Sa Antipolo At
NAGING napakalawak ang pagsambang catholico nuong mga taon ng 1597-1598 dahil sa pagluwas ng mga taga-bundok at mga taga-gubat. Lubusang nasakop (ng mga frayle) ang 2 baranggay sa tabi ng Antipolo. Nabinyagan din ang mahigit 100 taga-bundok na dumating kasama ang kanilang mga familia. Pinamunuan sila ng 3 catalonan na nagkumpisal at nangako na hindi sila uli sasamba sa mga anyito. Hiningi nila ang kasulatan ng kanilang sumpa upang, sa mga darating na araw, wala sinumang umusig sa kanila sa dati nilang pagiging mga catalonan. Nagtayo ang mga Jesuit sa 2 baranggay ng samahan ng mga matimtiman (confraternity) upang labanan ang paglalasing ng mga indio at pagsamba nila sa mga anyito. Panguna sa samahan ang familia ng mga pinuno at mga |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles Relacion de las Islas Filipinas
Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
|
|
tanyag sa baranggay. Dinalaw nila lahat ng maysakit at ng mga malapit nang mamatay upang tulungan at sawayin ang panaghoy at panalangin sa mga anyito na dati nilang gawi. Nag-procesion ang mga kasapi nang itatag ang samahan kaya naging tanghal sila at sumapi ang mga tao upang kilalanin din silang mga mabuting catholico. Nag-procesion uli ang samahan nang dapuan ang Antipolo ng salot ng mga tipaklong (locusts). Nanawagan sila sa Mahal na Virjen Maria at nangakong ipagdiriwang nila taon-taon ang fiesta ng kanyang sapupunan dalisay (Immaculate Concepcion) at mag-aabuloy sila |
para sa kasal ng mga dukha at ng mga naulilang bata. Nagkabisa ang kanilang panata sapagkat naligtas ang kanilang mga palayan sa salot at mayaman ang kanilang ani nuong taon na iyon. Ngayon, sa Antipolo, lahat ng dating panawagan sa mga catalonan at mga anyito ay sa simbahan ginaganap. Araw-araw, nagsisimba ang mga maysakit at mga matanda at malapit nang mamatay upang makinig sa misa at tumanggap ng basbas (bendicion, blessing) pagkatapos. Dinadala rin sa simbahan upang mabasbasan ang mga palay at usbong na itatanim nila. Bilang kapalit, inaalay nila sa mga frayle ang unang bahagi ng kanilang ani. |
|
Ang pinagkunan: Relacion de las Islas Filipinas, ni
Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan Sunod na kabanata |