ALAMAT NG MGA UNANG PILIPINO: Ancient Legends and Myths of the Philippines Naging Mga Bituwin Si Magbangal
Ito ang paliwanag ng mga Bukidnon sa mga kumpulan ng bituwin (constellations) na mahalaga sa kanilang buhay. Si Magbangal ay lumilitaw na hugis pangsalok (Ursa Major, Big Dipper) na tangkay ay bisig (brazo, arm) niya na hindi naputol. Bandang itaas sa kanluran ang mga bituwin na hugis ‘V’ na panga daw ng baboy damo na pinatay niya. Mas kanluran pa ang hugis ng bundok kung saan siya nangahoy, habang 3 kumpol ng bituwin na humahabol sa kanya bago sumikat ang araw ay ang kanyang palakol, kawayang pangbitbit, at ang bayawak na alaga niya. Ang paglitaw nitong mga bituwin sa langit ang hudyat sa mga Bukidnon na panahon nang magtanim, at nagpapasalamat sila sa pagtulong ni Magbangal sa kanila taon-taon, hanggang ngayon... |
Kaya Tumaas Ang Langit, Sa alamat ng mga Klemantin sa Borneo, tumaas ang langit nang tamaan ng maso (mallet ) ng isang dambuhala (gigante, giant ), si Usai, habang nagbabayo siya ng palay (arroz, rice). Ayon sa aklat nina Hose at MacDougall, ‘Pagan Tribes of Borneo’... -- Mabel Cook Cole, Philippine Folk Tales, 1916 MABABA ang langit nuong Unang Panahon, abot na abot ng tao. Isang araw, lumabas ng bahay ang isang matandang dalaga (vieja solterona, spinster) upang magbayo (moler, pound ) ng palay. Bago nagsimula, inalis niya ang kanyang suklay ( peine, comb) mula sa buhok ( pelo, hair), at mula sa leeg (cuello, neck), ang kanyang butil-butil na kuwintas (collar de abalorios, bead necklace) at pinagsasabit lahat sa langit na nuon ay hugis matutulis na batuhang dagat (sea coral bed). [ Maniwari, nuong nakaraan, ang tingin ng mga Bukidnon sa mga matandang dalaga ay laging may suot na alahas at mga palamuti sa katawan tuwing labas ng bahay... -- ejl ] Saka siya nagbayo ng palay. Tuwing angat niya sa pambayo (maja, pestle), tinamaan niya ang langit, na tumaas nang kaunti tuwi na. Pagtagal, napagod siya at lalo niyang pinag-sigasig ang bayo, at lalong lumakas ang hampas ng kanyang pambayo sa langit, na lalong umangat. Pagtama ng isang napaka-lakas na bundol, biglang tumaas nang tuluy-tuloy ang langit. Walang tigil umakyat ang langit, tangay lahat ng alahas ( jewelry) ng matandang dalaga, hanggang hindi na abot ng tao maliban sa tanaw. Ang tangay na suklay ay naging buwan (luna, moon). Nagkahiwa-hiwalay at kumalat ang butil-butil na kuwintas at naging mga tala (estrellas, stars) na kumikinang tuwing gabi. [ Karaniwan, ang palay ay inilalatag sa pinatuyong balat ng kalabaw at binabayo upang ihiwalay ang mga butil na saka ibubuhos sa dikdikan (argamasa, mortar) upang ihiwalay naman ang balat o ipa. Tapos, tinatahip (aventar, winnow) ang bigas upang alisin ang ipa... -- Mabel Cook Cole ] |
|
MAGALING mangahoy si Magbangal at madalas siyang umaakyat sa isang bundok upang pumatay ng baboy damo na kinakain nila. Isang gabi, bandang panahon nang pagtatanim, at nag-isip nang matagal sa bahay si Magbangal bago tinawag ang asawa. “Bukas aakyat ako sa bundok mag-isa,” sabi niya paglapit ng asawa, “upang ihanda ang taniman.” “Sasama ako,” sagot ng asawa, “para hindi ka nag-iisa.” “Huwag na,” sabi ni Magbangal, “Nais kong mag-isa, dito ka na lamang sa bahay.” Pumayag ang babae at gumising na lamang nang maaga kinabukasan at hinanda ang almusal ng asawa. “Ayaw kong kumain ngayon,” sabi ni Magbangal, “ihanda mo na lamang pagbalik ko mamayang hapon.” Umalis na si Magbangal, dala ang kanyang 10 palakol (hachas, axes) at bolo (mga itak), isang batong hasaan (afilador, whet stone) at kawayang pangbitbit, at umakyat sa bundok. Pumutol siya ng mga sanga ng puno (ramas, branches) upang upuan, tapos inutusan ang mga bolo, “Hasain ninyo ang mga sarili ninyo.” Naghasa nga sa sarili ang mga bolo. Tapos, ang mga palakol naman ang inutusan ni Magbangal, “Maghasa rin kayo sa sarili.” Nang hasa na silang lahat, hinayag ni Magbangal ang kanilang gawain. “Kayong mga bolo, putulin ninyo ang mga talahib at sukal sa lupa at paligid ng mga puno. Kayong mga palakol, putulin ninyo ang mga puno.” Nag-trabajo ang mga bolo at mga palakol habang nakaupo at nagmamasid si Magbangal. Hindi nagtagal, inantok siya at nakatulog. Narinig pala ng asawa niya, naghahabi (weaving) ng tapis (falda, skirt) sa bahay, ang sunud-sunod na bagsak ng mga puno. “Nag-iisa siyang umalis,” nasaisip ng asawa. “Ngayon, ang daming pumuputol ng puno. Nakatagpo siguro ng maraming kasama.” Umakyat din sa bundok ang asawa upang tignan kung sino ang katulong ni Magbangal. Malayo pa, nakita na niyang natutulog sa isang tabi si Magbangal, at panay ang hataw ng mga bolo at palakol sa mga talahib at puno. Nuon lamang nakakita ang asawa ng mga kagamitan na nagta-trabajo nang nag-iisa. “Aba, makapangyarihan pala si Magbangal,” bulong ng asawa sa sarili, “Hindi sinabi sa akin na may taglay siyang hiwaga!” Biglang umigtad si Magbangal, sinunggaban ang isang bolo at, alipungatan pa, tinaga at pinutol ang sariling bisig. Saka lamang lubusang nagising si Magbangal. “Ay,” palatak niya sa sarili, “may sumisilip sa akin, kaya putol ang isang bisig ko!” Luminga-linga si Magbangal hanggang nakita ang asawa, nagkukubli sa likod ng isang puno, at nabatid niya kung bakit putol ang kanyang bisig. Kaya nang pauwi na silang magkasama, hinayag ni Magbangal sa asawa, “Ngayon, pupunta na ako sa langit. Mas mainam na duon ko ihudyat sa mga tao ang simula ng panahon ng pagtanim. Ikaw, dapat kang pumunta sa tubig at maging isda.” Umakyat nga sa langit si Magbangal at naging kumpol ng mga bituwin na tinatawag pang Magbangal hanggang ngayon ng mga Bukidnon. At tuwing makita nila si Magbangal sa langit, alam nilang dapat nang magtanim ng palay (arroz, rice). [ Sa isang alamat sa Borneo, naputol ang sariling bisig ng isang bayani, si Lafaang, dahil hindi sinunod ang paraang ibinilin ng kanyang asawa. Si Lafaang ay naging kumpol ng bituwin na tinatawag ngayong Orion, at ang asawa niya ay naging mga bituwing tinatawag ngayong Pegasen. Ayon sa aklat nina Hose at MacDougall, ‘Pagan Tribes of Borneo’... -- Mabel Cook Cole ] |
||
ANG PINAGKUNAN
Nakaraang Alamat Ulitin mula sa itaas Lista ng mga Alamat Tahanan: Mga Kasaysayan Ng Pilipinas Sunod na Alamat |