Ayaw Pabinyag, Namatay MULA sa Manila, nagtungo si Tomas de Montoya, frayleng Jesuit, sa Alangalang. Ibinalita niya na pinarusahan ng Dios ang mga tagaruon na ayaw magpabinyag. Isang bagong silang na sanggol ang inilibing nang buhay ng kanyang ina sa tabi ng ilog. Nakita ito ng isang bagong binyagan na nagsumbong sa simbahan. Sagsag si Montoya at naabutan niyang buhay pa ang sanggol subalit namatay agad pagkatapos niyang binyagan. Isang maharlika duon ang matibay na ayaw magpabinyag habang binata pa siya. Nalason siya, nalagas ang kanyang katawan at namatay. Isa pang lalaki duon, masakitin, ang humiling na mabinyagan dahil malubha ang sakit niya. Ipinatawag siya ni Montoya subalit gumaling ang sakit at hindi sumipot ang lalaki. Namatay siya nang dumalaw siya sa karatig na pulo. Minsan, isang pangkat ng mga bata at sanggol ang bininyagan sa simbahan. Naliban ang isa na ayaw pabinyagan ng ina. Isang gabi, namatay ang ina. |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles Relacion de las Islas Filipinas
Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
|
|
Ang pinakagimbal ay ang pagkamatay ng 2 pinuno sa Alangalang. LUBHANG malupit ang isa sa mga pinuno na may 6 asawa. Tuwing lalakad, pinauuna niya ang mga alipin upang putulin ang lahat ng halaman at sanga-sanga upang makadaan siya nang hindi yumuyuko. Pinapatay niya duon din ang alipin na magkamali sa pagputol. Minsang nagkasakit siya, pinuntahan siya ni Montoya upang gawing catholico subalit tumanggi siya. ‘Habang malakas pa ako, huwag mo akong abalahin,’ sagot niya kay Montoya. ‘Kapag mamamatay na ako saka kita ipasusundo.’ Dalawang araw pagkaalis ng frayle, namatay ang pinuno. Tumanggi ring maging catholico si Umbas, isang kilalang pinuno sa pulo ng Leyte dahil |
ayaw niyang hiwalayan ang isa sa 2 asawa niya. Ayaw daw niyang mawalay sa mga anak niya sa 2 babae na mahal na mahal niya, lalo na ang mga lalaki. Subalit ang mga anak niyang lalaki ay nahikayat ng frayle humiwalay sa kanilang mga asawa maliban sa isa, ang unang pinakasalan. Nuong nalaman ito ni Umbas, nagbago maniwari ang kanyang kalooban at pumayag nang hiwalan ang isa sa 2 asawa niya. Subalit ipinilit niyang pagkatapos na ng ani niya gagawin. ‘Sama-sama kaming nagtanim,’ sabi ni Umbas tungkol sa 2 asawa niya, ‘kaya dapat namang sama-sama rin kaming magtamasa sa ani.’ Subalit bago siya natapos mag-ani, sinaksak siya ng isang taga-baranggay na nakaaway niya. Patay siya nang bumagsak sa lupa. |
|
Ang pinagkunan: Relacion de las Islas Filipinas, ni
Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan Sunod na kabanata |