Sa CARAGA, 1629

Naghimagsik Si Mang Abu

Caraga

nasukol na Espanyol sa loob.

Lumigid ang mga frayle sa mga katutubo, hinikayat na itigil ang aklasan. Nang dumating ang mga sundalo mula sa Manila, kasama ang mga frayle na lumusob upang usigin ang mga nag-aklas. Hinayag na patatawarin ang mga nag-aklas na sumuko subalit bibitayin ang mga pinuno nila. Unang-una sa listahan ng pangalan ni Mang Abu. Walang tigil siyang ipinagtanggol ng mga anak at ng mga frayle na kaibigan niya hanggang pumayag ang mga Espanyol at pinatawad siya. Dahil dito, nagpabinyag si Mang Abu at naging catholico. Kinatakutan siya at iginalang sa buong lalawigan kaya ang kanyang binyag ay nakatulong, hindi lamang sa pagtigil ng aklasan kundi pati na rin sa pagiging catholico ng maraming Mandaya.

Pinarusahan nang buong lupit ang ibang pinuno ng aklasan nuong Septiembre 1629. Nuong sumunod na Mayo 1630, isa pang hukbong dagat ni Martin Larios, ang pinunong militar sa Pilipinas nuon, ang lumigid uli sa silangang baybayin (eastern coast) ng Mindanao upang puksain ang mga nag-aklas.

Napatahimik muli ang lalawigan ng Caraga, lalo na't nagtayo ng dagdag na kuta ang mga Espanyol, subalit umunti ang mga tao at hindi na muling lumawak ang Caraga sapagkat maraming Mandaya ang umalis upang makaiwas sa lupit ng mga Espanyol at dumayo sa kabilang panig ng tinatawag ngayong Davao, na nagsimulang sumikat at naging puntahan ng mga tao mula nuon.

HINARAP ni Mang Abu ang conquistador na Espanyol at sinita, Bakit mo binihag ang mga kanayon namin upang ipagbili bilang mga alipin?

Tanyag sa tapang si Mang Abu, kinilalang pinuno ng mga Mandaya (tinawag nuon na Tagabaloi) sa Caraga, malaking lalawigan nuong 1629, sakop ang lahat ng kasalukuyang Davao. Kaya kahit nag-iisang humarap sa capitan na may kasamang 20 sundalong Espanyol, walang nagsa-isip na tumulong sa kanya.

Itinuring na pangahas si Mang Abu at nagalit ang capitan, si Juan Bautista, kilalang sipsip at mapagsamantala, na bagong dayo mula sa Manila. Hinamak niya at pinagmumura ang indio (tawag ng mga Espanyol sa mga katutubo) at, nang hindi nakuha sa sigaw ang matapang na Mang Abu, binayo niya at itinulak. Natumba at humandusay sa lupa si Mang Abu. Sinipa siya ilang ulit ni Bautista. Ang ibang sundalong Espanyol at sumipa rin, bago umalis ang pangkat, hila-hila ang mga Mandaya na dinukot nila sa iba’t ibang baranggay sa paligid ng Caraga upang ipagbili sa mga mang-aalipin (slave traders).

Sipsip sa governador.
Malakas ang loob ni Bautista dahil ‘malakas’ siya kay Juan Nino de Tabora, ang governador ng Pilipinas nuong 1629. Pinakasalan kasi ni Bautista ang babaing alila ni Tabora sa hindi inulat na dahilan. Bilang gantimpala, hinirang siya ng governador na pinuno ng kuta (fuerza, fort) ng Espanyol sa Caraga. Hindi nagtagal pagkarating, lumabas ng kuta si Bautista, kasama ang 20 sundalo niya, upang ‘maghanap-buhay.’

Sumunggab sila ng mga ipagbibiling mga alipin sa paligid. Wala silang karapatang gawin iyon, ulat ng isang frayleng Recollect na namamahala duon nuon. Hindi naman Muslim ang mga Tagabaloy at wala silang ginawang masama sa mga Espanyol. Tahimik na namumuhay daw ang mga Mandaya duon, dukha ngunit pantay-pantay at iginagalang ang lahat.

