SI Pag Buaya na lamang ang naiwang pinuno ng mga Dapitan. Nakita niyang wala silang kawala sa mga Terrenate na lumusob pati na sa ilalim ng mga bahay sa Dapitan na nakatuntong sa dalampasigan ng dagat. Sumuot ang mga dyong ng mga kalaban sa silong at pinagbabaril sila mula duon. Hindi nakaganti ang mga Dapitan sapagkat wala silang mga baril, at hindi nila maabot ng sibat at patalim ang mga taga-Terrenate sa ilalim ng sahig ng kanilang mga bahay. Malas itong puok na ito, pasiya ni Pag Buaya, lalo na’t duon napatay ang kapatid niya, at kaya silang lusubin ng mga taga-Terrenate kahit sa luob ng kanilang mga bahay. Kaya niyaya niya lahat ng mga Dapitan na sumamang tumakas sa ibang puok. Sa puok na mas mainam tanggulan. Ganuon ang kanyang pasiya sapagkat sa mga bangsa duon, may ‘sumpa’ kung saan man sila natalo o nasawi, agad nilang iniiwan at hindi na binabalikan kahit kailan. Kahit na ngayon (nuong 1667) sa mga pulo dito, tutuong umaalis ang mga tao mula sa kinamatayan ng kanilang pinuno. Naiiwang nakatiwangwang ang bahay hanggang tuluyang mabulok. Ang puok na hinanap ni Pag Buaya ay mahirap pasukin at, kung gagamitan ng kanilang giting at |
KASAYSAYAN NG MINDANAO, JOLO AT MGA KAPIT-PULO NUONG 1667 Tumatag Ang Mga Dapitan Sa Mindanao
“Historia de las Islas de Mindanao, Jolo y sus Adjacentes”
Gawi hanggang ngayon (1903) ng mga hindi-Muslim na iwanan ang bahay ng tatay na namatay. Si Silungan ay dating alipin na tinubos, pinalaya at bininyagan ni Fray Pastells. Nuong 1878 nang patawid ng Mindanao si Pastells kasama ng isa pang frayleng Jesuit, si Fray Heras, tinangka nilang sagipin ang isang lalaki, si Salug. Dinala nila sa bahay ni Silungan subalit tuluyang namatay si Salug. Iiwan sana ni Silungan ang bahay. Humingi siya kina Pastells ng pagpagawa ng kapalit subalit nahikayat siya nina Pastells na manatili duon. Dahil nabinyagan si Salug bago namatay, ‘malinis’ pa rin ang bahay. ... --Blair and Robertson, 1903-1906 |
|
tapang, ay maipagtatanggol kahit na kaunti na lamang sila. Walang gulod o matayog na lupa sa baybayin ng Panglao. Ang mga bundok ay nasa gubat sa luoban ng pulo. Ayaw ‘makulong’ duon ng mga Dapitan sapagkat sanay silang gumala, at mapupukaw ang kanilang hanap-buhay at kalakal sa dagat. Naglakbay pa-timog sina Pag Buaya, halos 100 kilometro mula sa kanilang nayon, at sa kabila ng mahigit 70 kilometro ng dagat, sinakop nila ang isang matarik at mabatong gulod sa baybay ng Mindanao. | ||
Kumampi Sa Español Ang pangkat ni Miguel Lopez de Legazpi, hindi sina Ferdinand Magellan, ang naka-ugnay ng mga Dapitan. Matapos makipag-kaibigan si Pag Buaya, binigyan niya sina Legazpi ng mga alalay (guias, guides) na naghatid sa kanila sa pulo ng Panglao. Sa katabing pulo ng Bohol naganap pagkatapos ang casi-casi (blood compact). Sa mga sumunod na ulat, hinayag ni Combes ang mga naganap sa kaharian ng Burney pagkarating ng mga Español. Ayon kay Combes, akala ng mga Dapitan na kumakain ng puting bato ang mga Español dahil sa tigas at anyo ng tinapay (sea biscuits) na dala nila paglakbay sa dagat. At kumakain daw ng apoy kapag humihitit ng tobaco. Kulog daw ang mga cañon at buntot ang akala nila sa mga espada (swords) na nakalaylay mula sa baywang ng mga Español. --Blair and Robertson, 1903-1906 SUMAMA kay Pag Buaya ang 1,000 familia ng mga malayang Dapitan, at malamang higit sa 500 mga alipin. Sumama rin ang maraming mandirigma na walang asawa. May gawi ang mga bangsa duon ng pamanhikan (dote, dowry) na matatawag na ‘bilihan’ ng mga |
dalagang magiging asawa. Maraming lalaking mahirap at walang pambayad sa babae kaya nananatili silang binata. Hindi rin nabilang ang sumama kay Pag Buaya na mga familia ng mga Lutao na sumapi sa mga Dapitan sa ilalim ng mga hari ng Mindanao at Jolo.
Hindi pa nagtatagal ang mga Dapitan duon nang kumalat agad ang balita ng paglipat nila sa Mindanao at dahil sa sikat nila sa digmaan, nangamba ang mga kaharian sa paligid. Unang dumating ang 2 dyong, dala ang mga sugo ng hari ng Burney (kaharian ng Brunei sa pulo na tinatawag ngayong Borneo) upang makipag-kaibigan. Hindi pa natatapos ang usapan nila nang biglang sumulpot ang pangkat-dagat ni Ferdinand Magellan. Madaling naakit ang mga Dapitan sa tapang at giting ng mga bagong dayuhan at agad silang nakipag-kaibigan sa mga kaibang-kaibang mga Español. |
Pinaalis ng mga Dapitan ang mga sugo mula sa Burney, sinabing sa mga Español na lamang sila makikipag-kampihan. At matapat silang naging kapanalig mula nuon hanggang ngayon (nuong 1667), hanggang sa pinaka-aba nilang mga alipin, hindi umangal o nagkulang sa kanilang pananalig kahit na minsan. Sa kabilang panig, panay ang papuri at paghanga sa kanila ng mga Español dahil sa tapang at galing nila sa digmaan. Ang anak ni Pag Buaya ay si Manooc na tumulad sa kanyang ama, sa katapatan sa Español. Nahigitan pa niya ang kanyang ama dahil nabinyagan siya at malaki ang naitulong niya sa unang pagsakop ng mga Español sa iba’t ibang pulo, lalo na sa pagsakop sa Manila, ang naging puso nitong kapuluan. Tapos, siya at ang kanyang mga mandirigma ang sumakop sa Camarines at iba pang mga pulo, sa sarili nilang gastos at kusa, upang lahat ng mga bangsa dito ay mapailalim sa Español. |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas Susunod na kabanata |