Pagtakas At Digmaan KAHIT MINSAN hindi nagkaroon ang mga Pilipino ng anumang pamahalaan na sinakop o pinagharian ng isang tao. Sa lahat ng pulo, naghari ang gulo dahil sa dami ng mga pinuno na ayaw pasailalim sa ibang pinuno ng mga karatig na puok. Hiwa-hiwalay at kanya-kanya sila kaya panay ang digmaan at tambangan, nakawan, patayan at pagbihag sa mga gagawin o ipagbibiling alipin. Bihira, kung nangyari man kahit minsan, na nagkasundo at nagkampihan ang mga baranggay laban sa kanilang kaaway. Higit na bihira ang may naghari sa malalaking nayon tulad ng Sebu, Manila, Cainta at iba pa. Ang mga may pagkataong makatakas sa gulo ay nagpuntahan sa mga bundok at duon namuhay nang tahimik. Marami ang nagsarili |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles Relacion de las Islas Filipinas
Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
|
|
nang ganito, nagtayo ng bahay at nagsaka na lamang sa tabi-tabi, kaya sa maraming puok, kahit na ngayon, maaaring maglakbay ng maraming kilometro na laging may nakikitang pailan-ilang kubo sa gitna ng mga bukirin na ilang at mahirap puntahan. Ganito ang lagay ng mga pulo, lalo na sa Leyte. Nagkalat ang unti-unting bahay sa mga bundok, gubat at mga bangin. Ang unang inatupag ni Cosme de Flores, frayleng Jesuit, pagkarating sa baranggay ng Alangalang ay tipunin ang mga bahay-bahay sa mga nayon. Malaki ang natupad niya - nuong |
1601, nakapagtatag siya ng 2 nayon, may 300 bahay ang bawat isa, at umabot ng 500 bahay ang nailagay sa pang-3 nayon. Lahat-lahat, mahigit 4,500 tao ang napagsama-sama niya, at mahigit 100 ang nabinyagan nuong taon na iyon. Nuong araw ng pagkabuhay (Easter Sunday), nagtipon ang lahat ng nayon duon at nagdiwang, nagkainan at nagsayawan. Giliw naming lahat, walang naglasing o uminom ng kahit anong alak - bagay na dating gawi ng mga tagarito tuwing may kasayahan. |
|
Ang pinagkunan: Relacion de las Islas Filipinas, ni
Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan Sunod na kabanata |