Brazil, Noviembre 29, 1519.

PAGKALAGPAS namin sa Equator (equinoctial line) patungo sa timog (south), hindi na namin nakita ang bituin ng hilaga (North Star) at naglayag kami sa pagitan ng hangin ng timog (south wind) at ng garbin (southwest wind) at nakarating sa lupain na tinawag na Verzin (Brazil) na nasa ika-24 ½ guhit patimog (24 ½ degrees latitude south) na abot mula sa Cabo de San Agustin (Cape of Saint Augustine) na nasa ika-8 guhit patimog (8 degrees latitude south). Duon, nag-carga kami ng pagkain, manok at carne ng vaca at ng anta (tapir, malaking hayop sa South America) na lasang vaca, at sari-saring bungang-kahoy (fruits) na tinawag na battate (potatoes) at matatamis na pinia (pineapples) na katangi-tangi ang sarap, at marami pang hindi ko na isusulat at magiging napakahaba.

( Unang nakita nina Magellan ang lupa ng South America malapit sa Pernambuco, nasa ika-8 guhit patimog (8 degrees latitude south), nuong Noviembre 29, 1519. Naglayag sila lagpas sa Cabo Frio o Cape Cold at dumaong sa Rio de Janeiro, pangalang gamit kahit nuon pa, nuong Deciembre 13, 1519, ang kapistahan (fiesta) ni Sancta Lucia. Ang pangalang Verzin ay mula sa verzino (Brazil wood), tawag sa Italya sa kahoy mula duon at naging pangalan ng bayan Brazil

FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE:   Ang Unang Pag-ikot sa Mondo Pigafetta Ferdinand Magellan

Ang Unang Español
Na Dumayo Sa Pilipinas

Primo viaggio intorno al mondo
ni Antonio Pigafetta

hindi nagtagal pagkatuklas nito ng mga Portuguese na sumakop sa unang tinawag nilang Vera Cruz, tapos Santa Cruz, bago naging Brasyll o Brazill.)

Ang mga tao duon ay nakipagpalit ng 5 - 6 manok para sa isang cuchillo (knife) o bakal na bingwit ng isda (fishhook), at para sa isang suklay, isang tali ng ilang gansa (geese). Para sa isang maliit na salamin (mirror) o gunting na bakal (scissors), nakipagpalit sila ng kasing dami ng isda na nakain ng 10 tao. Para sa isang campanilla (bell), nagbigay sila ng isang buslo (basket) ng frutas na battate (patatas) na lasang castanias (chestnut) at kasing haba at hugis ng turnip. Kapalit ng isang baraha (playcard), ang hari, binigyan ako ng 5 manok, at akala pa nakadaya sila.

Simula ng Navidad (advent of Christmas, Pasko) nang dumaong kami duon, nang nasa kataasan ang araw sa langit at sinasabi ng mga astrologer na katapat ng ulo ang pinaka-abot ng araw. At nuong araw na iyon, mas mainit ang araw kaysa nuong nasa Equator kami.

Ang Daigdig

Ang Pahaba At Pahalang, Longitude And Latitude

PAGLAYAG sa dagat na walang lupang palatandaan, sa sukat lamang nata-tantiya kung saan at ang layo ng pupuntahan o pinagmulan. Unang sukat na ginamit, ng mga taga-Babylonia mahigit 2,500 sa nakaraan, ang layo ng takbo ng araw sa isang maghapon at hinati nila ang buong daigdig sa 360 bahagi para raw sa 360 araw sa buong taon. Alam na ngayon na lagpas 364 araw sa isang taon subalit ginagamit pa rin ang 360 sukat paikot sa daigdig at anumang bilog.

Ngayon, lawak na rin ang kasunduan kung paano gamitin. Bawat isa sa 360 sukat ay tinawag na guhit, degree sa English. Ang mga guhit mula hilaga (north) hanggang timog (south) - o mula sa ibabaw hanggang ilalim - ay pahaba, longitude sa English. Ang mga guhit mula silangan (east) hanggang kanluran (west) - o mula kaliwa hanggang kanan - ay tinawag namang pahalang, sa English, latitude.

Ang unang hati pahalang ay sa gitna o baywang ng daigdig at tinawag na pantayan o Equator sa English, dahil pantay ang sukat mula duon hanggang dulong hilaga (North Pole) at hanggang dulong timog (South Pole). Ito ang guhit bokya (zero degree latitude) at ang mga sumunod na sukat ay tinawag na guhit pahilaga (degree of latitude north) o guhit patimog (degree of latitude south). Dahil hindi pantay ang bilog ng daigdig, humahaba ang sukat ng bawat guhit pahalang palayo sa Equator, kung saan ang katumbas ay mahigit 110½ kilometro. Sa ganitong paraan, masasabing ang Pilipinas ay nasa ika-4½ guhit pahilaga o 497 kilometro mula sa Equator , ang paanan ng Mindanao, hanggang ika-21 guhit o 2,320½ kilometro pahilaga, ang tuktok ng Luzon.

Gaya ng mga guhit pahalang o degrees of latitude, mayroon ding 360 guhit pahaba o degrees of longitude pang-sukat ng layo mula silangan (east) hanggang kanluran (west). Pinaka-mahaba ang guhit pahaba sa Equator, lagpas 110½ kilometro. Dahil walang dulong silangan o dulong kanluran na magigitna, pinagkasunduan na lamang kung saan ang kalahati ng daigdig. Sa ibang sabi, kung saan magsisimula ang mga guhit pasilangan (degrees of longitude east) at saan ang mga guhit pakanluran (degrees of longitude west).

Nuong una, inilagay ang guhit bokya pahaba (zero degree longitude) sa kanluran ng Cape Verde Islands, sa bandang gitna ng Atlantic Ocean. Lahat sa kaliwa nito ay tinuring na

kanluran (west), at lahat sa kanan ay silangan (east). Ito ang binanggit ni Pigafetta sa mga susunod na kabanata na ginamit nang paghatian ng Portugal at España ang mondo nuong 1494. Mula nuon, nawalan ng katuturan ang hatian ng 2 kaharian. Natuklasan din na daigdig ang umiikot sa araw, at hindi ang araw ang umiikot sa daigdig, at nawalan din ng katuturan kung saan nagsimula ang silangan at kanluran, - maliban kung saan nagpapalit ang petsa o nagsisimula ang araw, ang tinawag na International Dateline sa English.

Ngayon, kasunduan na sa Greenwich, isang kabayanan sa England, ang tanghaling tapat o gitna ng araw, middle time o Greenwich mean time sa English. Nanduon ang guhit bokya pahaba (zero degree longitude). Pakaliwa mula rito ang mga guhit pakanluran (degrees of longitude west). Pakanan ang mga guhit pasilangan (degrees of longitude east). Sang-ayon ang lahat na sa kabilang daigdig ng guhit na ito ang hatinggabi o simula ng araw (Lunes, Martes, atbp.) - ang palitan ng petsa na tinawag na International Dateline. Itong sukat, 180 guhit pasilangan-pakanluran (180 degrees of longitude east-west), ay nasa kanluran ng Hawaii sa gitna ng Pacific Ocean.

Ang Pilipinas ay nasa 122 guhit pasilangan.

Nakaraang kabanata       Ulitin mula itaas       Tahanan ng mga kasaysayan       Lista ng mga kabanata       Susunod na kabanata