KASAYSAYAN NG MINDANAO, JOLO AT MGA KAPIT-PULO NUONG 1667 Ang Pagdiriwang Sa Kasalan
“Historia de las Islas de Mindanao, Jolo y sus Adjacentes”
|
||
WALANG kapantay ang pagdiriwang sa kasal. Sa lahat ng mga ugali nila na natutunan na, ito ang pinaka-maluho (lujoso, extravagant). Kung ang ikakasal ay isang pinuno o maharlika, isang linggo bago ang kasal, nasisimula na ang handaan, at tumatagal hanggang isang lingo pagkatapos ng araw ng kasal. Kahit sinong dumating ay maaaring makisalo sa piging (banquete, feast). Ang pagkain sa mga ulam (viandas, victuals) ay sinasabayan ng pag-inom ng maraming alak (vino, wine). Hindi sila nagkukulang, subalit hindi sila nag-aabala sa dami ng pagkain. Sa lakas at tagal ng agos ng alak sila talaga nagyayabang. Sa huwad na init ng alak nasusunog ang kanilang dila (lengua, tongue), at naglalaho ang panglasa (gusto, taste) nila sa pagkain. Naglalaho rin ang anumang suliranin nila sa buhay. Sa halip, lumiliksi ang sayawan ng mga dumalo (invitados, wedding guests) at, higit na kapuri-puri para sa magulang na gumastos para sa handaan, lalong sumisigla ang bagong kasal na anak na lalaki. |
||
Parada Ng Mga Ikakasal Nagkukulong sa bahay at hindi nagpapakita ang babaing ikakasal, lumalabas lamang pag araw na ng kasal. Nuon siya nagpapakita nang buong gara, at ang kilos at anyo niya ay mas mataas kaysa sa anumang pagka-maharlikang katayuan ng kanyang familia. Ang mga kamag-anak niya ay katabi niyang lumalabas ng bahay, suot ang pinaka-maganda nilang damit. Ang mga lalaki ay may dalang mga sibat (lanzas, spears) at mga kalasag (escudos, shields) upang ihatid ang babae at mga kamag-anak sa bahay ng kasalan. Saliw at panguna sa parada ang tugtog ng mga kulingling (campanillas, bells) at mga torotot (dulzainas, trumpets). Sunod sa mga tumutugtog ang 2 hanay (dos filas, double file) ng kanyang mga ninang sa kasal (damas de honor), mga mayamang kamag-anak na inanyayahan upang lalong maging |
magara at sikat ang parada at kasal. Ang
talagang mayaman at maharlika ay nasa mga upuan (sillas, chairs) na pasan-pasan ng tig-4 na alipin (esclavos, slaves). Sa likod nila lumalakad ang iba pang mga babaing alalay sa kasal (bridesmaids).
Sa huli ang dalagang ikakasal (novia, bride), pasan-pasan sa isang malaking upuan, katabi ang 2 o 3 babae na pumapaypay (abanico, fan) sa kanya, pumupunas sa kanyang pawis (sudor, sweat), at umaayos sa kanyang damit upang hindi malukot. Halos hindi makagalaw ang dalagang ikakasal dahil sa asikaso (hacer caso, fuss) ng mga katabi. Mula sa kabilang dulo ng lansangan (calle, street) dumarating ang parada naman ng lalaking ikakasal (novio, bridegroom) at ng kanyang kamag-anak. Pasan-pasan din ang mga babaing mayaman at maharlika, at naka-sandata rin ang mga lalaki. Lahat ay naka-postura (well-dressed) sa kanilang pinaka-magandang damit. |
Puti kapwa ang suot ng 2 ikakasal. Maliban ang lalaki na, sa pahintulot ng babae sa gitna ng kasal, ay umaalis upang magpalit ng damit na pula (rojo, red). Malaki at mahabang tanghalan (teatro, drama) ang kasal. Matagal na pahele-hele (afectacion, coquetry) ang babae, kalahating oras bago pumayag sa yaya (suplicas, entreaties) ng lalaki. Tapos, kalahating oras uli bago makaabot at humarap sa dambana (enrejado, bower). Samantala, kailangang umupo at maghintay lahat ng mga dumalo (invitados, guests). Tuksuhan at tawanan ang karamihan dahil sa hinhin (recato, modesty) at marangal (royal, regal) na kilos ng dalaga na, ilang araw lamang sa nakaraan, ay panay ang takbo sa lansangan at talon parang kambing (cabra, goat). Karapat-dapat daw sa kasal na mahinay (lenta, deliberate) at painut-inot (exacto, measured) ang galaw ng dalaga sapagkat ‘nakatali’ (atado, bound) siyang hinahatid sa lalaki na siyang mag-aalis ng kanyang gapos (lazos, shackles). |
Fiesta en grande Nuong araw na iyon, may tabing (cortinas, canopies) ang buong bahay, tinakpan pati ang kisami (techo, ceiling) at mga dingding (muros, walls). Ang silid pangkasal (camara nupcial, bridal chamber) lamang ang bukas at lantad sa lahat. Punong-puno ito ng mga palamuti (adornado, decorated) sapagkat sa araw na ito, lahat ay marangya (estupendo, splendid) at kumikinang (brillante, gleaming). Magkatabi duon ang bagong kasal, nakaupo sa mga unan (cojines, cushions) na sinalansan gaya sa mga Moro (ang mga tunay na Moro, ang mga taga-Morocco, ang tinukoy ni Combes.). Kasama at inaasikaso pa rin ang dalaga ng mga alalay na babae, at wala pa rin siya galaw tulad ng isang ribulto (estatua, statue). Nakasalo ako sa isang ganuong kasalan ng mga Lutao. Napaka-gara (en grande, sumptuous) ng pagdiriwang. Nuong hapon ng |
araw ng kasal, isang pangkat ng kanilang sandatahan (peloton armados, armed company) ang dumating sa liwasan ng hukbo (plaza de armas) upang anyayahan ang governador at lahat ng sundalong Español. Mula nuon at maghapon kinabukasan, lahat ng soldados, pati na ang mga Pampangos at Cagayanes, ay hinainan at pinagsilbihan ng iba’t ibang pagkain.
Malaking araw ang kasalan kaya tungkulin at laging dumadalo ang governador, kasama ang mga pinaka-sikat na sundalo (guardias de honor), upang magpugay sa mga tao at sa bagong kasal. Sa mga panahong ganuon, hindi halata na mga taong ligaw (barbaros, savages) ang mga indio, kundi parang isang bansa ng kabihasnan (civilized nation). Parang mga bagong mulat (inocentes) na hindi alam kung ano ang kahulugan ng kasal, hindi nagsisiping ang bagong kasal hanggang ika-4 araw pagtapos ng kasal. Dahil sa yumi (recato, modesty) ng gawing ito kaya dumadalo kaming mga frayle sa mga kasalan. |
Sinasamantala namin upang pagkumpisalin (conficir, to confess) at pagpalain (bendicir, to anoint) ang bagong kasal.
Kasama kong dumalo ang pinunong frayle (superior), ang governador at mga capitan ng hukbong Español. At buong lugod akong nanuod sa gara at dangal (nobleza, nobility) ng mga indio na karaniwang walang kulay at hangarin sa pamumuhay. At napaka-luho ng piging, gumasta ang pinuno para sa 400 arrobas (4,600 kilo) ng alak at mahigit 1,000 manok. Isang linggo bago natapos ang pagdiriwang, pinahiwatig ng sayawan saliw sa tugtog ng mga kulingling at kalembang (campanillas, gongs), at ng mga tambol (tambores, drums). Kahit na mahirap sila, ginagasta nila lahat ng ari at yaman nila upang magampanan ang kasal at pagdiriwang, upang ipakitang mapag-bigay (generoso, generous) sila at upang mapuri sa sikat ng kanilang handa (celebracion, party). Talagang ang handaan sa patay (funeral, burial) at sa kasal (casamiento, wedding) ang pinaka-malaki nilang pagdiriwang. |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas Susunod na kabanata |