ANG  PINAKA-MATAGAL  NA  AKLASAN: 1744 - 1829

Dagohoy, Ang Mapagpalaya Ng Bohol

Sa lahat ng mga indio, ang mga taga-Bohol ang pinaka-mabangis at pinaka-magiting...   --Pedro Murillo
Velarde
, SJ, Historia de la provincia de Philipinas de la compania de Jesus, Manila, 1747

Francisco Dagohoy baranggay ng Loon, Maribojoc at Loay. Ang naiwang campo ng mga Español ay iyong na lamang sa Inabanga, Tagbilaran at Jagna. Dahil dito, marami sa mga namundok ang bumalik nang tahimik. Pati si Dagohoy at si Sanote ay bumaba upang manahimik, subalit nagbalikan silang lahat sa gubat at paghihimagsik nang ipilit ng mga frayle na magtayo sila ng mga simbahan at convento at mamuhay sa ilalim ng mga Español. Mula nuong 1772, ipinagbawal ng mga pinuno ng himagsikan na sumuko ang mga tao, papatayin daw sinumang lumapit sa mga Español.

Hindi na matunton kung kailan ipinanganak si Dagohoy at lihim pa rin kung kailan siya namatay. Subalit nagpatuloy ang aklasan pagkamatay niya, sa pamumuno ng anak, si Handog, at ng kapatid, si Iwag. Hanggang nuong Mayo 1827, sa utos ni Mariano Ricafort, ang naging pang-21 governador (1825 - 1830) mula nang naghimagsik si Dagohoy, nagpadala ng mahigit 2,000 sundalo at taga-Cebu si Jose Lazaro Cairo, alcalde mejor ng Cebu, upang puksain ang aklasan. Ilang ulit silang nanalo sa sagupaan subalit nagpatuloy ang aklasan.

Nuong Abril ng sumunod na taon, nagpadala uli ng cañon at sundalo sa pamumuno ni Capitan Manuel Sanz. Mahigit isang taon naglabanan, at 395 naghihimagsik ang napatay, bago nagapi ang aklasan nuong Agosto 31, 1829. Ipinatapon ni Ricafort sa labas ng Pilipinas ang 98 pinuno ng himagsikan. Sa mga tauhan ng mga naghimagsik, mahigit 19,400 ang bumaba sa bundok at sumuko. Pilit silang pinamahay sa ilalim ng mga frayle sa mga baranggay ng Batuanan, Cabulao, Catigbian at Bilar.

TUMAGAL nang 85 taon ang pinaka-mahabang aklasan sa Pilipinas, nagsimula nuong 1744 dahil sa kabuktutan ng isang frayleng Jesuit, si Gaspar Morales, ang cura sa Inabanga. Inutusan niya ang isang pulis, si Sagarino Sendrijas, na dakpin ang isang taga-Bohol na umayaw sa kanyang pagka-catholico at lumayo sa simbahan. Subalit nagkaruon ng bakbakan sa pagdakip at si Sagarino ang napatay. Ang bangkay niya ay dinala ng kanyang kapatid, si Francisco ‘Dagohoy’ Sendrijas, upang mailibing sa cementerio ng simbahan sa Inabanga. Subalit si Morales mismo, ang frayleng nag-utos kay Sagarino, ang tumanggi na inilibing ang bangkay sa simbahan dahil, namatay sa isang duelo, na labag daw sa utos ng simbahan. Tatlong araw naiwang nabubulok ang bangkay nang hindi inililibing.

Naghimagsik si Dagohoy at isinumpang maghihiganti sa frayle. Katulong ang ibang pinuno, sina Ignacio Arañez, Pedro Bagio at Bernardo Sanote, nagtatag siya ng malayang pamahalaan sa bundok-bundok ng Inabanga at Talibon. Ito ang kauna-unahang pamahalaan ng Pilipino mula nang sakupin ni Miguel Lopez de Legazpi ang kapuluan nuong 1565. Mahigit 3,000 tagapulo (isleño, islanders) ang namundok at sumapi sa kanila, at hindi nagtagal, 9 baranggay na lamang ang naiwang nasa ilalim ng mga Español sa Bohol. Bohol

Winasak ng mga naghihimagsik ang katabing convento de San Xavier at tinangay ang mga vaca, kalabaw, kabayo at iba pang hayop na alaga ng mga frayleng Jesuit duon. Pinatay ng mga kakampi ni Dagohoy ang isang frayleng Jesuit, si Giuseppe Lamberti, taga-Italy na cura sa Jagna, nuong Enero 24, 1746. Pagkatapos, pinapatay ni Dagohoy si Fray Morales.

Umabot sa 20,000 ang mga sumapi sa kanya nang mabantog na siya ay may ‘galing’ at tinawag siyang Dagohoy, mula sa wikang ‘dagon sa hoyohoy’ - anting-anting sa hangin, nakakatalon sa kabilang bundok. Ilang ulit niyang ginapi ang mga sandalo ng Español. Naitaboy niya ang mga campo ng sundalo sa Loboc, Jagna, Talibon at Dauis na itinayo ng mga Español upang lupigin siya.

Pagkaraan ng 20 taon, pinaalis ang mga Jesuit mula sa Pilipinas at ang mga frayleng Recollect ang pumalit sa Bohol. Ang frayleng nalagay sa Baclayon ay si Pedro de Santa Barbara. Upang mapuksa ang aklasan, ilang ulit siyang nakipag-usap kina Dagohoy at iba pang pinuno. Humingi siya kay Jose Raon, ang governador nuong 1765-1770, ng kapatawaran (general amnesty) para sa lahat ng naghimagsik sa Bohol. Pinaalis din ni Fray Santa Barbara ang hukbo ng Español sa mga

Ang pinagkunan:
The Philippine Islands, 1493-1898, by Emma Helen Blair & James A. Robertson, 1903, Bank of the Philippine Islands commemorative CD, 1998

Ulitin mula sa itaas             Mag-email ng tanong at kuru-kuro             Tahanan ng mga Kasaysayan ng Pilipinas             Mga Aklasan ng Charismatic Pinoys