Pautang, Patubuan At
MAY MASASAMANG UGALI na pinairal ng mga tao dito na nagwaglit sa kanilang kusang loob na tulungan ang may kailangan, o magbigay nang walang hangad na tubo, kita o kapalit (caridad, charity). Laging may dalang timbangan ang bawat tao, pangsukat ng ginto na karaniwang ginagamit na salapi dito. Ginto rin ang madalas hiramin o ipautang, bagaman at ginagamit din ang bigas, mga kulingling (campanilla, small bells) o mga kalembang (campana, bells). Tuwing nagpautang sila, pinapatungan nila ng tubo ang bayad sa utang ng humiram. Hindi lamang patubuan ang katapusan ng paglabag nila sa utos ng Dios, ang tubo mismo ay lumalago kapag hindi nabayaran sa panahong napagkasunduan. Tuwing hindi nakabayad sa oras, lumalaki ang patong |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles Relacion de las Islas Filipinas
Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
|
|
hanggang mas malaki pa ang utang kaysa halaga ng lahat ng pag-aari ng umutang. Kung gayon, ang umutang mismo ang nagiging bayad sa utang. Nagiging alipin ang tao, at mula nuon, alipin na rin pati ang mga anak niya. May isang pang uri ng patubuan (usury) - nagpapa-alipin ang tao o ang anak niya bilang bayad sa utang, pati na ang patong at lumalagong tubo. Nangyayari na hanggang kaapo-apuhan, alipin pa rin dahil hindi na mabayaran ang lagi ng patubo. Nag-alipin din sila mula sa kalupitan, bilang ganti o parusa sa mga kasalanang maliit |
lamang subalit pinalalaki nila. Halimbawa, ang mag-ingay kapag may lamay para sa patay, o magdaan kapag naliligo ang isang maharlika, at iba pang bahagyang kagagawan. Bumibihag din sila ng mga gagawing alipin sa pagtambang o pagsalakay, kung sinuman ang hindi napatay sa labanan o naisipang huwag patayin. Naging napaka-karaniwan ang mga kalupitang ito, at ang pagmalabis ng mayaman sa mga mahirap, na madaling naparami ang bilang ng mga alipin. Kaya naging danak ang may mga alipin, at kahit hanggang ngayon, padamihan ng alipin, na itinuturing nilang pinakamalaking kayamanan. |
|
Ang pinagkunan: Relacion de las Islas Filipinas, ni
Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan Sunod na kabanata |