Mga Naganap Sa
Taytay Nuong 1602

MARUNONG mag-Tagalog ang mga Jesuit na ipinadala sa mga convento sa San Juan del Monte (halos 5 kilometro mula Intramuros), sa Antipolo at sa Taitai (Taytay). May 400 katao sa San Juan, at malapit dito ang mga nayon ng Dalig (Taguig?) at Angono.

(Maaaring nakalimot si Chirino, nasa Roma na siya nang isulat itong salaysay nuong 1604. Baka naman, dahil sa bangka ang lakbayan nuon at mahinay ang daloy ng ilog Pasig, masasabing malapit ang San Juan sa Angono. Dapat ding isaisip na ang mga baranggay ay nasa tabing ilog dahil wala pang mga lansangan nuon, at hindi nasa tabi ng lansangan gaya ngayon. Kaya ang Taytay nuon ay malayo sa kasalukuyang kinatatayuan.)

May 700 bahay sa Antipolo, kinabibilangan ng 2 baranggay ng Santa Cruz at Maihai. Bagong tayo ang reduccion (resettlement) ng Santiago

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

nuon at 400 pa lamang ang tao. May mga baranggay sa paligid nito, kabilang ang 2 na tinatahanan ng mga itim o Ita.

Nuong mahal na araw (Lent) ng 1602, nag-procesion sa mga puok na ito ang mga nagpi-penitencia (procesion de sangre, procession of blood), naghahataw sa sariling likod habang naglalakad.

Isang umaga, nanawagan sa frayle ang isang buntis na naghihingalo na, hindi mailuwal ang patay na sanggol. Nais niyang mangumpisal bago mamatay. Ang frayle, si Pedro de Segura, ay hanga kay Ignaciong Banal (Blessed Ignatius, halos 50 taon pa bago natanghal na

santo si Ignatius de Loyola), ang patron pintakasi ng mga Jesuit.

Ipinakuha at ipinasunod niya ang larawan ng santo sa bahay ng buntis na, ayon sa hilot (comadrona, midwife), ay nasa panganib dahil tabingi ang sanggol at hindi mailaglag mula sa sinapupunan. Pinagkumpisal ni Segura at, pagdating ng larawan ni San Ignacio, inilagay niya sa harap ng buntis. Humihiyaw sa langit ang babae nang umalis ang frayle.

Ipinatawag uli si Segura, at inamo niya muli ang nagdurusang buntis. Pababa na siya sa bahay nang biglang naisilang ang patay na sanggol, at nasagip ang ina.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata