DALAWANG linggo matapos lagdaan ang kasunduan, nuong Deciembre 27, 1897, sumuko si Emilio Aguinaldo at kapatid na Baldomero, si Mariano Llanera at 26 pang mga pinuno (34 sa ibang ulat) sa Biak-na-Bato. Isinuko nila ang mahigit 200 sira-sirang baril, nanawagan sa lahat ng Katipunero na sumuko na rin, bago sumakay sa Urano, isang barkong Español, at nagpatapon (exile) sa labas ng Pilipinas. Dumating sila sa Hongkong nuong Deciembre 31, 1897. Ika-2 araw, nuong Enero 2, 1898, nilagak ang 400,000 pesos (dolyar Mexicano na paiba-iba ang halaga, sa ibang ulat) sa Hong Kong and Shanghai Bank sa pangalan ni Aguinaldo. Inilipat niya ang baha-bahagi ng salapi sa iba’t ibang banco duon. Wala na silang tinanggap na salapi pagkatapos. Agad pinag-awayan ng mga patapon |
KASUNDUAN SA BIAK-NA-BATO Pahirap Ng 400,000 Pesos Sa Hongkong Hindi kinilala kahit kailan man ang pamahalaan ng himagsikan kaya hindi masasabing kasunduan (tratado, treaty) ang ginanap sa Biak-na-Bato. Ito ay karaniwang napagkayarian lamang (contrata, settlement)... Sa tingin ng pamahalaan ng España, ito’y isang suhol (sobornar, bribe) lamang... |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
(destierros,
exiles) ang hatian at paggasta ng salapi. Mula Enero 4 hanggang Abril 4, 1898, naglabas si Aguinaldo sa banco ng 5,786.46 pesos, ang bahagi ay kita (interest) sa deposito.
Ayaw hati-hatiin ang salapi, sinarili ni Aguinaldo ang paggasta sa pamuhayan (presupuesto, budget) nilang lahat sa bayan na dayuhan sila, ni hindi nila alam ang wika - Intsik o English - at lahat ng gastos, pati damit at sapatos, ay inawas sa deposito. Mahigpit humawak si Aguinaldo, nilista lahat ng ginasta at, dahil wala silang nagawa |
dahil walang pera, nag-away-away na lamang sila araw-araw. Mula sa pagiging mga pinuno at ‘malaking’ tao sa Pilipinas, naging karaniwang pakainin na lamang sila.
Unti-unti silang nalugi. Dapat sana, kita (interest) lamang ang gastahin nila upang hindi mabawasan ang deposito, subalit 12,000 pesos lamang ang kita sa isang taon, samantalang ang lakas ng gastos nila ay aabot sa 22,000 pesos santaon. Nuong Abril 1898, dumating pa ang isang malaking problema. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Bayad-Pinsala Sa Pilipinas
Hindi isinali ni Paterno sa contrata ang nalabing 900,000 pesos sa pinayagang bayad-pinsala dahil ibibigay daw sa mga napinsala na hindi naman naghimagsik. Minabuti kong huwag nang usisain ito nuong panahong iyon...
Mayruong nakalimot na nasa bulsa pala niya ILOKANO ang naiwang pinaka-mataas na pinuno sa Biak-na-Bato nang mag-alisan sina Aguinaldo at siya, si Isabelo Artacho ang hinalal na presidente ng mga naghimagsik duon na nais ‘maka-parte’ sa salaping ibinigay ng España. Nagpulong sina Artacho, Artemio Ricarte, Isidoro Torres, Paciano Mercado (Rizal) at Francisco Soliman Makabulos bago hiningi sa governador ang natirang 400,000 peso, bahagi nila sa suhol upang sumuko. Pumayag naman si Fernando Primo de Rivera subalit sa 200,000 pesos, ang pang-2 ‘hulog’ (installment) na pinaghati-hatian ng mga ‘napag-iwanan’ (abandonados). Ang hatian sa Pilipinas, tulad ng mga nilaman sa kasunduan sa Biak-na-Bato, ay pulos lihim sa kani-kanila lamang, bagaman at lahat ng binigyan ay inilista at pinalagda sa mga recibo (receipts) na pinagtibay (certified) at nilagdaan nina Baldomero Aguinaldo, Urbano Lacuna at Pio del Pilar sa Manila nuong Abril 6, 1868. Ang 200,000 pesos na panghuling ‘hulog’ ay hindi ibinigay sa mga naghimagsik, marahil dahil umangal sina Aguinaldo nang makarating sa Hongkong ang balita na nagkamit ng salapi sina Artacho. Wala silang karapatang tumanggap ng salapi na