Spain’s flag SPANISH  OCCUPATION:   El Tiempo de conquistadores en las Felipinas

Kaharian Ng Español Sa Pilipinas

Ang Simula Ng Mga Conquistador, 711 - 1492

España PAGBAGSAK ng Roman Empire, hiwa-hiwalay na mga kaharian ang naghati-hati sa lupaing tinawag na Iberia sa dulong kanluran ng Europe. Mula nuong ika-8 sandaang taon (8th century), sinakop ng mga Moro, mga Muslim mula sa Morocco, ang kalakihan ng Iberia sa isang sultanate o kahariang tinawag nilang El Andaluz o Andalucia. Napigil lamang ang mga Moro sa silangang hangganan (eastern border) ng Iberia, sa gilid ng lupain ng mga Frank (France ang tawag ngayon), sa pamumuno ni Dakilang Carlos (Carlo Magno, Charlemagne, Charles the Magnificent). Ang sagupaan na nakapigil sa mga Moro ang laman ng ‘alamat ni Rolando’ (‘Song of Roland’). Sa gilid ng kaharian, itinatag ng mga Frank ang mahaba at palagiang tanggulan na tinawag nilang Mark o March Hispanica (Kahulugan: Hangganan o border na abot sa magkabilang dulo), mula sa taguri ng mga Roman na, pagkaraan ng panahon, ay pinagmulan ng pangalang España. España 1521

Sa bandang hilaga ng Iberia, sa tinatawag ngayong Asturias at bahagi ng Santander, napigil din ang mga Moro nuong taon ng 722 ng hukbo ni Pelayo, isa sa mga hari duon ng mga Visigoth, mga dayo mula Germany (Alemanya) na, kahalo sa mga dinatnan nilang mga katutubong Iberian at mga dayo ring Celtics, Phoenicians (ang nagtatag ng kaharian ng Cartagena o Carthage), Greeks at Romans, ay tatawaging mga Español sa mga darating na panahon. Sa mahigit 700 taon na sumunod sa tagumpay ni Pelayo, ginanap ng mga magiging Español ang ‘requista,’ ang pagsakop muli sa kanilang lupain. Napilitang magsama-sama ang iba’t ibang pangkat ng mga requista o mga conquistador upang makayanan ang malalakas at malalaking hukbo ng mga Moro.

España today Nuong ika-15 sandaang taon, humihina at nawatak na ang Andalucia, nalabi na lamang sa munting kaharian ng Granada. Nakapagbuo na ang mga conquistador ng 3 malalaking kaharian sa mga lupaing nabawi nila:
1. Portugal sa kanlurang gilid ng Iberia, sa tabi ng dagat Atlantic
2. Castilia, ang puok sa kalagitnaang Iberia ng mga tanggulan na tinawag na castilios
3. Aragon sa silangang gilid ng Iberia, sa tabi ng France, ang kaharian ng mga Frank

Nuong 1469, nagtanan ang princesa ng Castilia, si Isabel, at nagpakasal nang lihim sa principe at tagapagmana ng Aragon, si Fernando. Nuon lamang napagbuo ang kalakihan ng Iberia sa iisang kaharian, at nagsimulang tawagin ang buong lupain sa pangalang España (Kahulugan: Kahariang abot sa magkabilang dulo). Hindi aabot ng 100 taon, sasakupin ng bagong kaharian ang kapuluan ng Pilipinas.

ANG   PAGHAHARI   NG   ANGKAN   NG   CASTILLE - ARAGON

ITINATANGHAL ngayonghari at reginang catholico’ (Los reyes catolicos, the Catholic Monarchs) sina Isabel at Fernando dahil masugid nilang pinalawak ang simbahan sa España at sa anumang bahagi ng daigdig na abot ng kanilang kapangyarihan. At lalo na sa malupit nilang pag-usig sa mga Judeo, Muslim at lahat ng ayaw maging, o manatiling, catholico.

Ang kanilang mga conquistador, kinilalang pinaka-malakas at pinaka-mabangis na hukbo sa buong Europe nuon, ay walang alam na hanap-buhay maliban sa pagkurakot sa mga Muslim na nagapi nila sa digmaan. Nang matapos ang ‘requista’ nuong 1492 at naubos na lahat ang

yaman at ari-arian mga Muslim at Judeo, napilitan silang humanap ng ibang mapagkukunan ng yaman.

