KASAYSAYAN NG MINDANAO, JOLO AT MGA KAPIT-PULO NUONG 1667 Buhay Sa Mindanao: Lahat Marunong Magluto
“Historia de las Islas de Mindanao, Jolo y sus Adjacentes”
TUTUO na lahat ng indio, sa sarili nila, ay namumuhay ayon sa kalikasan. Tatag ang mga ugaling ito, kung ihahambing (compare) sa mga gawi ng kabihasnan (civilization) at pagbubuo ng bansa (nation building) na bahagya lamang nilang natutuhan. Bagong-bago pa lamang ang kanilang pagsama-sama nang maramihan, hindi pa nila pansin ang kinis at giliw ng sining (arts) maliban sa pansariling pagpa-paganda. Sa pagkain, kahit na ang mga mayaman ay kapantay lamang ng mga pulubi. Kung ano ang kinakain ng maharlika ay kinakain din ng mga alipin. Wala silang alam na sangkap (recado, condiment) at hindi sila marunong gumamit ng mga pampalasa (especias, spices). Ang pagkain ng lahat ay kanin (arroz, boiled rice), na alam iluto ng lahat, kahit na ang mga pinuno, kahit na ang pinaka-mayaman, dahil walang inihahalo kahit na ano. Ang pagkakaiba lamang ay ang tagal ng paghugas sa bigas bago pakuluan - mas matagal, mas maputi ang kanin pagkaluto. Lahat ng pagkain nila ay katulad nito, mumurahin at madaling iluto. Dala ito ng paglalayag nila sa dagat, inaabot madalas ng maraming araw. Para kumain, kailangan nilang matutong mag-saing (hervir arroz, cook rice) para sa sarili nila. Kapag naubusan ng bigas (uncooked rice), ang kinakain nila ay mga gabi (tuberculares, roots) na nakaka-busog naman at madali ring iluto, pinakukuluan (boil) lamang hanggang lumambot. Kung pinalad na magkaruon ng isda (pez, fish), kapirasong baboy (cerdo, pork) o tapa (carne, venison, mas maraming usa (ciervo, deer) nuon kaysa vaca (cattle) o kalabaw (carabao) nuon), basta pinakukuluan nila sa tubig nang may kaunting asin. Wala silang alam na adobo o iba pang lutong palayok (estofado, stew). |
Bahay Kubo: Mainam Sa Lindol Ang mga bahay nila ay dukha at sapat lamang upang hindi maarawan at maulanan. Wala silang hiwa-hiwalay na silid (cuartos, rooms) na malalakaran. Wala ring patong-patong na palapag (suelos, floors) na mapag-aaliwan maliban sa isang sahig na naka-angat sa lupa. Ang bahay ay binubuo ng mga haligi (postes, columns) na gawa sa mga putol na punong-kahoy (arboles, tree trunks) na pinagkabit-kabit. Ang bubong (tejado, roof) ay nipa (paja, thatch) na tumutubo sa pali-paligid. Ang sahig ay mga hiwa-hiwang kawayan (tinawag ding bombong sa Luzon, ang pinagmulan ng bambu sa Español at bamboo sa English) na madaling tastasin kahit walang alam sa carpenteria dahil walang laman sa luob (hueco, hollow). Hindi na nila kailangang walisin (sweep) ang sahig sapagkat ito ay silat-silat (rejas, grating), madaling linisin at nahuhulog na lamang ang dumi sa lupa. Angkop na angkop itong mga bahay sa kanilang lupain dahil madalas lumindol duon, at malamang mawasak ang mga bahay kung mas mabigat ang gawa kaysa sa kanilang mga kubo (cabañas, huts). Upo Sa Sahig, Kain Sa Dahon, Wala silang mga upuan (bancos o sillas, benches or chairs) kaya hindi nila kailangan ang maraming kasangkapan sa bahay (muebles, furniture). Mas panatag silang umupo sa sahig. Mayruon silang mga hapag (mesas, tables) na gamit lamang at hindi pakitang tao (exposicion, display). Bilog ang hugis nito at uka sa gitna upang hindi matapon ang inilalagay na pagkain - karaniwang kanin at isda na kapwa nilaga (boiled). Walang sapin sa hapag (mantel, tablecloth) at hindi sila gumagamit ng pamunas (servilleta, napkin). Kaunti lamang ang kanilang mga pinggan (platos, dishes) subalit hindi sila nakukulangan (falta, lacking) dahil ang mga malapad na dahon ng mga punong-kahoy (hojas, tree leaves) na kinakainan nila ay mas malinis. Para inuman (jarras, jugs), ginagamit nila ang bao ng niyog (coconut shells) na tumutubo sa lahat ng puok. Para sandukan ng sabaw (cuencos, bowls), gamit nila ay kawayan, pinutol sa magkabila ng buko at nilalap (esquilado, sheared) sa isang gilid. Sumasarap ang sabaw na inilalagay dito. Kawayan din ang gamit nilang lalagyan ng tubig (tapayan sa Tagalog, tinaja sa Español, jar sa English), at sumasarap din ang tubig sa luob nito. Mayruong silang tinawag na ‘hari’ ng kawayan dahil sa laki. Pinuputol nila nang may 4 buko (nudos, knots) ang haba, at kayang lagyan ng 3 o 4 azumbres (6 o 8 litro) ng tubig. |
|
Mahilig Sa Maasim Upang magka-lasa at sumarap ang kanilang pagkain, sinasapawan nila ang mga gulay (hierbas, herbs) upang umasim (agrio, sour). Matipid ito sapagkat hindi sila kailangang gumasta para makabili ng mga panghalo - walang langis (aceite, oil), walang mantequilla (butter), walang suka (vinagre, vinegar) o iba pang pampalasa (especias, spices).
Sanay silang gumawa ng tinatawag nilang “puche” (parang gawgaw na nilugaw, pap sa English) at mag-frito ng tinatawag nilang “poleadas” (hawig sa okoy ng Tagalog, buñuelo sa Español, fritter sa English) na may halong gata ng niyog (coconut milk) at arnibal (almibar, syrup) mula sa matamis na tubu (caña de azugar, sugarcane). Ito ang kanilang mga puto (pasteles, cakes) at mga pinaksiw (conservas, pickles).
Subalit sa mga kasalan (casamientos, weddings) sila nagluluho (demasiado, overdo) sa pagkain, gaya ng itinanghal ng hari (rey, sultan) ng Jolo, si Panguian Bachal.
May hinain (atienda, served) na maliliit na puto, gawa sa giniling na bigas (harina de arroz, rice flour), hinaluan ng gata ng niyog (coconut milk), arnibal at bungang-kahoy (frutas, fruits) dito na tinawag na ‘durian,’ at inihaw (al horno, baked) hanggang nagkulay kayumanggi |
||
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas Susunod na kabanata |