dapat daw ipinadala sa Hongkong, sabi ni Aguinaldo. Itinatwa niya sina Artacho bilang mga taksil (traidores) at inalis sa tungkulin bilang mga pinuno ng himagsikan. Pagkatanggap ng 5,000 pesos, nagpunta si Artacho sa Hongkong at, kasama ang kanyang abogado, hiningi nuong Abril 5, 1898 ang kalahati - 200,000 pesos - ng suhol na tinanggap nina Aguinaldo. Gagamitin daw ang salapi upang tuparin ang kasunduan sa Manila na magtatag ng pamahayan sa Hongkong para sa ibang mga pinuno ng himagsikan na hindi kasapi sa pangkat ni Aguinaldo. Pumalag sina Aguinaldo at nagpulong, itinatwa ang tinawag nilang panghu-huthot (chantaje, extortion) at tumangging magbigay ng salapi. Subalit palihim, may ilang Pilipino ang kumampi kay Artacho dahil sa ‘kunat’ (tacañeria, stinginess) ni Aguinaldo at ang buhay nilang parang pulubi. Naghabla si Artacho sa supreme court ng Hongkong upang pilitin sina Aguinaldo na ilahad ang paggasta sa salapi sa Hong Kong Bank at pigilin (injunction) ang paglabas ng salapi sa banco. Bilang katibayan (evidence), inalok niya ang sipi (copia) ng kasunduan sa Biak-na-Bato, at ang napagkayarian ng mga pinunong naiwan duon nuong Deciembre 19, 1897. Ayaw ni Aguinaldo masiwalat sa hukuman ang kanilang gawain at gastos kaya pinasiya niyang tumakas, sa Europe o America, sabi niya sa mga kasama. Naglabas siya ng 50,000 pesos mula sa Chartered Bank at bumili ng pasaje sa barko papuntang Europe, kasama sina Gregorio del Pilar at J.M. Leyba. Bilang kapalit niyang tagapamahala ng salapi sa mga banco, pinili ni Aguinaldo si V. Belarmino. Nuong Abril 7, gamit ang iba-ibang pangalan, umalis sina Aguinaldo 2 araw lamang pagkarating ni Artacho, kaya nang dumating ang patawag (summons) ng supreme court nuong Abril 13, wala na sila sa Hongkong. Dumaan ang barko nina Aguinaldo sa Singapore nuong Abril 21, 1898, at duon naputol ang kanilang paglakbay nang inabutan sila ng mga naganap sa Pilipinas. |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
200,000 pesos na pang-2 ‘hulog’ mula kay Primo de Rivera
We certify that we were present at the settlement and have examined the original receipts. (lagda) Pio del Pilar, Baldomero Aguinaldo, Urbano Lacuna In the absence of Pedro A. Paterno, M. Paterno signs for him. This copy of the settlement is to be given to Baldomero Aguinaldo. (lagda) Primo de Rivera
-- Kinuha sa “MALOLOS: The Crisis of the Republic,” ni Teodoro A. Agoncillo, |
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
[ Ang kabuoan ng nakalista sa itaas ay 200,940 pesos, hindi 200,000. Bagaman at nalathala ito sa aklat ng isang bantog na manalaysay, maaaring huwad o ‘dinuktor’ itong listahan bago niya natanggap. Dapat lamang paniwalaan na lihim itong listahan nuon, malamang nanatiling lihim nang matagal na panahon, at nabunyag lamang nuong panahon na ng Amerkano nang maraming huwad na kasulatan ang lumitaw, tulad ng ‘Kalantiyaw’ at ‘Maragtas.’
[ Dapat ding alalahanin na lawak ang kurakot at kupit (graft and corruption ang tawag ngayon) nuong panahon ng Español, at maaaring ginamit lamang ang mga pangalan ng mga naghihimagsik bilang pantakip. Tutuo na nagkamit ng malaking halaga si Pedro Paterno subalit bakit hindi siya kasama nina Pio del Pilar na lumagda sa patibay, gayong ilang recibo ang maniwaring nilagdaan niya? At bakit hinayag ni Primo de Rivera na ipinaubaya niya ang 900,000 pesos kay Paterno nang walang recibo gayong kahit 20 pesos ay may recibo sa listahan? ]
|
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Nakaraang kabanata Ulitin mula sa itaas Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Aklasan Ng Mga Charismatic Pinoy Susunod na kabanata |