Mga Taga-Palo, Leyte ANG PALO ay nasa pagitan ay nasa pagitan ng Carigara at ng Dulag, sa tabi ng isang magandang ilog bandang 3 kilometro mula sa tabi ng dagat. Maraming mga barangay duon at butihin ang mga tao, magiliw nakipag-usap nang dalawin nuong 1595 ni Fray Antonio Pereira. Marami silang nais matutuhan tungkol sa pagiging catholico subalit isang taon ang nagdaan bago nakabalik duon si Fray Mateo Sanchez, kasama ang isang katulong (brother), upang magpalawak ng pagsamba, simula nuong Septiembre 1596. Kabaligtaran, walang sumalubong sa kanila, ni walang nakipag-usap. Natuklasan nilang tumakas ang mga tao sa gubat sa looban. Ang ilan-ilang naiwan ay ayaw humarap sa mga Jesuit kaya walang nagawa ang dalawa kundi magdasal sa Dios at maghintay ng kung ano man ang mangyayari. |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles Relacion de las Islas Filipinas
Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
|
|
Hindi naman nagtagal, dumating ang mga taga-baranggay na nagtago sa gubat. Nagtampo lamang pala, bihira daw kasi silang puntahan ng mga frayle. Mula nuon, tuwing dalawin sila ng mga Jesuit, ayaw nilang paalisin agad, lagi raw nagmamadali. Marami sa kanila ang nag-aral ng mga dasal, nagpabinyag at naging matimtimang catholico mula nuon. Minsan, nagdaan ang isang bagong catholico sa bahay na mayroong catalonan na nagpupugay sa mga anyito. ‘Huwag n’yong papasukin!’ utos ng catalonan, ‘Takot ako sa mga catholico!’ Minsan naman, isang matandang babaing maysakit ang gumaling matapos bitbitin ng mga |
kamag-anak sa simbahan at pinaligiran ng mga larawan at estatwa ng mga santo. Isa pang matandang babae, malapit nang mamatay sa tanda, ang tumangging magpabinyag kahit anong amuki ang gawin ng lahat, pati ng frayle. Isang batang lalaki na kasama ng frayle ang lumapit sa matanda, at isinalaysay ang mga parusa na naghihintay sa infierno sa mga namatay nang hindi nabibinyagan. ‘Alam n’yo po ba ang mga ito?’ tanong ng bata. ‘Oo,’ sagot ng matanda, ‘mula sa bibig ng Maykapal, naniniwala na ako.’ Nagpabinyag din ang matanda at namatay siyang isang catholico. |
|
Ang pinagkunan: Relacion de las Islas Filipinas, ni
Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan Sunod na kabanata |