Ayaw Na Sa ‘Baliana’
Sa Palo, Leyte

UPANG maparami ang mga catholico sa Palo, Leyte, tumulong ang frayle sa mga tagaruon na magtayo ng mga matibay na bahay. Tinuruan at bininyagan din niya ang mga bata at ang mga ito ang masugid na nagpalawak sa mga magulang ng pagsimba.

Sa isa pang paraang pairal ng frayle, gabi-gabi, pinaligid niya sa buong baranggay ang isang indio, nagpapatunog ng kulingling (campanilla, small bell) habang sumisigaw sa mga tao na maghanda sa kamatayan, magdasal at magkumpisal. Mabisa ito at marami ang nagka-ugali na magdasal, magkumpisal at

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

maglagi sa simbahan.

Minsan, nagkasakit ang ina ng 2 bata na bagong binyag. Pinagbitbit sila ng 3 manok upang magpanawagan sa isang baliana, matandang babae na pari sa lumang pagsamba sa mga anyito.

‘Bakit tayo pupunta sa baliana, e catholico

tayo,’ sabi ng isang bata sa kapatid. ‘Kahit hindi alam ng frayle, makikita ng Dios ang kasalanan natin.’

Umuwi na lamang ang 2 bata, pinakawalan ang mga manok at, kinabukasan, nagkumpisal sa simbahan. Unti-unting napawi sa ganitong paraan ang pagsamba sa mga diwata at mga anyito sa pamamagitan ng mga baliana.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata