Hindi sariling bansa kundi mga Visaya ang mga Dapitan na namumuhay ngayon (nuong 1903) sa lalawigan ng Misamis... --Blair and Robertson, 1906 MARAMING hari-hari sa Mindanao subalit hindi maipagka-kaila na ang pinaka-magiting ay ang kaharian ng Dapitan. Kaunti sila ngayon subalit dati-rati, isa sila sa mga pinaka-marami, at iginalang sila nang mataas dahil sa kanilang mga tagumpay. At ngayon, sukob na lamang sa iisang nalalabing baranggay, tangi pa rin ang kanilang bansa, at daig nila ang lahat sa giting at dangal, at sa kanilang pagsambang catholico. Nanggaling sila sa Panglao na, kapag mababa ang dagat (marea baja, low tide) ay nakakabit sa pulo ng Bohol subalit pagtaas ng dagat (marea alta, high tide) ay nagiging pulo at nababagtas ang tubig sa pagitan ng kahit maliit na barko (galliot). Hanggang ngayon (nuong 1667), naruon ang maraming labi ng kanilang mga dating tahanan, dukha subalit sapat, mga haliging punong kahoy na nakatusok sa lupa at lulubog-lilitaw sa dagat ng lusutan (estrecho, strait) na naging pusod ng kanilang kaharian. |
KASAYSAYAN NG MINDANAO, JOLO AT MGA KAPIT-PULO NUONG 1667 Ang Mga Dapitan: Marangal, Maharlika
“Historia de las Islas de Mindanao, Jolo y sus Adjacentes”
|
|
Inagaw nila ang magkabilang panig ng lusutan mula sa mga taga-Bohol na tanyag nuon dahil sa pagsakop nila sa buong pulo. Kahit mas marami ang kalaban, dinaan sa giting ng mga Dapitan. Ginapi nila at itinaboy mula sa pampang ng Baclayon, at tumakas ang mga taga-Bohol sa ilog ng Loboc, mahigit 3 kilometro sa luoban. May mga angkan pa duon hanggang ngayon (nuong 1667) ng mga unang sumakop sa pulo. Walang tumalo sa mga taga-Bohol maliban sa mga Dapitan, at maaari silang ituring na mga alipin ng mga ito sapagkat nuong mga panahong iyon, ang lakas sa digmaan ang tanging batas sa kapuluan, at tagumpay ang tanging katarungan. | ||
Laban Sa Ternate Narating ng mga Portuguese ang kapuluan ng Sa digmaan tumayog ang mga Dapitan at sa digmaan din sila bumagsak, katibayan ng kanilang kakatuwang kapalaran. Dahil sa kanilang tagumpay laban sa mga taga-Bohol, natanyag sila at sila lamang ang pinadalhan ng pasugo (embajada, embassy) ng iba’t ibang pulo sa paligid. Kabilang dito ang hari ng Terrenate, ang pinaka-marahas at malupit na hari nuon. Sa malas, lapastangan ang pinadala niyang sugo sa mga pinuno ng mga Dapitan, si Dai Lisan at ang kapatid niyang si Pag Buaya. Niligawan ng sugo ang isang babaing kabit (concubine) ni Dai Lisan, ang hari. |
Ang parusang ipinataw ng mga Dapitan ay batay sa galit, hindi sa dunong, at sobra ang lupit - pinutol nila ang mga tenga (orejas, ears) at ilong (narizes, noses) ng sugo at ng kanyang mga alalay, bago pinabalik sa Terrenate. Nang nakita ng hari ang ginawa sa kanyang mga tauhan, sinumpa niyang lilipulin ang mga Dapitan. Pinasugod niya ang lahat ng kanyang mga dyong (bangkang pandagat ng mga taga-Java na ginaya sa lahat ng kapuluan, pati na ng mga Intsik; tinawag ding na joangas ng Español, at junks ng mga Amerkano). Sakay ang buong hukbo ng hari ng Terrenate sa 20 dyong. Kilala ng kanyang punong mandirigma ang lakas ng mga Dapitan kaya ginamitan niya ng utak. Isa-isa niyang pinapasok ang mga dyong, |
kunyari ay nakipag-kaibigan at nagka-kalakal lamang. Nang nakita ng mga Dapitan na naglalako lamang ang mga taga-Terrenate, inakala nila na walang balak sumalakay ng mga ito, at itinigil nila ang kanilang pagmanman.
Nang nakapasok na lahat ang 20 dyong, sabay-sabay nilang sinalakay ang mga Dapitan. Matapang sila subalit nadaig sa dami ng mga taga-Terrenate at sa mga bagong sandata ng mga ito - mga baril (muskets) at de-sabog (arquebuses) na nabili ng mga taga-Maluku mula sa mga Portuguese na nagkalakal ng spices (mga pampalasa sa ulam) sa Terrenate at mga karatig pulo. Maraming Dapitan ang sinalanta ng mga baril, isa na si Dai Lisan na napatay sa unang sagupaan. Sindak na umurong ang mga Dapitan. |
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas Susunod na kabanata |