Paranas Sa Samar Sikat
Sa Pagka-catholico

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

NAGING sikat si Gonzalo, ang nabingyagan pinuno ng Paranas (Wright ang pangalan ngayon, sa silangan ng Catbalogan). Siya ang namuno sa mga nag-aaral maging catholico sa simbahan at convento ng mga frayleng Jesuit sa Tinagon (Tinaguan, sa pulo ng Buad).

Ang ginawa ng Jesuit duon ay pinulong ang mga nag-aaral maging catholico at, sa halip na mag-sermon, pinatalakay ang bawat paksa na dapat malaman bago mabinyagan. Mabisa ito at isang araw linggo-linggo, nagpulong ang mga bata at matanda, Espanyol at indio sa simbahan o bahay ng pinuno ng baranggay.

Ang Paranas ay isang maliit na baranggay ng ilang familia ng mga mangingisda subalit naging bantog sila dahil sa husay ni Gonzalo sa ganitong paraan ng pagtuturo sa pagka-catholico.

Siya ang hinayag ng frayle na mamahala sa pulong at pagtatalakay tuwing wala ang frayle - madalas mangyari sa pagligid-ligid nito sa bara-baranggay na sakop ng mision sa Tinaguan.

Maraming tagabundok na nagkalat sa pali-paligid ang dumayo sa Tinaguan upang mag-aral ng catholico.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata

‘si’