Sugatan at duguan, tumayo si Mang Abu pagkaalis ng mga Espanyol at nilapitan ang mga nakasaksing mga Mandaya. Bakit wala kayong ginawa? Hindi ba kayo nahiya, pinabayaan ninyo akong saktan ng mga dayuhan, gayung marami kayo kaysa kanila? Bakit hindi ninyo pigilin ang pag-alipin sa mga kasama natin?

Dala ang mga itak, hinabol ng mga Mandaya

ang pangkat ng Espanyol at pinatay lahat, si Bautista, ang 20 sundalo, at si Jacinto Cor, ang frayleng kasama nila, ay pinatay at pinakawalan ang mga bihag na gagawing alipin. Iniwan nila ang mga bangkay at pagbalik kay Mang Abu, sinabi sa kanila nito na gagantihan silang lahat ng mga Espanyol. Kaya kailangang patayin na natin silang lahat!

Mula Basuag Hanggang Caraga.
Karipas sa buong paligid ang mga Mandaya at hinikayat ang mga katutubo na puksain ang mga palalong Espanyol. Mabilis na lumawak ang aklasan. Pinatay nila lahat ng Espanyol na makita, kabilang ang 4 frayleng Recollect. Isa si Juan de Santo Tomas, ang frayle sa Tandang (Tandag ang tawag ngayon), na nagmakaawa at nang ayaw patawarin ng mga nag-aklas, ay lumuhod upang magdasal. Tinusok siya ng sibat, tagos sa katawan. May 2 matimtimang kapatid (lay brothers) na Recollect silang sinibat subalit hindi namatay at, pagkaraan ng panahon, natubos ng mga frayle.

Lumusob ang ibang Mandaya sa kuta ng mga Espanyol, subalit nabalitaan na ng mga ito ang aklasan at naipinid nila ang mga pintuan at naghanda ng tanggulan. Nabigo ang salakay ng mga kampon ni Mang Abu at ipinasiya nilang kulungin na lamang ang mga nasa kuta hanggang mamatay sa gutom.

Gimbal at sindak, nagpulong ang mga pinunong Espanyol sa kanilang kuta (fuerza, fort) sa Tandag, na naliligid ng daan-daang bangka ng mga Mandaya upang walang makapasok na tulong o pagkain. Wala tayong sapat na lakas upang gapiin sila!

Mga Cebuano ang kumalaban.
Nagkaisa ang mga pinuno at pinapuslit nila si Fray Jacinto de San Fulgencio upang humingi ng tulong sa Cebu. Pagkarinig ng ulat ng frayle, agad nagpasabi sa Manila ang governador (alcalde mayor ang tawag nuon) ng Cebu. Tapos, bumuo siya ng hukbong dagat (armada, fleet) upang tulungan ang mga napipilan sa Tandag hanggang makarating ang saklolo mula sa Manila. Ang piniling pinuno ay si Capitan Juan de Chaves, ang encomendero ng Caraga subalit sa Cebu nakatira. Sumama pabalik sa Tandag si Fulgencio, ang frayle.

Dumaan ang hukbong dagat sa Basuag, isang malaki at mayamang baranggay nuon sa gilid ng dagat Pacific. Natuklasan nila duon ang nabubulok na bangkay ng mga Espanyol na pinatay at iniwan ng mga nag-aklas. Inilibing nina Fulgencio ang mga bangkay bago sila nagtuloy sa Tandag. Naitaboy nila ang mga bangka ng mga nag-aklas at napalaya ang mga

Ang pinagkunan:
The Philippine Islands, 1493-1898, by Emma Helen Blair & James A. Robertson, 1903, Bank of the Philippine Islands commemorative CD, 1998

Ulitin mula sa itaas             Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas             Balik sa Mga Aklasan Ng Charismatic Pinoy