Lindol At Salot,
‘Parusa Ng Mga Anyito’

ISANG MALAKING lindol ang sumira sa Manila nuong katapusan ng Junio, 1599. Maraming gusali at bahay ang nawasak, pati na ang simbahan ng Santo Domingo at ang simbahan ng mga Jesuit. Libu-libong indio ang tumulong na maitayo uli ang mga simbahan.

Sumunod ang isang salot at libu-libong indio ang nagkasakit at namatay. Araw-araw, marami ang binitbit sa simbahan upang mabigyan ng huling pagpala (extremauncion).

Nuon naglitawan uli ang mga catalonan, ang

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

mga matandang babaing pari ng lumang pagsamba sa mga anyito. Parusa daw lahat ng ito dahil naging catholico ang mga tao.

Upang labanan, pinili ang pinakamahusay, si Fray Diego Sanchez, upang mag-sermon sa mga indio at itakwil ang mga catalonan. Pinabantayan din sa naitatag na samahan ng

mga matimtiman (confraternity) ang bangkay ng mga namatay hanggang sa mailibing upang masawata ang anumang tangka na mag-alay sa mga anyito, ayon sa lumang pagluluksa.

Nuong taon na iyon, mas malaki kaysa karaniwan ang naging bahagi ng mga frayle sa ani ng palay ng mga indio.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata