Estrellas.

PAG-ALIS namin sa estrecho (Magellan Strait), kung naglayag kami pakanluran (westward), wala dapat kaming nakitang lupa maliban sa Cabo de Virjenes (Cape of the Magellanic Cloud Eleven Thousand Virgins) sa bukana ng dagat Atlantico na kahilera silangan-kanluran (east-west) ng Cabo Deseado (Cape of Desire) sa bukana ng dagat Pacifico (Pacific Ocean), at ang 2 cabo (capes) ay kapwa nasa ika-52 guhit patimog.

( Hirap magsaysay ukol sa paglalayag si Pigafetta. Ang ibig niyang sabihin ay wala siyang paniwala na may lupa sa timog (south) ng Equator at makakapaglayag sila paikot sa daigdig nang walang natutumbok na lupa hanggang umabot sila uli sa Cabo Virjenes sa South America. Nuon, matagal nang alam ng Portuguese ang laki ng Africa na kahanay ng South America, at ang mga kapuluan ng timog silangan (southeast Asia) subalit nililihim nila upang masarili ang kalakal sa India at Asia. Kaya hindi alam ito ni Pigafetta, bagaman at alam ni Magellan dahil nakarating na siya duon 11 taon sa nakaraan, at maniwaring naglilihim din.)

Hindi gaya ng dulong hilaga (North Pole), ang dulong timog (South Pole) ay walang pahiwatig (marcado) ng mga bituin (estrellas, stars). Duon, ang nakikita lamang ay ilan-ilang maliliit na bituin na nagkumpol-kumpol parang ‘ulap.’ Hindi gaanong maliwanag (ito ang tinatawag na Magellanic Clouds sa langit ng timog o southern skies). Sa gitna ng mga bituing ulap, may 2 bituin na hindi naman malaki o makinang, at bahagya lamang gumagalaw sa langit. At ito ang kahilera ng dulong timog.

Ang magnet (lodestone, compass) namin ay laging tumuturo sa dulong timog, subalit mahina lamang kaya tinanong ng capitan-general ang lahat ng piloto (pilots) kung anong landas ang

Pigafetta Ferdinand Magellan

FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas

Primo viaggio intorno al mondo
ni Antonio Pigafetta

susundin namin. Sinagot nilang lahat, ang landas na nakatakda sa mga mapa (charts, landas na batay sa magnet o compass). At sinabi ng capitan na mali ang pinili nilang landas, at kailangang bigyan puwang ang landas dahil sa hina ng hila ng dulong timog sa compass. At tama ang sinabi ng capitan-general.

( Sa saysay ng isang piloto na taga-Genoa, dinagdagan ng mahigit 22 guhit o 22 degrees ang turo ng compass pasilangang hilaga o northeast.)

Kapag gabi duon sa gitna ng paglalayag namin, nakita namin sa langit sa bandang kanluran ang 5 maliwanag na bituin, corte na corte ng cross, parang sadyang inayos (ang tinatawag ngayong Southern Cross constellation).

Nuong 2 buwan at 12 araw ng paglayag, lumandas kami sa pagitan ng kanluran (west) at kanlurang hilaga (northwest) hanggang dumating kami sa guhit ng equinox (equinoctial line, Equator) sa ika-122 guhit pahaba (122 degrees Polaris of longitude) mula sa pinaghatian (line of demarcation) na 30 guhit pahaba (30 degrees longitude) mula sa kagitna (meridian) na 3 guhit pahaba (3 degrees longitude) naman sa silangan (east) ng Cabo Verde (Cape Verde Islands).

( Nasa ibaba ang paliwanag sa magulong ulat ni Pigafetta sa paghati sa mondo sa tinawag na kasunduan sa Tordesillas nuong 1494.)