Ang mag-asawa ang nagpundar kay Cristobal Colon (Christopher Columbus), ang unang taga-Europe na nakarating sa America nuong 1492. Upang madagdagan ang mabilis na nauubos na yaman ng kaharian, at upang mabawasan ang gulo ng mga palaboy na conquistador sa España, sinulsulan at pinundaran ng mag-asawa, at ng mga sumunod na hari ng España, ang paglayag ng mga ito sa mga bagong ‘tuklas’ na lupain. Nagsimulang dumanak ang mga conquistador sa America at, hindi nagtagal, sa Pilipinas.

Isabela 1 1. Isabela 1 ng Castilia (1451-1504).
Ipinanganak siya sa Madrigal delas Altas Torres (sa Avila, España) nuong Abril 22, Fernando de Aragon 1451 kina Juan 2 ng Castilia at Isabel ng Portugal. Napangasawa niya si Fernando 2 ng Aragon nuong Octobre 18, 1469, at nahirang na regina ng Castilia at Leon nuong Deciembre 13, 1474, kapalit ng kanyang yumaong kapatid na hari, si Enrique 14.

Hinirang niyang tagapagmana ang kanyang anak, si Juana, at ang naging asawa nito, si Felipe ng Austria. Habang bata pa ang kanyang apo, si Carlos, anak ni Juana at Felipe, hinirang niyang pansamantalang hari (regente, regent) ng Castilia at Leon ang kanyang asawa, si Fernando 2 ng Aragon. Namatay si Isabela sa Medina del Campo sa Valladolid nuong Noviembre 26, 1504.

2. Fernando 2 ng Aragon at Navarra (1452-1516).
Ipinanganak siya sa Sos, Zaragoza, nuong Mayo 10, 1452, kina Juan 2 at Juana Enriquez ng Aragon at Navarra. Nuong buhay at regina ng Castilia at Leon si Isabel, consorte siya at pinayagan siyang maging hari ng Castilia lamang, - nanatiling tangi kay Isabela ang kaharian ng Leon, - upang mapag-isa ang 2 pinaka-malaking kaharian ng España laban sa mga Muslim na sumasakop pa nuon sa timog bahagi ng España.

Juana Sampung taon na siyang nagha-hari sa Castilia nang manahin niya mula sa kanyang mga magulang ang kaharian ng Aragon at Navarra nuong Enero 20, 1479. Nang masakop ng kanilang hukbo ang huling kaharian ng mga Muslim sa Granada nuong 1492, nabuo ang kaharian ng España sa kauna-unahang panahon.

Nang namatay si Isabela, namahinga si Fernando sa Aragon nuong Junio 27, 1506. Ang kanyang manugang, si Felipe ng Austria na asawa ni Juana, ang naghari sa Castilia hanggang namatay ito nuong Agosto 21, 1507. Naghari uli nuon si Fernando at pinatatag niya ang bagong pinagbuong bayan ng España. Namatay siya sa Madrigalejo nuong Enero 23, 1516.

3. Juana ng Castilia at Aragon (1479-1555).
Pangalawang anak na babae nina Isabela at Fernando, isinilang sa Toledo nuong 1479. Tinawag siyang ‘Juanang Baliw’ (Juana La Loca) at buong buhay siyang nakulong sa luob ng bahay kahit na matapos siyang maging regina nuong Noviembre 26, 1504. Ikinasal siya kay Felipe ng Austria nuong Octobre 20, 1496, at si Felipe ang naghari sa España mula nuong 1504 hanggang mamatay ito nuong 1506. Pagkatapos, ang kanyang ama, si Fernando, ang naghari sa España sa ngalan ng kanyang anak, si Carlos 1. Namatay si Juana sa Tordesillas nuong Abril 11, 1555.

4. Felipe 1 ng Austria (1478-1506).
Tinawag siyang Felipeng Makisig (Felipe El Hermoso, Philippe LeBel). Ipinanganak siya nuong Julio 22, 1478, sa Bruges (bahagi ngayon ng Belgium) kina Maximilian 1, emperador ng Germany (Alemania), at Maria ng Borgonia (Bourgoin, Burgundy, bahagi ngayon ng France). Bilang consorte ni Regina Juana ng Castilia, naghari si Felipe sa España mula nuong Noviembre 26, 1504, hanggang namatay siya sa Burgos, España, nuong Septiembre 25, 1506.

Ulitin mula sa itaas                 Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas                 Lista ng mga kabanata                 Sunod na kabanata