Minulto Sa Cebu, Ang
Bisa Ng Banal Na Tubig

BININYAGAN ang isang indio mula sa Maluku, alipin ng isang Espanyol, subalit ilang taon na siyang tumigil magsimba at magkumpisal, kahit na utusan ng kanyang amo. Minsan, nilagnat siya at pagkaraan ng mga 4 araw, hindi na siya nakapagsalita, nakainom o nakakain, hanggang mawalan siya ng malay-tao at mukhang mamamatay na. Ipinatawag ang frayle at pinahiran siya nito sa mukha ng banal na tubig (holy water).

Pumatak ang tubig sa kanyang bibig at sinipsip

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

niya. Pinainom siya ng banal na tubig at natauhan siya at nakapagsalita. Ang nangyari daw sa kanya ay parang may sumasakal sa kanya at lumuwag lamang ang lalamunan niya nang matikman niya ang banal na tubig. Gumaling ang indio at lagi nang nagsimba at nagkumpisal mula nuon.

Isa pang indio ang dinalaw ng mga itim na multo tuwing naiiwan siyang nag-iisa. Nang hindi na siya makatagal sa sindak, nakiusap siya sa mga kaibigan na sunduin ang frayle.

Pagdating nito, nagkumpisal siya at, mula nuon, hindi na siya minulto.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata