Onse Mil Virjenes.

NAGLAYAG kami papunta ng 52 guhit patimog at nuong fiesta ngOnse Mil Virjenes (Feast of Eleven Thousand Virgins, Octobre 21, 1520) natuklasan namin - himala! - ang isang lusutan (strait) na tinawag naming Cabo Virjenes (Cape of the Virgins, ang silangang dulo ng lusutan). Ang haba ng lusutan ay 110 leguas (704 kilometro) at ang lapad ay kulang-kulang ½ legua (3 kilometro). At nasa kabilang dulo ang La Mar Pacifico (Pacific Ocean).

Dahil sa lalim ng dagat, hindi kami nakapag-ankla (anchored) upang makahinto. Sa halip, nagtali kami sa pampang ng mga kawad (cables), abot ng 15 metro ang haba. Medyo pabilog ang lusutan at napapaligiran ng matataas na bundok, may yelo (hielo, snow) sa mga tuktok.

Marami sa amin ang hindi nakapaniwala na may labasan dito papunta sa dagat Pacifico, subalit sinabi ng capitan-general na mayroong labasan ito, tiyak niya dahil nakita niya sa isang mapa (marine chart) na ari ng hari ng Portugal at gawa ng isang dakilang marinero (pilot, navigator), si Martin de Bohemia (malamang hindi totoo dahil namatay si Martin Behaim sa Lisbon, Portugal, nuong 1507 pa).

Inutos ng capitan sa 2 barko, ang Santo Antonio at Concepcion, na mauna at hanapin ang labasan ng hinimpilan naming luok (bahia, bay), tinawag naming Cabo de la Bahia (Cape Bay, malamang ang tinatawag ngayong Lomas Bay, sa bandang timog), habang naghintay kami

Pigafetta Ferdinand Magellan

FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo

Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas

Primo viaggio intorno al mondo
ni Antonio Pigafetta

sa 2 pang barko, ang Victoria at ang capitana (flagship, ang barko ng capitan, ang Trinidad). Kinagabihan, hinampas kami ng malakas na bagyo na tumagal hanggang tanghali kinabukasan. Napilitan kaming kumalag mula sa pampang at naglayag pabalik-balik sa bahia upang Magellan Straits hindi mawasak ang mga barko sa mga batuhan.

Samantala, malayo ang narating ng Santo Antonio at Concepcion at hindi sila nakaikot sa isang cabo (cape, tinatawag ngayong Punta Anegada) at nang pabalik na sila sa amin, nahirapan silang umiwas sa mga batuhan sa pampang.

Akala nila naligaw na sila subalit paglapit nila sa dulo ng bahia, namataan nila ang isang maliit na puwang. Wari nila ay hindi lusutan kundi isang sapa (creek, tinatawag ngayong First Narrows)

lamang ito, subalit pumasok na rin sila dahil desperado na sila. At ganoon nila natuklasan ang labasan.

Nang makita nilang hindi pala sapa kundi lusutang may mga lupa sa magkabilang gilid, nagpatuloy sila at napunta sila sa isa pang lawa (Bahia San Felipe ang tawag ngayon). Tinawid nila ito at nakita ang isa pang ‘sapa’ (ito ang tinatawag na Second Narrows ngayon) at sa dulo nito, isa pa uling bahia (Broad Reach ang tawag sa luok ngayon) na higit na malaki kaysa sa una. Tuwang-tuwa, bumalik sila upang ibalita sa amin.

Kami naman ay balisang-balisa na namatay na sila dahil, una, sa nagdaan na malakas na bagyo at, pangalawa, 2 araw na silang hindi bumabalik. Sa ganitong pangamba, nakita namin ang makapal na usok sa malayo, mula sa siga na inutos nilang sindihan ng 2 tauhan upang tawagin ang aming pansin. Pagkatapos, natanaw namin ang mga matayog na layag ng 2 barkong papalapit, lumilipad ang lahat ng watawat (flags).

Nang malapit na sila, bigla silang nagpaputok ng mga cañon bilang pagbati, at kami ay sumagot ng maraming paputok ng cañon din. Tapos, nagpapasalamat sa Dios, lumunsad kaming lahat.

Nakaraang kabanata       Ulitin mula itaas       Tahanan ng mga kasaysayan       Lista ng mga kabanata       Susunod na kabanata