FERDINAND MAGELLAN’S VOYAGE: Ang Unang Pag-ikot sa Mondo
Ang Unang Español Primo viaggio intorno al mondo
|
Coria at, pagkaraan sa ilang maliliit na baranggay (villages) sa tabi ng ilog, narating namin sa wakas ang castillo na tinawag na San Lucar de Barrameda, pag-aari ng duque de Medina Sidonia. Ito ay isang daungan sa bukana ng malawak na dagat (Atlantic Ocean, papunta sa America). Pumapasok duon gamit ang hangin ng kanluran (west wind) at lumalabas sabay sa hangin ng silangan (east wind). Malapit duon ang Cabo San Vicente (Cape Saint Vincent) na nasa ika-37 guhit pahilaga ( 37 degrees latitude north) at 20 millaje (miles) mula sa San Lucar. At mula sa lungsod hanggang daungan sa ilog ay 37 o 40 millaje ang layo. Nanatili kami nang ilang araw sa San Lucar upang mag-imbak ng iba pang mga gamit. Isang araw, namangka ang capitan-general sa ilog, kasama ang mga pinuno ng 5 barko. Araw-araw, nagsimba kami sa simbahang malapit sa San Lucar (Our Lady of Barrameda church) kung saan nagkumpisal ang capitan, at inutos sa lahat ng tauhan na magkumpisal din bago kami maglakbay. Ipinagbawal din ng capitan ang paglapit o pagpasok sa mga barko ng sinumang babae, sa maraming mahusay na dahilan. |
|
NATAPOS ang pag-carga ng mga kailangan ng mga barko at nuong Lunes, Agosto 10, 1519, fiesta ni San Lorenzo (Saint Lawrence day), lumisan kami mula sa Puerto de las Muelas (mole, himpilan ng mga barko) ng Sevilla, España (Seville, Spain), saliw sa pagpapaputok ng lahat ng mga kanyon ng 5 barko bilang paalam ng sakay na 237 tauhan mula sa iba’t ibang bayan at bansa. ( Tumanggap ng 4 buwan paunang sahod (advance pay) ang 237 tauhan. Ayon sa ibang salaysay, 270 tauhan at maaaring higit pa ang sakay sa 5 barko bagama’t 235 tauhan lamang ang pinundaran ni Carlos 5, hari ng España. Ang Trinidaday may 62 tao, ang Santo Antonio ay may 57, sa Concepcion ay 44, sa Victoria, 45, at Santiago, 31. Hindi alam kung saang barko sumakay ang 29 pang tao. Ang hirap at gulo ng pag-upa sa mga tauhan ay ipinahiwatig ng halu-halong pinanggalingan ng mga nakasama - Español, Portuguese, mga Vasco (Basque) mula sa Cataluña, mga taga-Genoa, Napoli at Sicilia sa Italya, mga Frances, Aleman, Greco, mga Africano, isang taga-England at isang Malay, si Enrique na unang binanggit ni Pigafetta pagdating sa Pilipinas.) Dahan-dahan, gamit lamang ang maliit na layag (staysail), pumasok kami sa ilog na dati ay tinawag na Betis (Baetis ang tawag nuong panahon ng ancient Rome) ngunit nuon ay Guadalquivir na ang pangalan (mula sa Wad-al-Kebir, malaking ilog o Great Riversa Moro na 800 taon sumakop sa España). Pagkabagtas sa ilog, nadaanan namin ang pook na tinawag na Gioan de Farax na baranggay ng mga Moro (San Juan de Aznalfarache) at may isang sirang tulay na dati ay landas patungo sa Sevilla, subalit nuon ay mga putol na poste (columns) na lamang ang nalalabi sa ilalim ng tubig. Napilitang kaming magpatulong sa mga bihasa at marunong na marinero duon upang ituro kung saan nakakadaan nang walang panganib na mabangga sa sira-sirang tulay na bumagsak. Isa pa, kailangang mataas ang tubig (high tide) duon bago makadaan sa ilog. Pagkalagpas sa sirang tulay, dumating kami sa pook na tinawag na |
||
NAKAKALITO ang hayag ni Pigafetta na 20 millaje, katumbas sa 32 kilometro sa sukat ngayon, ang layo ng Cabo San Vicente sa San Lucar. Katunayan, mahigit 100 miles o 161 kilometro ang distancia, at 61 miles o 98 kilometro ang layo ng Sevilla sa San Lucar, hindi 37 - 40 millaje o 57 - 64 kilometro na inulat niya. Nuon kasi, iba-iba ang haba ng millaje o ‘isang libong hakbang’ na minana mula sa mille passus sa Latin ng ancient Rome.
Paiba-iba rin ang sukat ng legua (league) na palatak nuong araw sa Europa at America, batay sa layo ng lakad ng tao sa isang oras, karaniwang 3 miles o 5 kilometro, subalit nagbabago batay sa kinis at pantay ng daan. Nuong 1568, itinigil sa España ng hari, si Felipe 2, ang paggamit ng lumang legua sa 2.6 millaje, katumbas ng 4.2 kilometro, subalit gamit pa rin ng mga Español na dumayo sa Pilipinas sa sumunod na 200 taon. Sa mga ulat nila, ang legua ay tantiya mula 3.9 kilometro hanggang 6.4 kilometro (ang ginamit ni Pigafetta).
|
Ngayon, ang mile ay 5,280 pie, feet, kasukat ng 1.609 kilometro. Sa mga kasaysayan ng Pilipinas, karaniwang 4.8 kilometro ang tumbas sa legua, gamit ni Miguel Lopez de Legazpi nang sakupin ang Pilipinas, at pinaka-malapit sa laos nang sukat. At bagama’t wala pang kilometro nuong panahon ni Pigafetta, sinalin dito ang mga sukat niya sa kilometro, - ang ginamit niyang tumbas na 6.4 kilometro, - upang malinawan ng mga bumabasa ngayon ang mga sukat ng lakbay na inilarawan niya. May karanasan si Pigafetta sa digmaan sa dagat Mediterranean laban sa mga Muslim na Turko, subalit hindi magdaragat si Pigafetta kaya magulo ang pagtunton niya sa mga puok, kung ano na lamang ang narinig sa mga kasama. Ang guhit patimog (degrees of latitude south) at pahilaga (degrees of latitude north) ay sukat sa daigdig mula dulong hilaga (North Pole) hanggang dulong timog (South Pole). Nasa ika-6 kabanata ang paliwanag ng Ang Pahaba At Pahalang, pati na sa guhit pasilangan (degrees of longitude east) at pakanluran (degrees of longitude west), na sukat ng daigdig mula silangan (east) hanggang kanluran (west). |
|
Nakaraang kabanata Ulitin mula itaas Tahanan ng mga Kasaysayan Lista ng mga Kabanata Susunod na kabanata |