The PHILIPPINE REVOLUTION
Written by one the greatest heros of the doomed struggle
Ang Himagsikan Ng Mga Pilipino
Sinulat ni Apolinario Mabini,
Isinalin sa Tagalog mula sa English translation by Leon Ma. Guerrero
|
|
Pag-uukol Sa Iyo, Aking Ina,
Ngunit alam mo na ikaw ay napakadukha upang matustusan ang aking pag-aaral, kaya nagsikap ka sa abot ng iyong kaya, hindi mo ininda ang init ng araw, ni ang ginaw ng ulan, hanggang ikaw ay nagkasakit, na siya mong ikinamatay.
|
Hindi ako nakatadhanang maging isang pari ngunit panindigan ko na ang tunay na ministro ng Diyos ay hindi ang naka-sutana kundi ang sinumang magtanghal ng luwalhati ng Diyos sa paggawa ng mabuti at pagsilbi sa pinaka-raming nilalang na kaya niyang paglingkuran, at sisikapin kong maging tapat sa iyong mga hangarin hanggang abot ng aking lakas. Ngayon, nais kong ilatag sa iyong libingan ang isang alay na ginawa ko sa sariling mga kamay, kaya inuukol ko sa iyo, sa iyong alaala, itong aking isinusulat, maliit at abang bagay at hindi sapat na handog sa iyo, ngunit ang pinaka-mainam sa mga kayang gawin ng iyong anak, Apolinario Mabini |
|
Pagsinag Ng Isang Dakila DUKHA tanang buhay niya si Apolinario Mabini, ipinanganak nuong Julio 23, 1864 kina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan sa Talaga, Tanauan, Batangas. Nag-aral siya sa Manila nuong 1881 ngunit nagbalik sa Bauan, Batangas nuong 1882-1883, at nuong 1884 lamang ipinagpatuloy ang pag-aral sa Manila, ng filosofia. Sa Lipa, Batangas siya nagtapos ng pag-aral nuong 1886-1887 bilang guro ng mataas na paaralan. Nagtapos din siya ng pagka-abogado nuong 1888-1894 sa Colegio de San Juan de Letran at sa Universidad de Santo Tomas. Nang itatag ni Jose Rizal ang Liga Filipina nuong Junio 1892, isa sa mga sumapi si Mabini. Mahina ang katawan, nagkasakit siya at nalumpo nuong Enero 1896, subalit nagpatuloy siya ng pag-aabogado, at tumulong sa mga katulad niyang dukha. Pagsiklab ng himagsikan, dinakip siya ng mga Español nuong Octobre 1896 bilang kasapi sa Liga Filipina at ipiniit hanggang Junio 1897 nang pakawalan siya dahil sa kanyang kapansanan. Isang buwan matapos pumasok sa Pilipinas ang mga Amerkano, nuong Junio 1898, sinimulan ni Mabini na tulungan si Emilio Aguinaldo na palawakin at patatagin ang himagsikan bilang Unang Ministro ng Congreso sa Malolos. At bilang Kalihim Panlabas, nakipag-ugnay siya sa dumadanak na hukbo ng America upang iwasan sana ang digmaan, hanggang nuong Mayo 1899, sinisante siya ni Aguinaldo, 3 buwan pagkasabog ng digmaan laban sa America. Ibinuhos niya ang sugid sa paglaya ng Pilipinas sa pagsulat sa mga pahayagan hanggang dinakip siya ng mga Amerkano nuong Deciembre 1899. Subalit ayaw yumuko ni Mabini sa pagsakop ng America kaya ipinatapon siya nuong Enero 1901 sa Guam, kung saan niya sinulat itong kasaysayan ng katatapos pa lamang na revolucion. |
Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayang Pilipino Bayani: Hindi Karaniwang Pinoys at Pinays Sunod na kabanata |