakal (plate armor) ang isang sundalo at inutos na tagain at saksakin ng 3 kasama.

Lalong nasindak ang hari. Inutos ng capitan sa alipin na sabihin sa hari na isang sundalong nakasuot ng bakal ay katumbas ng 100 mandirigma ng hari. Totoo, ang sagot ng hari. Ipinasabi pa ng capitan na may 200 sundalo siya sa bawat barko, lahat ay may suot na bakal. ( Kulang na lamang sa 200 ang mga tauhan ni Magellan nang dumating sa Pilipinas.)

Ipinakita rin sa hari ang mga espada at mga sandata sa barko. Nagpakita pa ng espadahan ang 2 sundalo sa harap ng mga tagapulo. Ipinakita pati ang mga mapa (marine chart) at compass na ginamit sa paglayag at isinalaysay ng capitan kung paano niya natuklas ang lusutan (Magellan Strait) na binagtas papunta rito, at kung ilang buwan kaming naglayag nang walang nakitang lupa. Napahanga ang hari. Sa bandang huli, hiniling ng capitan na 2 sa amin ang sasama sa kanyang kaharian upang malaman

namin ang mga bagay-bagay duon. Pumayag ang hari, at ako at isa pa sa amin ang sumabay sa pag-uwi ng hari. Sa dalampasigan, pag tuntong sa lupa, tumingala, itinaas ang 2 bisig (brazos sa langit at nagpugay ang hari. Humarap sa amin, at kami man ay nagpugay din. Tapos, inakay ako ng hari, hawak ang aking kamay, at inakay rin ang kasama ko ng isa niyang pinuno at dinala kami sa isang puok na may bubong ng mga banig (mats of palm leaves).

Duon ay may isang ballanghai, isang malaking bangka na may 30 metro ang haba at hawig sa foist (maliit at mabilis na barkong pandagat ng Español, de-sagwan at de-layag. Ang mas malaking barko ang tinawag na galleon, na walang sagwan). Duon kami naupo at nag-usap kami sa senyas at pahiwatig, habang nakatanod sa paligid ang kaniyang mga mandirigma, hawak ang mga kampilan, sibat at mga kalasag (shields).

Ibinigay ko sa hari ang aking mga handog sa kanya. Isinulat ko duon ang mga pinag-usapan namin at nang Eskrima pansinin ng hari at ng mga kasama niya, binasa ko sa kanila ang mga sinabi nila sa akin, at sila ay gulat na gulat. Nagpakuha ng ulam na baboy ang hari, at alak. Dumating ang pagkaing nakasandok sa malalaking mangkok na porselana, ang isa ay puno ng kanin, ang isa, ngcarne ng baboy na may katas at sabaw. Kumain ako ng carne kahit Viernes Santo dahil hindi maiwasan.

Kung paano kumain sa salu-salo.

BAWAT subo ng pagkain, umiinom sila nang ganito: Itinataas ang mga kamay sa langit, tapos dadamputin ang inumin sa kanang kamay at, nakatikom ang kaliwang kamay, ituturo ang kaliwang bisig sa kasamang kumakain. Ito ang ginawa ng hari, itinutok ang kamao sa akin, akala ko susuntukin ako, subalit ginaya ko siya sa parangal. Sa ganitong pagpugay at pakipag-kaibigan, kami ay nagsalu-salo sa pagkain.

Nagtungo kami pagkatapos sa tahanan (palace) ng hari na gawa sa dahon ng nipa (thatch), takip ng mga dahon ng niyog at saging at nakapatong sa mga mataba at matayog na tukod (postes). Umakyat pa kami sa hagdan upang makapasok. Pinasalampak kami ng hari sa isang banig, nakatupi ang mga paa gaya ng upo ng mga mananahi (legs folded like tailors).

Ang panganay na anak ng hari, ang kanyang tagapagmana (prince), ay lumabas at nakihalo sa amin. Inutusan ng hari na umupo siya sa tabi namin. Pagkaraan ng kalahating oras, naglabas ng pagkain, inihaw na pira-pirasong

isda at sariwang luya, at saka alak, upang makasalo namin sa pagkain ang anak na lalaki. Ang kasama ko ay maganang-maganang kumain at uminom, nalasing tuloy.

Bilang candela at sulo, ginagamit nila ang latik na katas ng isang punong kahoy, na tinawag nilang anime (wax, pagkit ang tawag ngayon), ibinalot sa mga dahon ng niyog o saging. Ipinahiwatig ng hari na matutulog na siya at iniwan ang anak niya, kasama namin. Sama-sama kaming natulog sa isang banig sa sahig, may unan at dantayan na gawa sa mga dahon (banig).

Kinabukasan, bumalik ang hari at dinala uli kami sa puok na kinainan namin nuong nakaraang gabi upang mag-almusal ngunit dumating ang bangka upang sunduin na kami. Bago kami nagpaalam, hinalikan ng hari ang aming mga kamay, at hinalikan din namin ang mga kamay niya.

Sumama sa amin ang kapatid ng hari, na hari din sa kaibang pulo, kasama ang 3 lalaki. At isinalo siya ng capitan sa pagkain, at binigyan namin siya ng mga handog.

Nakaraang kabanata       Ulitin mula itaas       Tahanan ng mga kasaysayan       Lista ng mga kabanata       Susunod na kabanata