Takas!

PAGPASOK namin sa lusutan, nakita naming 2 pala ang labasan, isa papuntang silangang timog (southeast) at ang isa ay papuntang kanlurang timog (southwest). Inutusan ng capitan ang 2 barkong Santo Antonio at Concepcion na mauna uli upang tuklasin kung ang dulo ng labasang papuntang silangang timog (southeast) ay nasa dagat Pacifico. Mabilis umalis ang Santo Antonio, hindi na hinintay ang Concepcion sapagkat nais ng mga tauhan duon na bumalik na sa España. At isang gabi, ganoon nga ang ginawa nila.

Ang pinuno ng pagtakas ay ang piloto ng San Antonio na galit sa capitan-general sapagkat bago pa kami naglayag mula España, lumapit na siya sa emperador (si Carlos 5, hari ng España) at humiling ng mga barko upang tumuklas ng mga lupain. Ngunit natakpan siya ng pagsipot ng capitan-general at hindi siya binigyan ng mga barko. Kaya nakipagsapakat siya sa mga Español at kinagabihan, nag-aklas sila sa Santo Antonio at ginapi ang capitan ng barko, si Alvardo De Mesquita, kapatid ng capitan-general (katunayan, pinsan o pamangkin ni Magellan, hindi kapatid). Itinali nila ng cadena ang sugatang capitan at naglayag pabalik sa España.

Pigafetta Ferdinand Magellan

FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas

Primo viaggio intorno al mondo
ni Antonio Pigafetta

Nakasakay sa Santo Antonio nang tumalilis ito ang isa sa mga gigante na binihag namin, ngunit nang nakarating ang barko sa mainit, namatay Magellan Straits siya.

( Ang pinuno ng pagtakas ay si Estavao Gomes, tinawag na Stefan Gomes sa España, isang Portuguese at kamag-anak ni Magellan. Nakakuha na si Gomes ng licencia na maglayag mula sa Casa de la Contratacion nuong Febrero 10, 1518 nang matabunan siya ng mungkahi ni Magellan kay Carlos 5. Lalo siyang nagalit sa inggit nang hirangin ni Magellan na pinuno ng mga barko ang ibang Portuguese, sina Duarte Barbosa at Alvaro de Mesquita, pagkatapos ng aklasan nina Juan de Cartagena sa Patagonia. Sa isang usapang tinawag ni Magellan pagkapasok nila sa estrecho (strait), minungkahi ni Gomes na bumalik na silang lahat sa España subalit hindi siya pinakinggan.)

Dumating ang Santo Antonio sa Sevilla, nuong Mayo 6, 1521. Pinakawalan ang mga nag-aklas na Español, at ipiniit ang pinuno, si De Mesquita, hanggang pagbalik ng Victoria sa España nuong Septiembre 1522. Si Gomes, ang pinuno ng pagtakas, ay nabigyan din sa wakas ng mga barko at tumuklas ng mga lupa sa North America nuong 1524 hanggang 1525.)

Samantala, habang paligid-ligid ang Concepcion, hinahanap ang tumalilis na barko, magkasama ang 2 barko ng capitan (ang Trinidad at ang Victoria) tumunton sa labasan patungong kanlurang timog (southwest) at natagpuan namin ang isang lawa. Pagligid, dumating kami sa isang ilog na tinawag naming Rio de Sardinas (River of Sardines, malamang ang tinatawag ngayong Port Gallant o ang Port San Miguel) sapagkat nakita namin ang napakaraming isda duon. Duon din namin hinintay nang 4 araw ang 2 barko (ang Concepcion at ang Santo Antonio).

Tuklas!

PAGDATING na pagdating namin sa ilog, naglunsad kami ng isang bangka, sakay ang maraming tauhan at sapat na pagkain, upang magpatuloy at hanapin ang landas papuntang dagat Pacifico.

Pagkaraan ng 3 araw, bumalik sila at ibinalitang natagpuan nila ang bukana ng estrecho (strait) at ang malawak na dagat. Napaiyak sa galak ang capitan at tinawag niyang Cabo Deseado (Cape of Desire) ang puok, pahiwatig na matagal niyang ninasa at hinanap ito. (Cabo Pilar na ang tawag ngayon sa kabilang dulo ng lusutang tinatawag ngayong Estrecho de Magallanes o Magellan Strait. )

Bumaling kami nuon sa paghanap sa 2 nawawalang barko subalit ang Concepcion

lamang ang natagpuan namin. Nang tanungin kung nasaan ang Santo Antonio na kasama nila, sinabi ni Joao Serrao, dating pinuno ng lumubog na Santiago at pinuno na nuon ng Concepcion, na hindi nila alam. Hindi na nila nakita ang matulin na Santo Antonio pagkapasok nito sa landasan. Naghanap pa rin kami sa buong lawa (tinatawag ngayong Admiralty Sound). Pinabalik pa ng capitan-general ang Victoria hanggang sa pinasukan namin (Cabo Virjenes) sa dagat Atlantico - ang pinagsimulan ng talilis ng Santo Antonio pabalik sa España.

Sinabi ng capitan na kapag hindi namin natagpuan ang nawawalang barko, magtayo kami ng isang watawat sa tuktok ng isang maliit na bundok. Ilibing daw namin duon ang isang palayok (pot) na may sulat, naglalahad ng landas na tutunguhin namin, sakaling dumating ang Santo Antonioat makita ang watawat. Ito ang paunang utos ng

capitan simula’t simula pa, kung paano makakasunod ang barkong napahiwalay sa pangkat. At ginawa namin ito at higit pa.

Nagtayo ang mga tauhan ng watawat sa bundok at nag-iwan ng sulat sa palayok duon (Lomas Bay o Possession Bay). Tapos, nagtayo ng isa pa at nag-iwan ng pang-2 sulat sa isang maliit na pulo sa pang-3 lawa (Isla de los Patos o Santa Magdalena Island sa Broad Reach), kung saan maraming lupong dagat (fur seals) at malalaking ibon. Naghintay ang capitan-general (sa Trinidad), kasama ang Concepcion, malapit sa ilog na tinawag naming Isleo (maliit na pulo).

Nagpatayo siya ng isang cross sa isa pang maliit na pulo malapit sa ilog ng Isleo na umaagos sa pagitan ng matataas na bundok na may hielo sa tuktok, hanggang lumuwa sa dagat malapit sa Rio de Sardinas.

Dulong Timog.

KUNG hindi namin natagpuan itong lusutan, balak ng capitan-general na magtuloy hanggang ika-76 guhit patimog, sa banda ng Antartica.

( Ang ika-76 guhit ay malapit na sa Dulong Timog o South Pole,at dahil sa ginaw at sama ng panahon duon, malamang hindi nakarating ang mga barko duon. Wala pang mga mapa nuon ng mga pook duon, ni hindi alam kung ang South America ay kadugtong o hindi sa lupa ng Dulong Timog, ang Antartica, kaya mali ang balak ni Magellan sapagkat ang dulo mismo ng South America, kung saan nagtagpo ang Atlantic Ocean at Pacific Ocean, ay may 200 kilometro na lamang sa timog ng lusutan, at tinatawag ngayong Cape Horn.)

Duon sa ika-52 guhit patimog, pag tag-araw (summertime), walang gabi o napaka-igsi, at pag tag-ginaw (winter) wala o napaka-igsi ng araw. Katunayan, nuong nanduon kami, 3 oras lamang ang gabi sa buwan ng Octobre (5 oras sa pahayag ng iba). Ang lupa sa kaliwa ng estrecho (strait) ay nakaharap sa Siroco (scirocco, hangin na tuluy-tuloy sa España at Africa) na hangin sa pagitan ng silangan at timog (southeast wind). At tinawag namin itong Estrecho Pathagonico (Pathagonian Strait).

Flying fish

( Unang tinawag na Estrecho Victoria ang lusutan dahil ito ang barkong unang nakarating duon. Sa sumunod na mapa ng mondo ni Battista Agneseg nuong 1536, itinakda niyang El streto de ferdinando de magellanes (Magellan Strait, Lusutan ni Magellan) bilang parangal sa nakatuklas. Ito ang nagdudugtong ng Atlantic Ocean sa Pacific Ocean, 3 kilometro ang lapad sa pinaka-makitid at 19 kilometro sa pinaka-malapad.)

May natagpuan kaming mainam na daungan (port) bawat kalahating legua (halos 3 kilometro) na may tubig at maraming punong-kahoy na pulos

cedar, at may mga isda pang hawig sa sardinas, tinawag na missiglioni, at matamis na halamang tinawag na appio subalit kung minsan ay mapait. Ang halamang ito ay tumutubo malapit sa tubig na tabang, at dahil wala kaming nakitang ibang halaman, ito ang kinain namin nang ilang araw. At paniwala ko na wala nang pook sa daigdig na mas maraming pagkain kaysa duon.

Sa dagat duon, maraming nahuhuling isda. May 3 uri na mahigit kalahating metro ang haba, ang dorado, albacore at bonito. Hinahabol at kinakain nila ang isang uri ng isda na lumilipad (flying fish), tinawag na golondrina (colondriny, gurnard), may isang piye (pie, foot) o higit pa ang haba, at masarap kainin. Kapag hinahabol ng ibang isda, nagliliparan ang mga golondrina sa ibabaw ng dagat nang higit sa abot ng palaso (arrow) ang layo habang basa ang kanilang mga pakpak (wings, 2 palikpik sa batok ng isda ang tinawag na pakpak ni Pigafetta). Ang dorado, albacore at bonito ay lumalangoy, sinusundan ang anino ng mga lumilipad na golondrina at paglapag ng mga ito sa dagat, kinakagat nila at kinakain agad. Nakatutuwang makita at ilang ulit naming pinanood ang kanilang habulan.

Nakaraang kabanata       Ulitin mula itaas       Tahanan ng mga kasaysayan       Lista ng mga kabanata       Susunod na kabanata