Ang Pulo Ng Leyte ABOT SA 480 kilometro ang sukat paikot sa pulo ng Leite (Leyte). Ang haba nito, dahil makitid ang pulo, ay kulang-kulang 200 kilometro, hati halos sa gitna ng malaking bunduk-bundok na tinawag na Carigara. Dahil sa bunduking ito, magkaiba ang panahon sa magkabilang panig ng pulo. Kapag tag-ulan sa hilagang bahagi ng Leyte, sa kabila, ang timog na bahagi, ay tag-araw naman. Sa kalagitnaan ng taon, nagpapalit ang panahon sa magkabilang panig. Kaya kapag nagsasaka sa isang bahagi ng Leyte, nag-aani naman sa kabila. Kaya laging 2 ang ani nila taon-taon, minsan sa hilaga, susunod sa timog. At kapwa mayaman ang ani. Maraming mas maliit na pulo sa paligid ng Leyte, bagaman at malaki rin naman ang iba. Walang tao sa lubhang maliliit na pulo. Puno ng isda ang dagat at mga ilog sa pulo-pulo, may mga vaca (cattle) mula sa China, at maraming mga manok, usa, baboy at mga baboy-damo. Sagana sa mga tanim, mga gulay at mga bungang kahoy, at sari-saring camote, |
PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles Relacion de las Islas Filipinas
Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
|
|
gabi at ube. Maraming tao ang nakatira sa mga bara-baranggay na hindi nagkakalayo mula sa isa’t isa. At ang bawat baranggay ay nasa tabi ng mainam na ilog at pina-paligiran ng mga puno ng niyog. Ang mga niyog, at iba pang mga punong kahoy na tumatakip halos sa buong pulo, ang nagtatabing sa sinag ng araw sa mga lansangan kaya maginhawa kahit mainit ang maglakbay nang palakad duon. Kahit saan sa pulo, may mga landas na tumatawid sa mga bukirin at gubat-gubat, at sa kapal ng mga puno at tanim, hindi nakakasunog ang araw kahit na sa tanghaling tapat (media dia, high noon). Marami sa punong kahoy duon ay lagpas 20 metro ang taba, kaya mainam na lagariing tabla para sa mga barko. Maginhawa ang panahon, hindi kasing init sa Manila kahit na mas malapit ang Leyte sa gitnang hati (ecuador, equator) |
ng mondo. Ganuon din sa lahat ng mga pulo ng mga Bisaya (Pintados). Ang mga tagaruon (mga Waray-Waray) ay matalino, matapat at hindi mapagkunyari. Marami silang maiinam na ugali subalit 2 ang tangi at karaniwan sa mga kapuluan (ng mga Waray-Waray). Una, hindi sila kailangang magbitbit ng pagkain o inumin kapag naglalakbay. Kahit na saang puok sila makarating, sila ay tinatanggap nang magiliw, inaaliw at pinakakain. Ang pang-2 kabutihan nila ay hindi nila iniiba ang halaga ng palay, kahit na mainam o hindi ang kanilang ani. Hindi nila itinataas o ibinababa ang halaga kaya nakatalaga ang bilihan ng palay kahit anong panahon. Ang 2 mabuting ugaling ito ay bunga ng magiliw na ugnayan nila sa isa’t isa. |
|
Ang pinagkunan: Relacion de las Islas Filipinas, ni
Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
Nakaraang kabanata Balik sa itaas Lista ng mga kabanata Tahanan ng mga Kasaysayan Sunod na kabanata |