Tumakas, Nagpabinyag
Sa Carigara, Leyte

MARAMING kaiga-igaya ang naganap sa Carigara, subalit 2 lamang ang aking ilalahad sa mga karanasan namin. Ang isa ang tungkol sa isang batang lalaki, 5 taon lamang ang gulang, na tumakas mula sa kanyang barangay upang magpabinyag sa aming simbahan sa Carigara. Kasunod ang kanyang mga magulang, humahabol upang pigilan ang bata at iuwi siya nang sapilitan. Hinadlangan sila ng frayle, kaya humingi ng tulong ang 2 magulang sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan.

Pinagtulungan nila ang bata at ang frayle, dinaan sa banta at panakot, subalit hindi nasaway ang bata na nais daw niyang maging anak ng Dios sa halip na alipin ng demonio. Katulong ang frayle, nangatwiran ang bata at

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

nahikayat pa niya ang ilan tao na humahadlang sana na ipagtanggol ang karapatan niyang magpabinyag. Sa madaling sabi, natuloy ang binyagan at, kasama ang mga magulang, umuwi sa wakas ang bata na isang catholico.

Sa isa pang pangyayari, tumanggi magpabinyag ang isang babaing maharlika sa Carigara, kahit na anong pilit ang gawin ng frayle. Ayaw niya kasi ang utos ng catholico na panghabang-buhay ang pag-aasawa at hindi maaaring humiwalay sa kabiyak. Hindi niya matanggap

na hindi niya maaaring iwanan ang lalaki, gaya ng dating gawi ng mga katutubo, kung sakaling nasungitan na siya sa asawa.

Niyaya ang babae ng kanyang kapatid na lalaki na nais magpabinyag, na samahan lamang siya sa simbahan. Matapos binyagan ang kapatid, siya naman sana ang bibinyagan ngunit muling tumalilis ang babae. Kinabukasan, bumalik ang babae, humingi ng tawad, naguluhan lamang daw siya, at pumayag na ring magpabinyag. At isa na siyang catholico ngayon.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata