Paano Makakarating
Sa ‘Calualhatian’

NUONG panahong iyon, marami ang mga indio sa loob at labas ng Manila (Intramuros). Mahigit 6,000 ang nagkalat kasa-kasama ng mga bahay ng mga Espanyol, pati na sa mga karatig na puok. Danak sila duon magkumpisal hindi lamang kung mahal na araw (cuaresma, Lent) kundi kahit anong araw, kaya laging kulang ang mga frayle na marunong ng Tagalog, ang kanilang wika, na magsilbi sa kanila.

Mayroon akong alam na mga indio na naghintay ng mahigit 10 - 12 araw subalit hindi pa rin nakapagkumpisal. Sa siksikan ng mga tao sa simbahan, madalas hindi sila nakakalapit sa frayleng nagpapakumpisal. Karamihan ay naghihintay maghapon sa loob ng simbahan.

MALIIT na halaga at bahagya lamang nila pansinin ang hinhin (modesty) at pagkadalisay (virtue) ng mga babae. Paniwala ko pa na sa maraming pulo duon, may pangaral ang mga tao na hindi pupunta sa langit ang sinumang babae, may-asawa man o wala, kung wala siyang mangingibig (amante, lover). Ang sabi nila, iisang makitid na tulay ang bumabagtas sa mapanganib na ilog sa kabilang buhay (afterlife) at ang lalaki ang aakay sa babae patawid sa tinatawag nilang calualhatian (cielo, heaven).

Kaya hindi mahalaga sa kanila na virjen ang isang babae. Kabaligtaran, marami ang nagtuturing na ito ay malas (desgracia, misfortune) at isang kahihiyan. Kahit na ang mga babaing may-asawa ay hindi nagdadalang hiya o nananatiling tapat sa asawa nilang lalaki, bagaman at karumal-dumal ang turing ng lalaki sa

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

pakikiapid ng asawa niya, at sapat na dahilan ito upang palayasin niya ang babae.

Halimbawa nito ay nuong unang dating ko sa Pilipinas. Sa pulo ng Marinduque ako dumaong nuong Mayo, 1590, abot ng 140 kilometro mula sa Manila. Nagsisiyasat nuon sa looban ng pulo ang isang pangkat ng mga sundalong Espanyol, pinamunuan ng isang teniente (ensign). Inabot sila ng gabi sa isang baranggay at humingi sila ng tangkilik mula sa mga tagaruon.

Dagdag sa pagkain at inumin na ibinigay sa kanila, inalok pa sila ng mga katutubo ng 2 babae na maisisiping nila. Agad pinabalik ng teniente ang mga babae sa baranggay at hinayag sa mga taga-baranggay na kasalanan sa Dios ang ginawa nila. Subalit mayroong ibang Espanyol na, higit na mapusok sa pagkamit ng kanilang mga mithi, ay hindi lamang tumatanggap ng mga alok, kundi naghahanap pa talaga ng mga babae na maisisiping.

May mga babae na natutong ituring na dulot ng langit ang kanilang pagkadalisay (virtue), at karumal-dumal ang sumiping at makiniig, makikita sa 3 isasalaysay ko ngayon. Naaalaala ko pa ang isang lalaking Espanyol na may ‘hawak’ na mag-ina, at pilit niyang hinikayat ang anak na babae, mistulang isang bata pa lamang, sa magkahalong lupit, banta at pakiusap.

Ang ina ay isang matandang kaladkarin na ‘nakuha’ niya sa handog at salapit. Subalit butihin ang dalagita at pagkaraan ng 7 buwan ng pagsukol ng Espanyol, umayaw pa rin. Sa wakas, nagsawa rin ang Espanyol at binayaan na ang dalagita.

Isa pang babaing indio ang tumanggi nang 12 taon sa hikayat ng isang Espanyol. Hindi kasing tagal subalit higit na matatag ang pagtutol na ginawa ng isa pang babae sapagkat 2 ulit pa siyang tinutukan sa dibdib ng panaksak (punyal, dagger) ng isang Espanyol na lumiligaw sa kanya. Nuong pang-3 pagkakataon, talagang sinaksak na siya subalit nakatalon pa rin siya sa labas ng kubo kaya hindi nawalat ang kanyang kaluluwa.

Nasagip ang 2 indio nuong panahon na iyon. Ang isa ay 20 taon gulang lamang subalit mahusay na sa isang uri ng pangkulam bagaman at wala siyang napapala sa paggamit nito. Ang pang-2 indio ay may isang aklat ng mga tula na tinawag na golo (mga pang-akit sa babae na gamit ng mga Tagal, ayon kay Ferdinand Blumentritt, kaibigan ni Jose Rizal). Mayroon daw sa aklat na bahagi tungkol sa pakikipagkasunduan sa demonio. Kusang isinuko ng indio ang aklat upang masunog.

Karamihan sa mga bilanggo ay mga indio, ikinulong dahil sa iba’t ibang pagkakasala.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata