Ang Kapuluan Ng Pilipinas

ANG MGA PULO na matatawag na Filipinas ay nagsisimula sa malaking pulo ng Brunei (Borneo) na hindi kalayuan sa Malaca (Melaka, dating malaking kahariang malapit sa kasalukuyang Kuala Lumpur) na kasalukuyang himpilan ng mga Portuguese na lumalayon sa Maluco (Moluccas, spice islands, Maluku ang tawag ngayon).

Ang pulong ito ng Brunei ay binabagtas ng kalahating halang (ecuador, equatorial line) ng mondo, mula sa ika-2 guhit sa timog (2 degrees of latitude south) hanggang sa ika-8 guhit pahilaga (8 degrees of latitude north). Ang hari ng pulong ito, bagaman at nanatili siyang Mahometan (Muslim), ay sumuko at nagpailalim sa hari ng Castilia (Felipe 2, hari ng Espanya) nuong si Francisco de Sande ang governador ng Pilipinas.

(Blair & Robertson: Si Sande ay taga-Caceres, sa Espanya. Dumating siya sa Manila nuong Agosto 25, 1575 upang maging ika-3 governador ng Pilipinas. Siya ang namuno sa hukbong dagat ng 46 barko nuong Marso 3, 1578 na sumalakay at sumakop sa kaharian ng Brunei nuong Abril 20, 1578. Nagbalik siya sa Manila nuong Julio 29, 1578 at nagbitiw bilang governador nuong Junio 1, 1580.)

Ang susunod na pulo ay ang maliit na Siao, sa silangan (east) ng Brunei at bandang ika-8 guhit pahilaga (8 degrees latitude north). Ang hari at mga tagapulo duon ay mga catholico, nabinyagan ng mga frayleng Jesuit mula sa Maluku. Nagtungo sa Manila at nagpugay ang hari ng Siao sa hari ng Espanya nuong si Gomez Perez Dasmarinas ang governador sa Pilipinas.

Brunei

Hindi Cian ang tinutukoy ko kundi Siao sapagkat iyon ang pangalan ng pulo. (Ang Siao ay bahagi ng kapuluan ng Sangihe sa pagitan ng Mindanao at ng Sulawesi, ang dating tinawag na Celebes.) Hindi pulo ang Cian (Siam, Thailand ang tawag ngayon) kundi bahagi ng

PAGHANAP SA MGA UNANG PILIPINO: Chronicles

Relacion de las Islas Filipinas
ni Pedro Chirino, 1595-1602

Kasaysayan Ng Mga Pulo Ng Pilipinas
Isina-English nina Frederic W. Morrison ng Harvard University, at Emma Helen Blair

kalakihang lupain (mainland) sa pagitan ng Malaca at Camboxa (Cambodia, tawag ngayon ay Kampuchea), at kadikit ng lawak ng China at Cochin China (dating North Vietnam).

Pahilaga (northward) mula sa 2 pulo ng Brunei at Siao, malalandas ang buong haba ng Pilipinas, papulo-pulo. Pabagtas mula silangan hanggang kanluran, matatawid ang lapad ng kapuluan. Pagkaraan sa 3 magkakahiwalay na pulo ng Sarrangan (Sarangani), Iolo (Jolo) at Taguima (Basilan), mararating ang malaking pulo ng Mindanao.

Pahilaga pa rin, mararating ang pulo ng Manila (Luzon), kasunod ang kapuluan ng Babuyan (Babuyanes), ang pulo ng Hermosa (Formosa, Taiwan ang tawag ngayon), tapos ang malaki at ang munting kapuluan ng Lequios (Ryukyu Islands ang tawag ngayon, bahagi ang Okinawa).

Sa mga pulo sa hilaga, maliban sa mga nabanggit na, ang pinakabantog at pinakamaraming tao ay ang Manila (Luzon), Mindoro, Luban (Lubang Island ngayon), Marinduque, Cabras (katabi ng Lubang), Tablas (Romblon), Imares (Guimaras, sa pagitan ng Panay at Negros), Panai (Panay), Cagayan (kapuluan sa pagitan ng Negros at Palawan), Cuyo (kapuluan sa pagitan ng Panay at Palawan), Calamianes (kapuluan sa pagitan ng Palawan at Mindoro), Paravan (Palawan), at marami pang iba, mahigit sa 40, na hindi gaanong kilala kahit na may mga nakatirang tao. Hindi kasali sa 40 ang mga pulo na walang tao, marami ay maliliit.

Hindi kasali sa 40 ang mga pulo na walang tao, marami ay maliliit.

Ang ibang pulo na tinuran ko, may ilan na mas malaki kaysa Espanya, gaya ng Manila (Luzon) at Brunei (Borneo), at iba pang kasing laki, gaya ng Mindanao at Calamianes. Ang iba naman, Mindoro, Ibabao (Samar), at Negros,

Pilipinas

ay mas maliit, samantalang ang iba ay talagang maliit, gaya ng Leite (Leyte), Sebu (Cebu) at Panai (Panay).

(Hindi lubusang nagkamali si Chirino. Mas malaki kaysa Espanya ang Pilipinas dahil isinali niya ang Borneo na halos kasing laki na ng Espanya. Kung hindi kasama ang Borneo, mas malaki nang kaunti ang Espanya kaysa sa Pilipinas.)

Ang pulo ng Sebu, isa sa pinakamaliit, ay bandang 58 kilometro lamang ang sukat paikot (circumference), kung paniniwalaan ng isang manalaysay. Subalit nakapaglayag ako mismo halos paligid sa pulo na hugis tatsulok, at hinahayag ko ngayong mahigit 240 kilometro ang laki ng pulo paikot.

Marami ring mga tao ang nakatira sa mga maliliit na pulo sapagkat mataba ang lupa at masagana ang ani. Magkakalapit ang mga pulo at hindi naman talagang kaliitan, sapat lamang ang laki.

Ang pinagkunan:   Relacion de las Islas Filipinas, ni Pedro Chirino, SJ, inilathala sa Roma, 1604, at bahagi ng
The Philippine Islands, 1493-1898, nina Emma Helen Blair at James A. Robertson, inilathala sa Manila, 1903,
Bank of the Philippine Islands commemorative CD re-release, 1998

Nakaraang kabanata          Balik sa itaas          Lista ng mga kabanata          Tahanan ng mga Kasaysayan          Sunod na kabanata