Sa landas na ito, dumaan kami nang malapit sa 2

mayamang pulo, ang isa ay nasa ika-20 guhit patimog at tinawag na Cipanghu. Ang pang-2 pulo naman ay nasa ika-15 guhit patimog at tinawag na Sumbdit Pradit. Southern Cross

Pagkaraan namin sa guhit ng equinox (Equator), naglayag kami sa pagitan ng kanluran at kanlurang hilaga (west by northwest), tapos naglakbay kami ng 200 leguas (1,280 kilometro) patungo sa kanluran at lumihis uli papuntang kanluran timog (southwest) hanggang ika-13 guhit pahilaga, upang datnan ang lupa ng Cabo Gaticara na wala sa inaasahang puok at malamang nasa bandang hilaga.

(Pigafetta. Cipanghu ang lumang tawag sa Japan,, nasa hilaga at malayo sa dinaanan ni Magellan. Ang Sumbdit Pradit o pulo ng 7 lungsod (Septem Cidades) na nakasulat sa mga lumang mapa nuong 1492 ay hindi tunay. Ang Cape Gaticara sa lupain ng Golden Chersonese, ayon kay Ptolemy, bihasa sa agham nuong unang panahon, ay hindi rin tunay.)

Pagkatapos maglayag ng 60 leguas (384 kilometro) sa ganuong landas, nang nasa ika-12 guhit pahilaga at ika-146 guhit pahaba pasilangan, nakatuklas kami ng isang maliit na pulo sa bandang kanlurang hilaga (northwest) nuong Miercoles, Marso 6, 1521, at may 2 pang pulo sa bandang kanlurang timog (southwest).

Treaty of Tordesillas

‘1494 Treaty of Tordesillas’

MAGULO ang tukoy ni Pigafetta dito at sa mga susunod na yugto sa Pinaghatian (demarcation line) dahil magulo ang agawan ng Portugal at España sa magkabilang panig ng mondo. Mas maliit din ang akala nilang sukat ng daigdig kaya sinulat ni Pigafetta na tumawid sila sa Equator sa 122 guhit pahaba, at 122 guhit pahaba na ang nalakbay nila mula sa Pinaghatian. Sa kasalukuyang tuusan, ang 122 guhit pahaba sa Equator ay nasa bundok ng Sulawesi, ang pulo sa Indonesia na dating tinawag na Celebes. At mahigit 150 guhit pahaba na ang nalalakbay nila nuon.

Ang kasunduan sa Tordesillas, España, nuong 1494 ay pagtibay at pagtakda lamang ng unang paghati sa daigdig ni Papa Alejandro 6 (Pope Alexander VI) nuong Mayo 1493, pagkatapos ibalita sa kanya ni Cristobal Colon (Christopher Columbus) ang ‘pagkatuklas’ niya sa America nuong 1492.

Taga-España si Alejandro kaya tinakda niya ang pinaghatian (demarcation) ng daigdig 100 legua (wala pang 500 kilometro) lamang mula sa Cabo Verdes (Cape Verde islands) sa gitna ng Atlantic Ocean. Sa kanyang utos, Bull Inter caetera, hinayag niyang ari ng España lahat ng lupaing matuklasan sa kanluran (west) ng pinaghatian samantalang sa Portugal ang lahat ng ‘bagong lupain’ sa silangan (east).

Nahamig ng Portugal ang buong Africa, subalit nuon, halos 100 taon nang ‘tinutuklas’ at sinasakop ng mga Portuguese ang iba’t ibang bayan duon, kaya nakalamang ang España sa pag-ari sa buong America. Umangal si Juan 2 (John II), hari ng Portugal, lalo na pagkatapos ‘matuklas’ nuong 1500 ng kanyang capitan, si Pedro Alvarez, ang bahagi ng South America na naging Brazil sa mga sumunod na panahon.

