Ketong Napagaling
Sa Dulag, Leyte

MAHIGIT 100 tao ang nabinyagan sa Dulag, Leyte mula nuong Junio 1598 hanggang Enero 1599. Nabinyagan din ang mga maysakit na, sa awa ng Dios, ay maunti lamang nuong taon na iyon. Ang iba sa mga maysakit, mga bata at matanda, ay pinagpala at gumaling matapos mabinyagan.

May ilan-ilan, balot na ng ketong ang katawan at wala nang pag-asang mabuhay subalit gumaling at lumakas, nakakapagbukid pa ngayon bagaman at may kapansanan at peklatin dahil sa dating sakit.

Nais kong ilahad ang cuento ng mag-asawang hindi binyagan. Nuong nagkasakit nang

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

malubha ang lalaki, ipinatawag ng babae ang frayle. Tinulungan ng babae and asawa na sumagot sa mga tanong ng frayle upang mabinyagan ang lalaki. Tapos, nagpabinyag din ang babae dahil ayaw daw niyang mahiwalay sa kanyang asawa sa ‘kabilang buhay.’

Sabi ng babae, binyagan na ang asawa niya at sa langit mapupunta pagkamatay, samantalang masasadlak siya sa infierno kung hindi siya

binyagan. Pagkabinyag, ikinasal pa sila ng frayle ayon sa simbahan upang maging catholico ang kanilang pag-aasawa.

Isang gabi, napadaan ang frayle sa isang baranggay patungo sa kabilang baranggay. Sinalubong siya ng isang indio, sinabing malubha ang sakit ng isang bata na anak ng mag-asawang hindi binyagan. Umakyat sa bahay ang frayle at bininyagan ang bata na, pagkaalis ng frayle, ay namatay.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata