Libingan   KASAYSAYAN  NG  MINDANAO,  JOLO  AT  MGA  KAPIT-PULO  NUONG  1667

Ang Libing At Luksa Sa Mga Patay

“Historia de las Islas de Mindanao, Jolo y sus Adjacentes”
ni Francisco Combes, SJ

Sa ngayon (nuong 1897), kapag may namatay, ang mga kasama niya sa bahay ay naghihiyawan sa panaghoy. Ang tatay o asawang lalaki ay nagwa-‘wala’ at kung minsan, susunggaban ang itak at tatagain kahit anong makita - kaliwa’t kanan, wawasakin niya lahat ng kasangkapan sa bahay, ang kanyang mga damit, pati na ang sahig ng bahay. Bago may masaktan, kailangan siyang sunggaban at hawakan upang matigil ang alboroto...     --Wenceslao Retana, 1897

PINAGTABI ko ang 2 magkasalungat na paksa, tungkol sa patay at sa kasal, upang ilarawan nang malinaw ang dakila at labis-labis na ‘pakita’ ng mga tao dito sa kabila ng kanilang pagiging pang-karaniwan. Sa unang paksa, ang mga ugali nila sa patay, hindi ko alam kung ang dapat kong purihin ay ang kanilang kabanalan (piedad, piety) o ang kanilang kadakilaan (grandeza, grandeur). Hindi ko rin matiyak kung alin ang mas karapat-dapat, sapagkat kapwa nila ginaganap, at ginaganap nang sukdulang sukdulan. Likas silang mapag-bigay (generoso, generous) kaya kapag napatungan pa ng kailangan gumasta para sa patay, kinakalimutan nila ang kanilang pagka-dukha. Kinakalimutan din nila na napaka-karaniwan ang kanilang pamumuhay.

Damit Pamburol

Ang unang luho (derroche, extravagance) ugali nila ay ang pagdamit sa patay na tulad ng isang principe. Gumagasta sila ng labis na labis sa kaya nilang bayaran.

Sa talukbong (mortaja, shroud) na lamang ng bangkay, gumagamit sila ng 100 brazas (183 metro) ng mamahaling muselina (muslin). Luksa Pinapatungan ang muselina ng tinatawag nilang mga “patola,” maganda at marangyang tela na hawi sa sutla (seda, silk) at, paminsan-minsan, sa sinulid na ginto. Ito ang pinaka-magastos na damit na mabibili kaya ito ang inilalaan nila sa patay,

pahiwatig ng kanilang paggalang at pagmamahal.

Gawi nila, mula pa nuong unang panahon, na bawat anak at malapit na kamag-anak ng namatay ay dapat mag-alay ng isang tela, tinawag nilang “sinampuli,” manipis at mamahalin din. Ibinabalot nila ang bawat isa sa bangkay, nakatirintas at nakabuhol nang magara. Ukol naman sa damit na isinusuot sa bangkay, hanggang ngayon (nuong 1667), mahigpit nilang sinusunod ang ugali na magtabi ng mamahaling damit na “pamburol.” Walang tao, kahit na gaanong kahirap, ang walang aring tela na 8 braza ang haba (14½ metro) na gagamitin lamang panlibing sa kanya.

Hindi na ginagawa ngayon ang dating nilang ugali na ilibing kasama ng patay ang maraming ginto at alahas. Daig nila dito ang mga catholico nuong unang panahon. Malaking kayamanan dati ang

ibinuburol nila nuon, mga kulingking (campanillas, bells) at iba pang minamahalaga nila hanggang ngayon. At kapansin-pansin, lahat ng yamang ito ay nagiging banal (sagrado, sacred) pagkalibing.

Wala sinuman, kahit na ang pinaka-balasubas at pinaka-sakim, ang gumagalaw o nagnanakaw sa ibinurol kahit na madaling gawin nang hindi nahuhuli sapagkat wala namang nagbabantay sa mga libingan na karaniwang nasa mga yungib, maliliit na pulo na walang tao, o iba pang mga liblib na puok. Ang tanging tanod duon ay ang mga halimaw (monsters) at multo (fantasma, ghosts) na nabubuhay lamang sa kanilang guni-guni (imagination) at huwad na pagsamba.

Pinalitan na nila ang mga ugaling iyon ng mga bagong natutunan nila sa catholico.

Sa araw ng libing, nagtatanim sila paligid sa puntod ng mga puno ng niyog, jasmine at iba pang mga halaman at bulaklak na karaniwan sa paligid. Kung ang patay ay isang pinuno o maharlika, nagtatayo sila ng tabing (awning) sa ibabaw ng puntod at nagtutusok ng 4 puting watawat sa paligid. Tapos, nagpapa-usok sila ng mga pabango (perfumes) hanggang hindi natatapos ang lamay (funebre, wake). Minsan, nagtatabi pa sila ng mga alipin upang magpa-usok at nang patuloy at walang patid ang pabango.

Unti-unting napapalitan ito ng mga gawi ng catholico sa patay. Sa halip, panay ngayon ang alay nila ng mga padasal at limos (limosna, alms) sa simbahan.

Gawi pa rin nila ngayon ang magpagawa ng sarili nilang kabaong (ataud, coffin) habang buhay pa. Pinipili nila ang isang malaking piraso ng kahoy na hindi nabubulok. Ito ang inuukit upang

Bangkay pamburol sa may-ari pag namatay. Habang buhay pa, inilalagay ang kabaong sa silong ng bahay. Sinusuri ito halos araw-araw ng may-ari habang buhay pa, at nakikita ng kahit sinumang magdaan sa harap ng bahay.

Kaiba nang kaunti ang ugali dati ng mga Subano, sa pagsunod nila sa ugali ng mga Lutao kahit na mahirap sila at hindi nila kayang pantayan ang kaya ng mga Lutao. Sa halip na ilibing ang mga ginto at alahas kasama ng patay, itinatapon nila sa dagat. Hindi nila kaya ang gawin ito subalit sinusunod ito dati sa lahat ng puok dito.

Pumapatay Sa Hinagpis

Subalit sa isang pulo, lupit at bangis ang lumilitaw sa kanilang lungkot kapag may namatay. Upang makayanan ang pighati, habang nagluluksa, dinadamay nila ang ibang tao sa pagdurusa. Ang ama, anak o malapit na kamag-anak ng namatay ay lamalabas, dala ang mga sandata, upang patayin ang unang tao na masalubong nila. Walang kasalanan ang pinapatay, ni walang malay kung bakit.

Basta pinapatay kahit na sinumang sawimpalad na makita, upang mabawasan ang kanilang hinagpis, dala ng kanilang kinagisnang bangis (brutality) ng buhay at kawalan ng kabihasnan (ferocidad, savagery). Sa ganitong kalabisan, napapalawak nila sa ibang tao ang lungkot na dinadama nila sa pagkamatay ng kamag-anak.

Ang dugo ng ibang tao ang ginagamit nilang pang-tuyo ng kanilang luha.

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas          Susunod na kabanata