Nakipag-usap si Juan kina Fernando (Ferdinand) at Isabella (Isabel), hari at reyna ng España, upang ilipat ang pinaghatian, at upang ituloy ang hati hanggang sa kabilang panig ng daigdig. Hindi binanggit ni Juan, subalit mapipigil nito ang pagpasok ng España sa Asia, na lihim nang pinapasok nuon ng mga Portuguese. Itong bagong kasunduan - inurong ang Pinaghatian 370 leaguas (1,770 kilometro o 1,100 miles), sa guhit 46° 37’ pakanluran (longitude west W) sa kanluran ng Cape Verdes upang mapasa-Portugal ang Brazil - ang

pinag-usapan sa Tordesillas nuong Junio 7, 1494. Sumang-ayon ang España nuong Julio 2, 1494, at ang Portugal nuong Septiembre 5, 1494.

Ito ang tinukoy ni Pigafetta na ika-32 guhit pahaba (longitude) na nasa gitna ng Brazil, sa South America. Mungkahi ni Magellan na sa kabila ng mondo, ang ika-148 guhit pahaba ay nasa kanluran ng Maluku (Moluccas, spice islands) kaya ‘ari’ ito ng España, at kaya siya pinundaran ni Carlos 5, hari ng España nuon. Mali ang mungkahi subalit walang kabuluhan dahil nilabag paulit-ulit ng España at Portugal ang kasunduan.

Binasbasan ang kasunduan ng bagong Papa, si Julio 2 (Julius II), nuong 1506, patibay na ginamit upang harangin ang pagpasok ng ibang taga-Europa sa mga America, Africa at Asia. Dapat asahan, nag-alsa ang France, England at Netherlands (Holland), dinanaan sa pagdambong ng mga barko at pagdagit sa mga daungan ng España at Portugal hanggang tuluyang itatwa nila ang simbahang catholico at ang kapangyarihan ng Papa sa Roma, at tinangkilik nila ang mga bagong palataya (Protestant religions). Ang España at Portugal man ay patuloy na lumabag sa Pinaghatian, - malayang sinakop ng Portugal ang halos kalahati ng SouthAmerica (naging Brazil) samantalang inangkin ng España nang walang sagabal ang malaking lupain sa Africa, malaki pa kaysa España mismo - ang tinawag na Sahara ng España

(Spanish Sahara).

Lalong nilabag ang Pinaghatian matapos maligid ni Magellan ang daigdig nuong 1522 at pinag-agawan ng 2 kaharian ang mayamang bayan at kalakal ng Maluku, batay sa kung saan lumatag ang pagpatuloy (extension) ng Pinaghatian sa kabila ng daigdig mula sa gitna ng Atlantic Ocean. Nag-usap uli ang mga hari ng Portugal at España at sa Kasunduan sa Saragossa (Zaragoza) nuong Abril 22, 1529, inilatag ang bagong pagpatuloy ng Pinaghatian 297.5 leguas sa kanluran (west) ng Maluku - sa luob ng pag-aari ng Portugal. Binili rin nang mahal ng Portugal mula kay Carlos 5, hari nuong ng España, ang karapatan sa lusutan sa South America (Magellan Strait) na tinuklas ni Magellan patungo sa Pacific Ocean. Ganoon man, palihim at ilang ulit nagpundar ni Carlos 5 ng pagpasok ng mga Español sa Pilipinas at Maluku upang kupitin ang kalakal ng spices. Hindi natigil ang away hanggang napatay sa digmaan sa Alcazar si Sebastian, hari ng Portugal, nuong 1578, at si Felipe 2 (Philip II), anak ni Carlos 5 at hari ng España, ang nagmana ng trono (throne) sa Lisbon dahil apo siya ni Emmanuel, dating hari ng Portugal. Sukdulang naglaho na ang bisa ng Pinaghatian. Kahit na nuong makapagsarili uli ang Portugal nuong 1640, mahina na ang kanilang hukbong dagat at ang Netherlands at England na ang nakaribal ng España sa Maluku at America.

Nakaraang kabanata       Ulitin mula itaas       Tahanan ng mga kasaysayan       Lista ng mga kabanata       Susunod na kabanata