ALAMAT  NG  MGA  UNANG  PILIPINO:   Ancient Legends and Myths of  the Philippines

Si  Alelu’k  At  Si  Alebu’tud
A Story from the Atas of Davao

Itong salaysay ay nalaman ng mga Bagobo mula sa isang binatang Ata. Ang “Alelu’k” at “Alebu’tud” ay mga
pangalang Ata, katumbas ng “Bungen” at “Batol” sa Bagobo. Ang mga Ata ay pangkat ng mga taga-bundok na
kaibigan ng mga Bagobo, nakatira mas malalim sa mga gubat ng Davao, at mas “ligaw” pa kaysa sa mga Bagobo.
Maaaring tutuong pangyayari itong salaysay
...   -- Carla Kern Bayliss, Philippine Folk-Tales

Sa kanlurang panig ng lawa ng Davao nakatira ang mga “ligaw” na Bagobo, tangi sa kanilang makukulay na damit,
laging may mga palamuting borda, manik
(abalorios, beads) at kulingling (campanillas, bells). Nakatira sila sa maliliit na baranggay sa ilalim ng kani-kanilang datu at namumuhay sa palay, mais at sinamay (makinis na abaca, gamit pang-damit)
sa kanilang mga kaingin sa bundok
...   -- Dean C. Worcester, National Geographic Magazine, November 1913

SINA Alelu’k at Alebu’tud ay magkasamang nakatira sa kanilang sariling kubo sa bundok. Nag-iisa sila at walang mga kapitbahay. Isang araw, nagpa-alam si Alelu’k sa kanyang asawa, “Manghuhuli ako ng baboy damo.” Nangahoy nga si Alelu’k, kasama ang kanyang 3 aso at dala ang kanyang tidalan (lancia, spear, sibat sa Tagalog), subalit wala siyang natagpuang baboy damo. Sa halip, sa liblib ng gubat, namataan niya ang isang usa (ciervo, deer), malaki na ang sungay (cuernas, antlers) kaya natiyak niyang matanda na.

Sinugod ng mga aso at sinakmal ang usa upang hindi makatakas. Sunod ang tumatakbong Alelu’k at pinatay ng tindalan ang hayop. Tapos, pumutol siya ng yantok (rattan) sa tabi, itinali sa sungay ng usa at hinatak ang hayop pauwi. Sa bahay, sinalubong siya ni Alebu’tud. Tuwang-tuwa ang mag-asawa at marami silang pagkain.

Humakot sila ng mga panggatong (leña, firewood ) at iba pang kahoy. Nagparikit sila ng apoy, gamit ang mga panggatong, at nagbaon ng mga tukod (estacas, posts) sa paligid, gamit ang ibang kahoy. Sa tuktok ng mga tukod, nagtali sila ng banghay ( parilla, frame) na kahoy, naka-ibabaw sa apoy. Duon nila inilatag ang patay na usa upang masunog ang balahibo ( piel, fur). Pagkatapos, kinaskas nila hanggang nalinis ang balat ( pellejo, skin) ng hayop.

Sinimulan ni Alelu’k na katayin (matar, butcher) at pagpira-pirasuhin ang usa. Samantala, hinugasan ni Alebu’tud ang malaking palayok (puchero, pot) at nilagyan ng tubig upang ilaga (hervir, boil ) ang pira-pirasong laman (carne, meat) at buto (huesos, bones) ng usa. Naubusan ng tubig si Alebu’tud kaya nagtungo siya sa ilog, dala ang kanyang sekkadu (cubo,

bucket, timba sa Tagalog, subalit mas lapat ang tabò, isang biyas (nudo, node) ng kawayan (caña, bamboo) na butas sa isang dulo).

Nakayapak sa ilog, umigib ng tubig si Alebu’tud. Nang puno na ang sekkadu, pinasan niya at nagsimulang umakyat sa pampang subalit biglang lumundag ang isang dambuhalang isda at sinakmal si Alebu’tud. Pumalag ang babae subalit hindi siya nakahiyaw dahil hinila siya ng isda sa ilalim ng tubig. Duon nalunod ang babae at kinain nang buo ng isda.

Sa bahay, naghintay si Alelu’k subalit hindi na niya nakita kailan man ang asawa. Araw-araw, hinanap niya at araw-araw, umiyak siya sa lungkot sa pagkawala ni Alebu’tud. May sapantaha na ibang lalaki ang dumukot at tumangay kay Alebu’tud, subalit walang katibayan ito kahit na ano.

ANG  PINAGKUNAN
An Ata Story,’ in the Philippine Folk-Tales, by Carla Kern Bayliss, Berton L. Maxfield, W. H. Millington, published in the website FullBooks.com, http://www.fullbooks.com/Philippine-Folk-Tales1.html

Nakaraang Alamat               Ulitin mula sa itaas               Lista ng mga Alamat               Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas               Sunod na Alamat