Pinuno Sa Ormoc, Leyte
Nawalan Ng 2 Asawa

MAGILIW ang mga tao sa Ogmuc (Ormoc) at magana nilang tinanggap ang 2 frayleng Jesuit, si Fray Alonso Rodriguez at isang katulong (brother) sa kanilang nayon sa tabi ng dagat.

Ang Ormoc ay nasa kabilang panig ng pulo ng Leite (Leyte) mula sa Carigara na nasa hilagang dalampasigan. Mainam ang puok ng Ormoc at sa dagat patimog mula rito, may 3 maliliit na pulo na tinatawag na Pulo (Camotes islands ang tawag ngayon).

Marunong ang mga bata at madaling natuto ng pagka-catholico. Nuong minsang may misa, nagpilit magpabinyag ang isang batang lalaki, 4 taon lamang ang gulang. Naamuki niya ang kanyang ama bagaman at matumal, at nagpabinyag ang buong familia.

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

Isa pang batang lalaki ang nayayang kumain ng mga tagaruon. Naisubo na ng bata ang ulam na carne nang maalaala niyang Viernes pala at bawal kumain ng carne. Idinura ng bata ang pagkain at tumakbo sa simbahan upang magkumpisal. Pinatawad siya ng frayle.

ISANG pinuno duon ang may 3 asawa, at ayaw magpabinyag dahil maharlika rin ang mga asawa niya, ay malaking kayamanan ang ibabalik niyang bigay-kaya (dote, dowry) kung hihiwalayan niya ang 2, gaya ng itinuro ng frayle. Ang ginawa ni Rodriguez, kinausap ang

pinakagiliw na asawang babae at pumayag naman itong magpabinyag, kasabay ng malaking pagdiriwang, - kainan, sayawan at awitan. Nang makita lahat ng ito ng asawang lalaki, nahikayat na rin, hiniwalayan ang 2 ibang asawa, binayaran ang kanilang mga bigay-kaya, at nagpabinyag na rin.

Bago ituloy ang mga salaysay ng mga naganap sa Leyte, angkop na turan ko ang mga ugali ng mga tao rito ng pag-aasawa at paghihiwalay, upang higit na maunawaan ang mga susunod kong isusulat.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata