3 Araw Na Kumpilan
NUONG TAON ng 1602 lamang, 400 tao ang nabinyagan sa Bohol, kaya masugid ang pagsalubong ng mga tagaruon nang dumalaw ang obispo ng Cebu nuong bago magmahal na araw (Lent). Nagsama-sama ang mga binyagan mula sa 8 baranggay at nang tanungin sa sermon ng obispo kung nais nilang magpakumpil (confirmation), lumuhod silang lahat at nagpugay. Inabot nang bandang 20 araw ang pagkumpil sa 3,000 indio. Dinalaw din ang mga maysakit, tinubos ang mga alipin, at binigyan ng mga damit ang mga dukha. Tuwang-tuwa ang obispo sa taimtim ng pagsamba ng mga taga-Bohol. Sa bawat baranggay, 200 mga bata ang nagtipon araw- |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles Relacion de las Islas Filipinas
Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
|
|
araw upang mag-aral at magpugay sa Dios at sila ang nagturo sa kanilang mga magulang ng pagiging catholico. Ayon sa liham ni Gabriel Sanchez, ang frayleng Jesuit sa Bohol, 2 baranggay ng mga tagabundok (Tinguianes, Tinggian ang tawag ngayon) ang lumuwas at humiling sa kanya na susukob na sila sa mga nayon ng mga binyagan sa tabi ng dagat. May dala daw 40 bata na pinabinyagan nila. Marami pa ang humihiling na mabinyagan, gaya |
ng Siquijor, tinawag ng mga Espanyol na pulo ng mga apoy (Isla de Fuegos, Island of Fires) na kalahating araw na layag ang layo, subalit ayaw ng mga Jesuit hanggang wala silang frayle na mailalagay duon, dahil kulang na kulang ang mga frayle duon. Isang binatang hindi binyagan ang dumalaw duon mula sa ibang baranggay at nakipagbiruan sa mga kaibigan na binyagan. Isang batang lalaki ang nagtanong sa kanya, ‘Paano ka nagsasaya dito, e hindi ka pa nabibinyagan?’ |
|
Ang pinagkunan: Relacion de las Islas Filipinas, ni
Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan Sunod na kabanata |