Mga Awit Waray-waray HALOS 5 TAON pa lamang ang simbahan sa Carigara subalit bantog na at laging puno ng tao tuwing may misa dahil sa husay ng koro (choir) na umaawit hindi lamang ng mga canta ng catholico kundi pati ng mga awit na kinatha nila sa wikang Bisaya, sinasaliwan pa kung minsan ng organo, at kung minsan, ng mga katutubong gamit sa tugtugan. Nakatulong ito sa pagiging matimtiman ng mga tao, lalo na ng mga babae, ayon sa sulat ni Francisco de Enzinas, isang frayleng Jesuit. ‘Naging dalisay’ na raw ang mga babaing dati-rati ay lagi nang nililigawan, binabayaran o hinahandugan (ng mga sundalo at iba pang Espanyol) upang sumiping sa kanila. Nabalitaan din daw niya na may mga babae na |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles Relacion de las Islas Filipinas
Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
|
|
nagtatago sa bukid tuwing pagdating ng mga lalakingpangahas. Inalok daw ng isang Espanyol ang batang lalaki, katulong sa simbahan ng frayle, na bibigyan siya ng regalo (gift) kung hahanap siya ng isang babae na makakasiping ng Espanyol. Nang tumanggi ang bata, sinabi ng Espanyol na hindi naman malalaman ng frayle. ‘Pero hindi ba malalaman ng Dios kahit hindi alam ng padre?’ sagot ng bata. |
Napahiya ang Espanyol at tumigil na lamang. Nuong mahal na araw (Lent), hinalibas ng bagyo si Enzinas habang namamangka papuntang Leyte kaya napilitan silang maglakad na lamang. Sinadya ng Dios, sabi niya, sapagkat nagdaan sila sa isang bukid na may dukhang kubo. Pag-akyat ng frayle, nasilip niya sa loob na maysakit ang isang matandang babae at malapit nang mamatay. Tinuruan niya ang matanda tungkol sa catholico at bininyagan. Namatay ang babae kinabukasan. |
|
Ang pinagkunan: Relacion de las Islas Filipinas, ni
Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan Sunod na kabanata |