Indios. MAYAMAN sa lahat ng bagay ang Verzin, at mas malawak ito kaysa pinagsama-samang Francia, España at Italia, at isa sa mga bayan na sinakop ng hari ng Portugal. Hindi binyagan (heathens) ang mga tao duon (mga Tupi o Guarani) at walang sinasamba, nabubuhay lamang ayon sa gawi ng kalikasan (customs of nature), mas hawig sa mga hayop kaysa sa hindi. Ang ilan sa mga tao duon ay nabubuhay hanggang 100 taon o higit pa, 125 - 140 taon. Hubad-hubad sila, babae at lalaki. Ang mga bahay nila ay pahaba (long houses) at tinawag nilang boii, at karaniwang may 100 lalaki ang nakatira sa bawat isa, kasama ang kanilang mga asawa at anak, na maingay na maingay. Natutulog sila sa mga lambat na duyan, ang tawag nila ay amache (hammock) at isinasabit nila sa mga poste ng bahay nila. Kapag malamig ang panahon, nagsisiga sila sa lupa sa tabi ng kanilang mga amache. Mayroon silang bangka, inukit sa isang buong punong-kahoy (a tree all in one piece), at tinawag nilang canoe. Wala silang bakal, kaya mga bato ang gamit nilang pamputol at pang-ukit ng bangka na maaaring sakyan ng 30 - 40 tao. Ang mga sagwan ng bangka ay hugis pala (shovel), at ang mga nagsasagwan ay mga maitim na lalaki, hubad-hubad at ahit ang mga buhok, at anyo sila ng mga demoño mula sa infierno. ( Maitim dahil gawi ng mga tagagubat sa Brazil na magpahid ng langis at abo sa katawan upang makatagal sa sikat ng araw o kapag namamangka, panlaban kapwa sa ginaw at sa init ng araw.) Ang babae at lalaki ay kapwa matipuno at malusog. Kinakain nila ang carne ng mga kaaway nilang tao, hindi dahil masarap na pagkain kundi nakagawian na nila. Ang pinagmulan ng gawi ng pagkain ng tao ay isang matandang babae na may kaisa-isang anak na lalaki na pinatay ng mga kalaban. Pagkaraan ng ilang araw, nahuli ng mga |
![]() ![]() FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE: Ang Unang Pag-ikot sa Mondo Ang Unang Español Na Dumayo Sa Pilipinas Primo viaggio intorno al mondo
|
|
kasamahan ng napatay ang isa sa mga kalaban na pumatay at dinala nila sa matandang babae na, galit na galit, kinagat ang balikat ng kalaban. Nakaigtad ang lalaki at tumakbo patakas. Ibinalita niya sa kanyang pangkat kung paano siya tinangkang kainin ng matandang babae, ipinakita pa ang kagat sa balikat niya.
Simula nuon, sinuman ang mapatay sa bawat pangkat ay kinakain ng mga pumatay. At naging gawi na sa bayang iyon ang pagkain sa mga kalaban, hindi ang buong katawan agad-agad kundi unti-unti. Baka hindi masarap ang lasa, hinihiwa nila nang pira-piraso ang bangkay at sinasabit ang carne sa tabi ng siga upang matuyo. At tuwing kakain, pumipilas lamang sila sa carne, upang maalaala ang pinatay nila. Ang nagsaysay sa akin ng gawing ito ay si Joao Lopes Carvalho, isang piloto na kasama namin at tumira sa bayang ito nang 4 taon. ( Piloto si Carvalho ng barkong Portuguese, ang Bretoa, na dumating sa Brazil nuong 1511. Nagka-anak siya duon ng isang lalaki sa isang katutubong babae. Kasama niya ang anak papuntang Pilipinas.) Ang mga babae at lalaki duon ay may tattoo sa katawan at mukha. Walang bigote o balbas ang mga lalaki, binubunot isa-isa ang buhok sa mukha. At ang tanging damit nila ay isang tali sa baywang na may nakasabit na malalaking balahibo ng loro (parrot), natatakpan ang puwit lamang at katawa-tawa ang hitsura. Karamihan sa mga lalaki ay naglalagay ng 3 butas sa ibabang labi (lower lip) na sinusuksukan nila ng mga bato na hugis daliri. Kayumanggi (tan), hindi maitim ang mga tao. Hindi nila itinatago ang kanilang pagkalalaki o |
pagkababae, at wala silang buhok o balahibo sa buong katawan. Ang hari ng bayan ay tinawag na cacich (ang pinagmulan ng tawag na cacique).
Maraming loro (parrots) duon, na ipinagpapalit ng mga tao ang 8 - 10 para sa isang salamin (mirror). Mayroon ding maliliit na pusa na kahawig ng leon, dilaw at maganda. May mga bilog na tinapay ang mga tao na gawa mula sa ubod (marrow) ng isang uri ng punong-kahoy duon (maaaring manioc o cassava, na tinawag camoteng kahoy sa Pilipinas), ngunit hindi masarap at lasang hilaw na queso (curd, new cheese). Mayroon ding mga baboy (peccary ang tawag) na nasa likod ang pusod (navel), at malalaking ibon na hugis cucharra (spoon-shaped) ang mga tuka (roseate spoonbill ang tawag ngayon). Para sa isang cuchillo (knife) o palakol (hatchet), ipinapapalit nila ang isa or 2 anak na babae upang maging alipin, subalit hindi nila ipinagpapalit ang kanilang asawang babae kahit na ano. At ang mga babae ay hindi kailan man nagtataksil sa kanilang mga asawa. Ang sabi sa amin, sa gabi lamang pumapayag sumiping ang mga babae sa kanilang mga asawa. Lagi sa labas ng bahay ang trabajo ng mga babae, dala-dala ang mga kailangan sa maliliit na buslo (basket) sa ibabaw ng ulo, o nakatali sa ulo. Lagi silang sinasamahan ng mga lalaki, na selosong-seloso (very jealous), laging dala ang mga palaso (arrows) na gawa sa itim na palmito (Brazil wood) at mga pana na gawa sa rattan (reeds). Dala ng mga babae ang anak sa isang lambat (net) na nakatali sa kanilang balikat. |
|
Isa pang pahiwatig ng simpleng pag-iisip nila, paniwala nila na ang maliit na bangka (boat) na dala-dala ng mga barko ay anak ng barko, at nang ibaba namin ang bangka mula sa barko upang sakyan namin papuntang pampang, sinabi nila na nuon ipinanganak ang bangka. Isang araw, isang magandang dalagita ang umakyat sa barko namin upang mag-usisa. Naakit siya nang nakita ang isang bakal na pako, kasing haba ng isang daliri, na nakatusok sa tabi ng silid ng capitan (captain’s cabin). Hinugot ito ng dalagita at, tuwang-tuwa dahil walang pako duon, itinago sa loob ng kanyang pagkababae at, nakatungo, tumakas agad. Nasaksihan namin ng capitan ang lahat ng ito. Nang paalis na kami, binigyan nila kami ng maraming kahoy na verzin (Brazil wood) na mayabong na tumutubo duon. |
||
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga kasaysayan Lista ng mga kabanata Susunod na kabanata |